Chapter 43

51 2 0
                                    

Alexa Kyla's Pov

**Continuation of Chapter 42**

Mas lalo akong kinabahan ng may marinig akong yapak, na base sa pagkakarinig ko ay papunta saakin.

"Neil? Ikaw ba yan? Wag mo naman akong takutin, alam mo naman na matatakutin ako di ba? Kaya please lang magpakita ka na!" Ngininginig na sabi ko.

Bigla akong napasigaw ng may humawak sa balikat ko. Lumingon ako upang makita ang taong yun habang hawak hawak ko ang phone ko na nagsisilbing ilaw ko, laking gulat ko ng makita ko ang isang lalaki na punong puno ng dugo ang mukha nito.

"Aaaaaaaaaaahhhh" sigaw ko, dahil sa sobrang takot ko ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Tuloy tuloy parin ang paghikbi ko habang yakap yakap ko ang mga hita ko. Isa 'to sa mga kinakatakutan ko.

Hindi ko namalayan na may yumakap na pala saakin, nawala lahat ng takot ko ng makilala ko kung sino ang taong yumakap saakin.

"Ssssshhh tahan na baby love" pagtatahan niya saakin.

Hindi ko parin mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Niyakap ko siya pabalik.

"Saan ka ba pumunta baby love? *sobs* bakit mo ako iniwan dito? *sobs*" Sambit ko habang humihikbi pa.

"Sssshhhh, tahan na. Wag ka ng umiyak. Ssssshhh" pagtatahan niya saakin habang hinahaplos niya ang likod ko.

"Switch on the lights please!" Sigaw ni Neil.

Bigla naman nag-switch on ang ilaw. Nagulat ako ng may sumigaw.

"HAPPY BIRTHDAY BHESTY!!!" sigaw ng mga kaibigan ko. Kaya napakalas ako sa pagkakayakap kay Neil.

"Pasensya ka na bhesty kong napaiyak ka namin, Hindi kasi namin in-expect na iiyak ka e" sambit ni Leah

"Sorry Kyla, Kung natakot ka sa pagmumukha ko kanina, Part kasi ng surprise yun e. Kasu nga lang hindi ko alam na matatakutin ka pala. HAHAHAHA" sambit ni Lawrence at may gana pa talaga siyang tumawa ah. Binatukan naman siya ni Leah.

"Gusto mo bang mag-away ulit tayo ha!?" Sigaw ni Leah, napakamot naman sa ulo si Lawrence tsaka 'to umiling. Buti naman at okay na sila ngayon.

Natawa naman silang lahat, Sanay na kami sakanila. Ganyan sila magmahalan e. XD Pati tuloy ako nakitawa na rin sakanila. >__<

Inakbayan naman ako ni Neil, kaya napalingon ako sakanya. Habang siya naman ngiting ngiti. Yung bang ngiting tagumpay. XD

"Happy Birthday baby love! I love you" bati niya habang nakangiti.

"Sus, Ikaw siguro may pakana neto no? Muntikan na akong atakihin sa puso dahil sa sobrang takot ko." Sambit ko. Tinawanan niya lang ako. Nagawa pang pagtawanan ako e. Ang bad niya.

"Anong nakakatawa dun? Gusto mo bang maaga akong mamatay?" Tanong ko sakanya pero patuloy lang siya sa pagtawa niya, Hawak hawak pa nga niya tyan niya sa kakatawa e. Ipa-mental ko siya e.

"HAHAHAHAHAHA Ang cute mo kaya kanina baby love, Realtalk! Promise! HAHAHAHA" Natatawang sambit niya.

"Ang bad mo talaga!" Nakangusong sambit ko sabay cross arms pa.

"Mahal mo naman!" Sambit niya sabay ngisi.

"I love you Kyla" malambing na bulong niya. Niyakap niya kasi ako e. Kainis siya, Isang "I Love You" niya lang nagwawala na ang puso ko. Sh1t! Madrama na ba ako? Pagbigyan! Birthday ko e. XD

Dahan dahan naman akong lumingon sakanya tsaka ko siya hinalikan sa pisngi. Bakas sa kanya ang pagkagulat. Hindi niya in-expect. XD

"I love you too Neil" mahinang sambit ko tsaka ko siya niyakap. Hinalikan naman niya ako sa noo.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon