Harper Neil's Pov
Nandito ako ngayon sa hideout namin para tumambay.
"Himala! Nandito ka Neil" bungad ni Terrence saakin.
"Long time no see dude!" Ani Blue nang naglalakad palapit saakin para makipag-fist bump saakin
"Akala tuloy namin dito kinalimutan mo na kami" ani Louis na para bang nagd-drama
"Hindi mo bagay magdrama Louis" ani Lee at binatukan si Louis
"Oh bat mo ako binatukan? In-aano ba kita? Inggit ka lang kasi mas gwapo ako sayo" ani Louis
"Anong mas gwapo ka!? Mas gwapo kaya ako sayo tignan mo 'to, yang abs ko na yan marami ng nabiktimang babae yan!" Sabi naman ni Lee sabay taas ng shirt niya kay Louis
Ang kukulit talaga ng mga 'to.
"Bakit di mo kasama si Kyla?" tanong naman ni Lance
"Hindi niya alam na pupunta ako rito ehh, next time isasama ko siya rito" sagot ko.
"Sige ba! Nakakamiss na rin kasi yung kakulitan ng girlfriend mo ehh" ani Miggy
Sus. Kakulitan daw? Baka naman yung girlfriend ko yung namimiss. Hindi ako papayag! Akin lang si Kyla ko. Hahaha. XD
"Oh huli na ba ako?"
Bigla kaming napalingon sa salita
"Bro Ram!" ani Ryan
"Namiss ka namin bro! Balik ka na ba sa gang natin?" Sunod sunod na tanong ni Terrence
"Hindi naman talaga ako nag-quit ehh, nagbakasyon lang ako." Sagot niya
"Musta na si Kyla, Neil?" Tanong niya saakin
"She's fine as usual" yung ang tanging naisagot ko.
"Don't worry bro! I've already moved on" aniya at tinapik pa ako sa braso
Ram Justin's Pov
If you still wondering if what was happened between me and Kyla.
Here is the flashback. That was 2 years ago..*Flashback~
Matagal na kaming magkaibigan ni Kyla since Elem. Days, Kaya ko lang naman siya kinaibigan ay dahil sa gusto ko siyang mas makilala pa, Unang pagkikita palang namin ay weird mang sabihin pero mahal ko na siya.
Nagkakilala kami nung nakita ko siya na binubully ng mga kaklase namin, nakipag away pa nga ako nun para sakanya, dun nagsimula yung pagkakaibigan namin hanggang naging highschool kami lagi parin kaming magkasama.
Lahat alam niya ang tungkol saakin, iisa lang ang hindi niya alam tungkol saakin at yun ay ang pagiging GANGSTER ko.. ayaw na ayaw niya kasi ang mga Gangsters ehh, Alam niyo naman na siguro kong bakit ano?
Nagbago ang lahat simula ng nagkakilala sina Kyla at Neil na matalik kong kaibigan sa gang namin. Simula nun lagi na silang magkasama at isang araw nalang nabalitaan ko na nililigawan na pala ng matalik kong kaibigan si Kyla.
Simula nun nagpakalayo layo muna ako, pumunta ako sa Korea para dun muna magbakasyon.
Nalaman ko nalang sa gangmate ko na si Terrence na sinagot na pala ni Kyla si Neil.
Masakit man isipin pero kailangan kong tanggapin na si Neil talaga ang mahal niya at isa lang niya akong kaibigan. Kung nagtataka kayo, bago ako lumipad ng korea ay nagtapat ako ng totoong nararamdaman ko kay Kyla, pero huli na ang lahat dahil minahal na niya ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!