Danielle's Pov
Nabalitaan ko ang pag alis ng kawawang si Kyla, effective ang death threat na pinadala ko noh? Masosolo ko na si Harper ko. Wala ng salot! Bwahahahaha!
Sa katunayan bukas na ang alis niya, I can't wait na makaalis na yang babaeng yan! 1 day to go! Sana hindi na siya bumalik, dahil wala na siyang babalikan you know why? Habang nasa states si kawawang Kyla ay unti unti ng mapapasaakin si Harper. Hahaha!
"Mukhang masaya ka yata ngayon Danielle?" Tanong ni Halley
"Yup, super duper happy!" Sagot ko sabay ngiti, yung ngiting tagumpay.
"Huh? Bakit naman aber!?" Tanong ulit niya
"Aalis na ang babaeng salot bukas!" Sagot ko.
"Is that true?"
"Like what I've said a while ago, aalis na nga siya, Let's celebrate!" Sabi ko at itinaas ang basong hawak ko.
At nag-cheers kami. Masyado bang maaga para mag-celebrate? Wala kayong pake, buhay ko 'to!
Magiging masaya na ulit ang buhay ko, masaya naman talaga eh kasu ng dumating yan babaeng yan nawala ang lahat saakin!
Bakit ba kasi dumating yang babaeng yan ehh, panira siya sa istorya namin ni Harper! Atska wala siyang binatbat saakin mas maganda ako at sexy pa kesa sa Kyla na yun! Like Duhh!?
Alexa Kyla's Pov
Nakakalungkot isipin na flight ko na bukas, kaya heto ako ngayon inaayos ko na ang mga gamit ko.
Habang nag aayos ako ng gamit ko ay pumasok si mama sa kwarto ko.
"Anak, May bisita ka" ani mama
Lumingon ako kay mama at bigla ko lang siyang niyakap. Kahit labag sa kalooban ko ay kailangan ko parin sumama sakanila bukas.
"Mom" yung lang ang tanging nasabi ko.
"Alam kong mahirap na mapalayo ka sakanila lalo na kay Neil, pero ginagawa lang namin ng Dad mo 'to para sayo, ayaw ka namin mapahamak, hindi ko kakayanin na mawala ka, ayaw kong maranasan ulit ang nangyari sainyo ng kuya mo 4 years ago" dahang dahan sabi ni Mama habang magkayakap kami.
Alam ko naman yun ehh, ayaw lang nilang mangyari ulit ang nangyari saamin ni kuya noon na pareho kaming nagbubuwis buhay sa hospital.
"Ma, Thank you for everything, I love you so much Ma" sabi ko ng may mga luhang namumuo sa gilid ng mata ko.
"I love you too my little princess" ani mama
"Tama na nga ang drama natin dito anak, hahaha, kanina ka pa inaantay ni Neil sa labas" ani mama at pinunasan ang mga luha niya.
Tumawa nalang kami ni mama, mana talaga ako sakanya pareho kaming emosyonal.
Bago ako lumabas ng kwarto ay nag ayos muna ako saglit. Atska na lumabas ng kwarto, ayaw ko namang paghintayin ang prinsipe ko.
"Baby love, namiss mo ako agad?" Bungad ko sakanya.
Agad naman siyang lumapit saakin. At nanglalambing pa.
"Oo naman baby love, lalo na pag umalis ka na, mamimiss kita sobra" aniya
"Drama mo Neil ha, bukas ka nalang umiyak" biro ko at hinampas ko siya sa braso
"Hindi ako umiiyak, nalulungkot lang" ani Neil
"Wag ka ngang ganyan baka magbago ang isip ko" pagbibiro ko sakanya
Tinawanan niya lang ako. Pero alam ko naman na deep inside ay malungkot ang baby love ko.
"Tara na nga" ani Neil at hihilayin na sana niya ako kasu pinigilan ko siya.
"Ohh bakit ayaw mo bang kasama ang baby love mo?" Sabi niya ulit at nagpout pa. Nagpapalambing ang baby love ko. Hahaha.
"Bihis lang ako saglit" sagot ko sakanya.
"Sige, dalian mo ahh!" Aniya.
Kaya tumakbo ako papuntang kwarto ko para magbihis. Hahahaha. Buti nalang talaga at naligo na ako kanina, hindi ko kasi in-eexpect na may gwapo akong bisita ehh.
Pagkatapos kong magbihis at mag ayos ay lumabas na agad ako ng kwarto, at nagpaalam na kay mama at papa.
"Ma, Pa, alis na po kami" sabi ko at hinalikan ko sila sa pisngi.
"Sige, take care my little princess" ani Mama
"Neil anak ko ha!" Pahabol ni papa
"Opo tito, ako na po bahala sakanya, I will take care of her" ani Neil ng nakangiti kay Papa.
Nagpapa-impress. Hahahaha. Choss. Siya na talaga ang kilala kong gangster na mabait. Hahahaha. Although minsan may dalang hangin habagat, pero atleast mapagmahal naman. Kinilig aketch.
"Oh bakit ka nakangiti dyan?" Aniya ng nasa loob na kami ng kotse.
"Masaya lang?"
"Kinikilig ka lang yata kasi kasama mo ang pinakagwapo sa balat ng lupa ehh" aniya nang nakangisi
I told you, may hanging habagat siya kung minsan.. hahaha pero kahit na ganyan yan mahal ko yan..
"Sus, Mas gwapo pa nga sayo si Lee Min Ho ehh" sabi ko sakanya ng kinikilig.
Nag-pout naman siya sa sinabi ko. Hahaha. Nagpapacute naman siya.
"Para kang tuta dyan Neil" sabi ko ng natatawa
"Kanina sabi mo mas gwapo pa si Lee Min Ho tapos ngayon naman para akong tuta, baby love naman ehh" aniya.. Nagtatampo na ba siya sa lagay na yan?
Tinawanan ko lang siya. Nagd-drama ang Neil ko. Hahaha.
"Tapos ngayon naman tinatawanan mo ako? Nababaliw ka na talaga saakin ano?"
"Mamimiss ko yang kakulitan mo baby love" imbis na sagutin ko ang tanong niya ay yan ang nasabi ko. Totoo naman ehh.
"Mamimiss ko rin yang mga ngiti mo baby love, wag magpapaligaw dun ahh, kundi susunod ako dun!"
Tumawa lang ako sakanya. Hindi talaga ako magpapaligaw, may Neil na ako ehh. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pag alis ko bukas ay nagagawa niya parin akong patawanin ng ganyan.
"I love you baby love ko"
"I love you too baby love"
Ang drama na ba namin masyado? Hahaha Lol. Ehh sa mamimiss ko siya ehh. ^_^
Harper Neil's Pov
Nang makarating kami sa campus ay kinausap namin agad si Mr. Reyes tungkol sa pag alis ni Kyla bukas, nang matapos namin siyang kausapin ay naglibot libot muna kami sa campus.
"Baby love, balik ka agad ha" sabi ko sakanya.
Nakakabading naman ang mag-drama. Pero para sa girlfriend ko, sige!. Pero hindi ako bakla ahh. Sa kagwapo kong 'to! Hindi pwedeng mabawasan ang lahi namin. Pinapatawa ko lang kayo kahit na malungkot ako.
"Syempre naman baby love, babalik ako agad"
"Tama na nga ang drama natin dito Neil" pahabol niya.
"Ikaw nga madrama dyan ehh, dapat nagsasaya tayo ngayon"
Binatukan pa niya ako ehh. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Pinapatawa ko lang siya, ayaw ko kasing nalulungkot siya ehh. Nadudurog ang puso ko.
"Tara na nga sa bahay, paniguradong nandun na ang buong barkada!" Aniya
Nang makarating kami sa bahay ay sinalubong kami ng mga kaibigan niya at syempre ang mga tropa ko.
"Buti naman at dumating na kayo, akala namin nagtanan na kayo ehh" pagbibiro ni Clarence
"Sira ulo ka talaga Clarence ehh!" Sabi ko sakanya
Nagsi-tawanan naman silang lahat. Kung itatanan ko siya dapat noon pa! Pero di ko gawain yun ehh. Baka mamaya hindi ako payagan ng parents ni Kyla ko na pakasalan siya.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!