Chapter 8

107 3 0
                                    

Alexa Kyla's Pov

Dalawang linggo na pala ang lumipas nasa akin parin ang jacket na pinahiram ni Neil. Sa araw araw na magkasama kami hindi ko man lang naibalik skanya, Kaya ngayon balak ko ng ibalik. Wag kayong mag alala nalaba ko na yan.  ^_^

Kaya ngayon hinahanap ko na siya sa loob ng campus. Pero ni anino niya hindi ko man lang  makita. Nakakamiss naman yung presence niya.

Naisipan kong ilagay nalang sa bag ko ang jacket kaso hindi na pala kasya kaya no choose ako kundi hawakan nalang hanggang sa makita ko siya. Nang makita ko ang design, ngayon ko lang napagtanto na may A9 na nakasulat sa Jacket. Ang cute nga ehh, napa isip tuloy ako kong anong ibig sabihin ng A9.

Napalundag nalang ako sa gulat ng may nagsalita mula sa likod ko.

"Kyla, Sayo ba yang Jacket?"  Tanong ng isa sa mga schoolmate ko

"Hindi, Pinahiram lang saakin ni---"

Naputol ang sasabihin ko ng nagsalita ulit siya.

"A9, alam mo ba ang meaning nyan?" Tanong ulit niya.

"Ano bang meaning nyan?" Pabalik na tanong ko..

Hindi na nasagot ng schoolmate ko ang tanong ko dahil may biglang tumawag sa pangalan ko..

"Kyla.." tawag saakin ni Leah na hingal na hingal

Naputol ang usapan namin dahil hinila na ako ni Leah papunta sa kong saan. Ano kayang ibig sabihin ng A9? Sa kahihila ni Leah kong saan ay..

"Bhesty, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko

"Si Harper!"

Yun lang ang tanging nasabi niya,
Bakit si Neil!?

Dinala ako ni Leah sa isang abandonadong lugar malapit sa campus namin. At nakita ko si Neil na may kausap na isang lalaki. Sa nakikita ko ngayon kakaibang Neil hindi siya yung kilala kong Neil na masayahin at hindi galit.,  Kung paano niya titigan ang lalaking kausap niya. Nanglilisik ang mga mata niya. Ibang iba ang aura niya, na para bang anytime mapapatay niya ang lalaking nasa harap niya.

"It's nice to see you again Harper Neil" ani nung lalaking kaharap niya ng nakangisi.

"Kung ano man yung nakaraan sana makalimutan mo na. Uso mag move on" ani Harper, Base sa mga binitawan niyang salita alam kong galit siya.

Anong nakaraan ang pinagsasabi niya? At sino naman kaya ang lalaking yan?

Harper Neil's Pov

Ang lalaking kaharap ko ngayon ay si Jack ang kaibigan ko dati, nasira ang pagkakaibigan namin ng dahil kay Danielle ang babaeng mahal na mahal niya ngunit hindi naman siya ang mahal dahil ako ang mahal ni Danielle. Kaya malaki parin ang galit niya saakin hanggang ngayon. Pero kahit kailan hindi ko minahal si Danielle. Bakit? Kasi may iba akong mahal at si Kyla yun., hindi pa man ako kilala ni Kyla ay minahal ko na siya.

"Siya ba?" Nangigigil na sabi ni Jack sabay turo sa likod ko.

"Kyla.." Ang tanging nasabi ko.
Nasa kasalukayan ay kayakap ni Leah dahil sa sobrang takot.

"So siya pala si Kyla, ang babaeng dahilan kaya nasaktan ang babaeng mahal na mahal ko"

"Kasalanan ko ba na nasaktan ang babaeng mahal mo?" Pangangasar na tanong ko. Kaya sinuntok niya ako, sinuntok ko rin siya pabalik at bumulagta siya. Wag na wag niya akong gagalitin baka mapatay ko siya.

Kasabay nun ay tumakbo na palayo si Jack. Duwag.

At nang nilapitan ko si Kyla. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil takot na takot siya.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon