Alexa Kyla's Pov
Magkasama kami ngayon ni bhesty Leah, as in kaming dalawa lang. Wala kasi yung apat ehh. Si bhesty Diane nasa Japan parin. Sina Krisha, Jewel at Jhona naman ay nagpapa enrol na sa ibang school. well yung dalawa lang naman talaga ang lilipat ehh sumama lang si Jhona.
Kaya heto kami ngayon ni bhesty Leah naisipan naming magbonding kahit kaming dalawa lang.
Habang naglalakad lakad kami ay may nakita kaming batang babae na umiiyak, kaya nilapitan namin siya.
"Oh bakit ka umiiyak baby?" Malambing na tanong ni Leah dun sa bata.
"Nawawala po kasi ako, pwede po bang tulungan niyo ako? Heto po ang address ko." Umiiyak na sabi nung bata.
"Sige ba baby, halika ka rito kay ate Leah, uuwi na tayo" nakangiting sabi ni Leah sa bata.
Parang may something. Hindi ko maexplain. Kinabahan ako bigla eh.
Bigla namang may narinig akong nagbubulungan na lalaki sa likod namin.
"Pare, nagkamali tayo nang nabiktima kunin mo na yung bata, dali!" Sabi nung lalaki sa likod ko.
"Paanong nagkamali tayo? Ehh mukhang mayaman naman 'tong mga to." Sabi nung isa pang lalaki.
"Tignan mo yung jacket nung babaeng yun. may A9 na nakatatak may logo pa. Kung hindi ako nagkakamali girlfriend yan ng isa sa myembro ng A9" pagpapaliwanag niya.
Alam kong ako yung tinutukoy ng lalaking ito ako lang naman ang naka-jacket saaming dalawa ng bhesty ko.
"Bhesty! Bitawan mo yang batang yan." Sabi ko ng mariin.
At bigla nalang lumapit yung isa sa mga lalaking nagbubulungan kanina.
"Anak ko siya, Akin na siya!" Matigas na sabi nung lalaking lumapit saamin.
Tinignan niya ako ng matagal at dali daling umalis na para bang natatakot.
"Bhesty, parang may something" ani Leah
"Bhesty, sa susunod hindi na tayo magpapadala sa mga ganung eksena, for sure kikidnapin tayo nun, narinig ko yung bulungan nila ehh. " paliwanag ko sa bhesty ko.
"Buti nalang talaga hindi natuloy yung balak nilang kidnapin tayo hindi pa naman kami ni Lawrence" aniya. Nagawa pa niyang magbiro ehh kamuntikan na kaming nabiktima ng kidnappers.
Hayy salamat talaga sa Jacket na 'to. Ngayon alam ko na kong bakit laging binibilin saakin ng boyfriend kong si Neil na isuot 'tong jacket na ito pag hindi ko siya kasama. Kung ganun sikat pala ang gang nilang A9. Astig naman ng boyfriend ko. Charr! ^_^
Harper Neil's Pov
Kasama ko ngayon si Lawrence, nagpapaturo kasi siyang mag-gitara saakin. Ewan ko nga sa taong 'to kong bakit saakin pa siya nagturo ehh. Kasama ko sana ngayon ang girlfriend ko. Hayy! Pero ok lang naman magkasama kasi sila ng kaibigan niyang si Leah.
"Pare, ang hirap pala pag beginner" pagrereklamo ni Lawrence
"Ganyan talaga! Bakit mo ba kasi naisip na mag gitara ehh hindi ka naman marunong?" Tanong ko sakanya.
"Actually pare, para kay Leah ang ginagawa kong 'to" aniya ng nakangiti.
"Manliligaw ka?" Tanong ko.
"Obvious ba? Nakapagpaalam na nga ako sa mama niya ehh, botong boto nga saakin ang mama niya" proud na sabi niya.
"Wag kang mag alala sasagutin ka rin nun, may pagkapakipot lang talaga ang mga babae." sabi ko at nag fist bump pa kami.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!