Alexa Kyla's POV
Ikatlong araw na namin ngayon dito sa baguio, Sa katunayan mamaya na ang alis namin. Kaya ngayon ine-enjoy na namin., Mukhang yung isa naman naming kasama ay ayaw pang umalis kaya kinukulit niya ang boyfriend niya.
"Babe! i-extend pa natin ng isang araw yung bakasyon natin dito? Pleaseee." naka-pout na sambit ni Leah habang nakahawak ito sa braso ni Lawrence.
"Babe, Hindi pwede! May pasok na tayo bukas." Sagot naman ni Lawrence. Kaya mas lalong ngumuso si Leah, Nagiging spoiled brat na itong best friend ko sa boyfriend niya a.
"Sige na nga! Pero isang araw lang a. Tutal wala naman tayong gagawin bukas, dahil hindi naman ako player e." sagot ni Lawrence kay Leah kaya nagtatatalon talon si Leah sa tuwa.
"Paano yan dude? Tuloy na ang alis namin ni Kyla ko mamaya, Tatlong araw na kasi akong walang training e. Tsaka saktong may laro pa kami bukas ng hapon" sabat ni Neil
"Sige lang dude, Ingat nalang kayo ni Kyla. Pero sa ngayon mag-enjoy muna tayo." Sambit ni Lawrence sabay tapik kay Neil.
"Uwi na rin kami ni Jewel mamaya, May appointment kasi kami ng Black Thunder e." Sabat naman ni Kirk. Kaya napatingin kaming lahat sakanya, napangisi naman yung nga boys sa sinabi ni Kirk.
"Sus, Appointment ba talaga yan ha? Kirk" Pangangasar ni Ian habang nakangising aso.
"Oo nga. Kakasabi ko lang kanina di ba?! Appointment nga ng Black Thunder. Namimiss na daw ako ng mga ugok e." Nakangiting sambit ni Kirk sabay tingin kay Jewel. Sa tingin ko hindi appointment ang dahilan e. Kung makapagtitigan kasi yung dalawa e. Alam na this! Baka may date or... Alam niyo na.. XD
"Dude, Sabay na kami sainyo a." Sambit ni Kirk sabay tapik kay Neil ko.
"Hindi pwede! Hindi tayo kasya." Sagot naman ni Neil.
"Anong hindi kasya ka dyan! Dalawa lang kayo ni Kyla sa HIACE Van, Tapos sasabihin mo saaking hindi kasya?! Dude naman e." Sambit ni Kirk sabay kamot sa ulo. Kaya natawa kaming lahat. Sarap nilang pag-untugin e.
"Bakit ba!? Gusto kong masolo ang Kyla ko e." Sagot naman ni Neil sabay akbay saakin with matching smirk. Sapukin ko siya dyan e. Baka mamaya kung ano ano nanaman iniisip nitong lalaking 'to.
"Parang makikisabay lang e" sagot naman ni Kirk habang nakanguso. Natawa naman si baby love ko sa inasta ni Kirk.
"Tumigil na nga kayo dyan! Para kayong bata" iritadong sambit ni Jewel.
Kaya natahimik si Kirk. Masunurin sa girlfriend e. Habang si Neil ko naman iyon tawang tawa parin, nababaliw na yata. XD Di nagtagal ay tumigil rin siya sa pagtawa, binatukan ko e. Paano ba naman kasi para na siyang nasiraan ng ulo. Ang ganda niyang ipa-mental. Pero syempre, ako dapat yung doctor niya ayokong ibang babae ang mag-aalaga sakanya, baka kasi mamaya painumin siya ng gayuma, Mahirap na, Dapat ako lang mahal niya. XD
"Ang sakit nun baby love a" angal niya saakin sabay haplos sa batok niya.
"Sorry na baby love, saan ang masakit?" Paglalambing ko sakanya.
"Dito, Dito" Aniya sabay turo niya sa magkabilang pisngi niya. "Tsaka Dito" dagdag pa niya sabay turo sa labi niya. Loko loko talaga 'tong lalaki 'to e. XD
"Kiss mo nalang ako baby love, para mawala yung sakit, Ang sakiiit e, sobraaa" aniya habang kunwaring dumadaing. Babatukan ko pa sana siya ng bigla niya akong hilain palapit sakanya, kaya sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko man lang napansin na magkadikit na pala ang mga labi namin. Habang nakapulupot naman ang mga kamay ko sa batok niya samantalang siya naman nakahawak lang sa bewang ko. Nangyayari ba talaga 'to ngayon? Mygosh! Dahan dahan ko naman naramdaman ang paggalaw ng labi niya sa labi ko. Hayy! Bahala na nga! Hindi ako marunong humalik e.
"Ehem! Pwede ba kayong maistorbo saglit?"
Kaya bigla akong napamulat ng mga mata kasabay ng pagkamulat ko ng mga mata ko ang paghiwalay ng labi namin. MyGosh! Nakalimutan kong nandyan pala sila. Sh1t! Kainis kasi siya e, nadala tuloy ako. Haaays. -____-
"Pwede bang ituloy niyo nalang yan mamayang gabi? Pwede ba yun? Ha Neil?" Pangangasar ni Lawrence sabay ngisi.
"Nakakagulat naman kasi kayo, wala man lang preno. Hindi tuloy kami na-orient" pangangasar rin ni Leah.
Dahil sa hiya ko ay niyakap ko nalang si Neil tsaka ko itinago ang mukha ko sa dibdib niya. Sh1tness! Paniguradong namumula na ang pisngi ko ngayon. Haaaay! Kasalanan ni Neil 'to e. -______-
"Sige, Excuse muna kami ng baby love ko. Mga istorbo kasi kayo e" Paalam niya sa buong barkada, kaya ko siya hinampas sa tyan. Kainis talaga siya.
"Sige na! Ipagpatuloy niyo na!" Pahabol pa ni Kirk.
Hindi naman sa kinakahiya ko. Pero hindi lang kasi ako sanay e. Although ilang beses na kaming nag-kiss sa lips, may kunting hiya pa naman ako lalo na kay baby love ko.
Harper Neil's POV
Mga istorbo yung mga ugok na yun. Hay Naku naman! Yun na e. XD Nakangiti lang akong naglakad papunta sa living room habang nakasubsob naman ang mukha ni Kyla ko sa dibdib ko. Paniguradong pulang pula na ang pisngi nito ngayon! HAHAHA Tawang tawa ako sa reaksyon ng baby love ko, halatang hindi pa siya sanay. Lalo na't sa harap pa ng buong barkada. Kaya siguro ayaw niyang ipakita saakin yung mukha niya ngayon.
"baby love? Nasa living room na tayo, kaya wag mo ng itago yang mukha mo." Bulong ko sakanya.
Pero imbis na sumagot siya ay mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya saakin. Kaya mas lalo akong napangiti sa inakto niya. Kasalanan ko 'to e, nadala kasi ako. Pero hindi ko naman pinagsisisihan yun. Sadyang mahiyain lang 'tong baby love ko. HAHAHA
"Sige na baby love, tayong dalawa nalang nandito. Kaya wag ka ng mahiya" bulong ko ulit sakanya.
"Uy, baby love naman e. Gusto mo ng part 2? Wag ka ng mahiya saakin, kung maka-asta ka naman dyan parang first kiss mo e. Aiyyyee kinikilig ang baby love ko." Pangangasar ko. Nagulat ako ng hinampas niya ako sa braso habang namumula pa ang pisngi niya. Ganyan yan pag kinikilig nanghahampas. Marahas siyang magmahal e. XD
Kasabay ng asaran namin ay ang pagyakap niya saakin.
"I love you baby love ko" bulong ko sakanya.
"I love you too, baby love" bulong niya tsaka kami kumalas sa pagkakayakap at bahagya ko siyang hinalikan sa noo.
Mapalad ako at nakilala ko ang babaeng bumubuo ng buhay ko ngayon. Sana tuloy tuloy na 'to, Hanggang sa sumuko na ang tadhana at hayaan na kaming magmahalan hanggang sa huli.
-
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!