ALEXA KYLA'S POV
Kinabukasan, kahit na pagod sa byahe pinilit ko parin gumising ng maaga. Sa katunayan hindi ako nakatulog nang maayos, dahil nga kakarating lang namin mga 3 hours ago lang. Napasarap kasi yung bonding ng barkada kahapon, inabot na nga kami ng madaling araw e.
Papunta na ako ngayon sa school, balak ko sanang hindi pumasok dahil nga kulang pa ako ng tulog, pero dahil supportive ako kay baby love ko na may laro mamaya, kaya pumasok ako. Para may mag-cheer sakanya. HAHAHA Proud ako sa boyfriend ko e.
*At School Campus*
"Bhestyyy!"
Tawag saakin ni Jhona, alam ko nang siya yan. Sigaw pa lang, siya na e. Maingay kasi siya. HAHAHA Dibale sanay na kami sakanya. XD
"Oh? Makasigaw ka naman dyan parang ang tagal natin hindi nagkita e." Mahinang sambit ko sabay tawa pero yung mahinang tawa lang. HAHA
"Wala lang! Bakit ba?! Yung totoo natulog ka ba ha?! Ang tamlay mo! Mygosh! Halika matulog ka sa clinic" sermon niya saakin. Edi siya na ang nanay ko. HAHA Maka-sermon siya dyan, ehh siya nga yung dahilan kong bakit hindi kami nakauwi at kung bakit ako bangag ngayon e. Lambingan kasi sila ng lambingan ng boyfriend niya ang ingay ingay nila, kaya hindi ako nakatulog, sakto pang si baby love ko yung nag-drive ng van kaya yun. Edi sana mahimbing sana yung tulog ko.
"Wow bhesty ah! Kayo nga ang may kasalanan kong bakit ako bangag ngayon e! Makapag sermon ka dyan." pagtataray ko. Nagawa ko pang magtaray e, puyat na nga. XD
"Kaya nga, sasamahan kita sa clinic di ba? Halika na! Dalii!" Aniya sabay hila saakin.
"Bhesty! Bitawan mo nga ako! Kailangan kong puntahan si Neil, may training siya ngayon! Bhesty naman e" sigaw ko, ehh makulit siya e.
"Pabayaan mo siya, kaya niyang sarili niya! Ikaw naman kailangan mong magpahinga! Bakit ka pa kasi pumasok e. Hindi ka pa naman sanay mapuyat. Nagpahinga ka nalang sana" pasigaw na sabi ni Jhona. Yan nanaman siya sa sermon niya e. Kaya napanguso ako. Madala ka sana sa ka-cute-an ko.
"Kyla! Hindi mo ako madadala sa pagpapacute mo! Hindi ako si Neil mo, para magpacute ka ng ganyan." bulyaw niya saakin. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga students. Makasigaw kasi itong best friend ko parang bingi yung kausap niya e.
"Sige na nga! Saan ba nagt-training yan baby love mo? Samahan nalang kita" aniya, yehey! Buti nalang cute ako. HAHAHA kaya napangiti agad ako sabay sabing "Sa Volleyball Court malamang! Tara na! Dalii" sambit ko sabay hila sakanya. Siya naman hihilain ko ngayon. HAHAHA
Mabilis kaming nakarating sa Volleyball Court, syempre ang bilis kong tumakbo e. Pero hindi ako kabayo a. Sinasabi ko lang. XD Automatic akong napabitaw kay bhesty sabay takbo papunta kay Neil.
"baby love, inaaway niya ako." sambit ko habang nakayakap sakanya sabay turo kay bhesty Jhona. Natawa naman siya saakin atsaka niya ako kinurot sa pisngi.
"Ang cute cute talaga ng baby love ko." Lambing saakin ni Neil ko.
"Sus, bagay talaga kayong dalawa no? Haaays! Pinagsasabihan ko lang yan best friend kong matigas ang ulo, tignan mo ang tamlay tamlay niyan kanina, sabi ko sakanya matulog siya sa clinic e pero ayaw niya!" Sermon nanaman niya habang nakatingin saakin samantalang ako nakayakap lang ako kay baby love ko.
"Salamat sa pag-aalala mo sa baby love ko, ako ng bahala sakanya. Puntahan mo nalang si Dustin mo" sambit ni baby love ko habang hinahaplos niya ang buhok ko.
"Maliit na bagay Neil, best friend ko yan e." Sagot niya tsaka siya tumingin saakin "Yan na kasama mo na yung baby love mo, magpahinga ka mamaya bhesty a. Kundi sasapakin kita" pahabol niya tsaka niya ako hinalikan sa pisngi.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomansaPaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!