Alexa Kyla's Pov
Nandito na kami ngayon sa airport. Hindi ko na nga mapigilan ang pag iyak ko ehh.
"Bhesty, wag mo kaming kakalimutan ha, balik ka rito agad" mangiyak iyak na sabi ni Krisha
"Sabi nga ni Douglas McArthur 'I Shall Return!' " Pagbibiro ko kahit na umiiyak na ako.
"Binibiro mo pa kami ng ganyan ehh" sabat naman ni Jhona
"Basta bhesty, ingat ka dun ha" ani Jewel
"Oo naman, ingat rin kayo rito ahh"
Pagkatapos naming nag-group hug ay lumapit ako kay Neil at niyakap siya ng mahigpit."Neil, baby love ko, mamimiss kita" sabi ko sakanya habang mahigpit ang yakap namin sa isa't-isa.
"Mahal na mahal kita baby love, ingat ka dun, mamimiss kita sobra!" Pagkasabi niya ng mga salitang iyan ay hinalikan niya ako sa noo.
"Kyla, let's go!" Ani mama
Nang marinig ko si Mama ay mas hinigpitan ko pa ang yakap kay Neil. Parang hindi ko kayang umalis ng hindi ko siya kasama.
"kyla, i said let's go!" ulit ni mama
"Sige na baby love, i love you!"
Bago ako humiwalay sa yakap niya ay hinalikan ko siya sa pisngi. Pagkatapos nun ay lumapit ulit ako sa mga kaibigan ko, muli kaming nag group hug.
"Bhesty, pwede ka pa bang pigilan? Ang layo kasi ng pupuntahan mo ehh, buti sana kong part lang ng Pilipinas ehh" pagbibiro ni Leah
"Late na para pigilan natin siya, besides para sa safety niya 'to" sabat ni Jewel
"Sige na mga bhesty, Chat nalang us" sabi ko.
At naglakad na ako palayo sakanila. Ilang hakbang palang ay muli akong lumingon sakanila.
"Have a safe trip bhesty!" Sigaw nila
Tumingin naman ako sa kinaroroonan ni Neil. Nakayuko lang siya. Siguro ayaw niya akong makita na umaalis. Alam kong masakit para sakanya na hindi niya ako kasama. Sandali lang naman ito ehh, babalik rin ako agad.
Harper Neil's Pov
Alam ko namang babalik siya after 3 months ehh, kasu nga lang ang sakit pagnakikita ko siyang umaalis ng hindi ako kasama.
Pero imbis na malungkot ako ay natawa nalang ako. Paano ba naman kasi 'tong mga kaibigan niya makaiyak sila parang hindi na siya babalik kahit kailan, yung ganung iyakan. Hayy!
"Tama na nga yan! Ang drama niyo na masyado!" Reklamo ko sakanila
"Ehh pa-ano ba n-am-an k-asi si bh-esty i-ni-wan na ni-ya ka-mi" pasinghot singhot na sabi ni Krisha
"Ma..ta..gal.. ka..ya.. ang.. 3.. months.." dagdag pa ni Diane habang humihikbi
"Ehh bakit ikaw? Mukhang masaya ka pa dyan ha!?" Ani Jewel
"Mabilis lang kasi ang 3months parang tatlong linggo lang yan"sabi ko.
Si Lawrence naman panay ang abot ng tissue sa girlfriend niya. Iyak din ng iyak ehh.
"Wag na nga kayong umiyak dyan, baka mamaya mapagkamalan pa kayong galing sa libing" medyo iritado kong sabi sakanila.
"May chat naman pwede rin video call" sabat ni Lawrence na pinapatahan ang girlfriend niya.
Nang maihatid namin si Kyla at ang parents niya sa airport ay inihatid ko narin ang mga kaibigan niya sa kanya kanyang bahay nila. Ako pa talaga naging driver nila ehh. Samantalang kasama nila ang mga boyfriend nila.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!