Leah Jean's Pov
"Anong sagot mo sa tanong ko? Oo or Oo?" Tanong ni Lawrence saakin.
Parang masyado pang maaga para sagutin siya. Hindi ko pa nga na-eenjoy yung panliligaw niya saakin. Hahaha"Lawrence, Kong mahal mo talaga ako makapaghihintay ka" sabi ko saknya.
Nalungkot naman siya sa sagot ko, pero napalitan agad yun ng ngiti dahil.."Hinding hindi ako susuko sayo Leah, kahit gaano pa katagal maghihintay ako" aniya.
Talaga lang ha? Kahit na forever pa siyang manligaw saakin? Makapaghihintay siya? Ayy sorry wala palang Forever!
"Okay lang yan pare, worth it yung mga sugat mo sa daliri." Ani Neil ng may pangangasar.
Ito talagang Neil na 'to! Ahaha nagawa pang asarin si Lawrence ko."Wag kang titigil sa panliligaw mo sakanya Lawrence pakipot lang talaga yan si bhesty" ani Kyla na para bang inaasar ako.
Bagay talaga sila ng boyfriend niya ehh. Pero kahit na ganyan yang kaibigan kong yan mahal ko yan!-
After 2 days.
Dalawang araw na pala ang nakalipas simula ng mabasted ko si Lawrence, Gaya nga ng sabi niya hindi daw siya susuko kaya ngayon kahit na nabasted ko na siya tuloy parin sa panliligaw saakin. Kasama ko nga siya ngayon ehh, Sina bhesty sana ang kasama ko ngayon kaso nga lang pinamigay ako ng mga kaibigan ko sa mokong na 'to. Ganyan na ba talaga nila ako kamahal? Charr! Drama lang. Alam kasi ng mga bhesty ko na may feelings rin ako kay Lawrence kaso nga lang kailangan ko pa siyang pahirapan bago ko sagutin. Hahaha ang sama ko naman.
"Salamat nga pala Leah at sinamahan mo ko ngayon" ani Lawrence
Anong sinamahan ka dyan! Pinilit nga lang ako ng mga loka loka kong kaibigan ehh. Hindi naman sa masungit ako kay Lawrence ko ha. Test ko lang yan saknya. Kong kaya niya ba talagang maghintay ng matagal. Charot!"Ayos lang yun. Loka loka kasi yung mga kaibigan ko ehh" sabi ko.
Jewel's Pov
Magkakasama kaming tatlo ngayon. Sad to say, tatlo lang talaga kami. Si Kyla kasi kasama niya ang boyfriend niya. Si Diane nagha-happy happy parin sa Japan kasama rin ang boyfriend niya. Si Leah naman pinilit namin siya na sumama kay Lawrence, hindi sa ayaw namin siyang kasama ahh kundi para makonsensya siya hindi niya kasi sinagot si Lawrence ehh. Nag effort pang magpaturo kay Neil tas yung kamay niya nasugat pa dahil nga beginner at talagang desido siya. Hayy! Ganyan talaga ang life parang buhay.
Actually nandito kami ngayon sa bahay ni Jhona, wala lang trip lang namin. Pero sa totoo lang nandito kami dahil sa pagkain, lalo na yung isa ko pang kasama na si Krisha hayy naku! Food Lover yan! alam na!
Buti nga hindi siya nagc-complain kong bakit tambayan namin dito sa bahay nila.
"Anong gusto mong i-bake ko ngayon Bhesty Krisha? Cake or Cupcake?" Tanong ni Jhona kay Krisha
Hindi na nga nagsasawa yan si Krisha ehh kahit anong pagkain sige go parin! Hayy!
"Pwedeng pareho nalang, parehong masarap ehh" sagot ni Krisha
Sabi na eh.. tsk tsk! Wawa ang chef namin. Pero okay lang kasama naman ako ni bhesty Krisha na kakain. ^__^
Nag umpisa ng magbake si bhesty Jhona, samantalang kami ni bhesty Krisha ay pinapanood lang siya. Ang sama namin noh? Kaming kakain tapos hindi namin siya tutulungan. Ganyan talaga kami! Joke! >__<
After 2 hours~
Natapos na rin sa pagb-bake si Jhona, buti nga hindi namaga mata namin kakatingin sakanya. Pero syempre inilagay muna namin sa ref at tska mamaya nalang namin kakainin. Syempre kailangan ilagay sa ref ang cake especially kong bagong gawa ng icing. Hindi ako galit ahh just saying lang naman.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!