Harper Neil's Pov
Alam kong naguguluhan na si Kyla, kaya ngayon plano ko siyang kausapin.
Nasabi ko na rin kong saan kami magkikita, Kaya ngayon papunta na ako sa playground malapit lang naman ito sa school namin. Dito ko naisipan na kausapin siya kasi tahimik at walang katao tao although mayroon pero iilan lang.
Ngayon na nandito na ako ay hinihintay ko nalang ang pagdating niya.
Almost One Hour na akong naghihintay pero wala parin siya.
Darating pa ba siya? Yan ang tanging tanong ng isip ko.
Alexa Kyla's Pov
Nalate ako ng gising pero ngayon papunta na ako sa playground malapit sa school namin. Para kausapin si Neil.
Nang makarating ako sa playground ay agad kong nakita si Neil, kaya tumakbo ako agad papunta sa kinaroronan niya.
"Neil" tawag ko sakanya
At nang makalapit na ako sakanya ay umupo ako sa tabi niya.
"Sorry, nalate kasi ako ng gising"
"Ang importante dumating ka parin" Aniya
At naging tahimik ang paligid. Sa sobrang tahimik nakakabingi.
"Kyla.."
"Neil.."
Sabay na tawag namin sa isa't isa. Awkward tuloy.
"Mauna ka nalang" aniya
"Ano pala ang ibig sabihin ng A9 na nakasulat sa jacket?"
"Amazing 9, pangalan ng Gang namin yan."
"Gang? So you mean you're a Gangster?" gulat na sabi ko.
"Oo" seryosong sabi niya.
Maglalakad na sana ako palayo dahil sa narinig kong isa palang Gangster si Neil. Pero pinigilan niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"Bakit ka aalis? Dahil ba sa isa akong Gangster?" Mariin na sabi niya
"Oo, kasi ayaw na ayaw ko sa gangster, alam mo ba kong bakit? Kasi pare-pareho lang silang mamamatay tao, muntikan na kaming mapatay ng kuya ko dahil sakanila kung hindi lang dumating ang mga pulis baka wala na kami ngayon dito." Sigaw ko ng mangiyak ngiyak na.
"Hindi kita masisisi dahil sa nangyari sainyo ng kuya mo, pero iba kami ng mga gangmates ko hindi kami basta basta pumapatay"
"Kyla, Handa akong protektahan ka sa kahit na sino man. Hinding hindi kita hahayaang mawala sa buhay ko."
Tuloy tuloy na sabi niya.
Yung mga binitawan niyang salita alam kong totoo yun nararamdaman ko."Habang nasa tabi mo ako magiging ligtas ka, at tandaan mo hinding hindi ako mawawala sa tabi mo, wag kang matakot"
Habang sinasabi niya ang mga salitang binitawan niya ay kayakap niya ako at pinapatahan.
"Tahan na, wag ka ng umiyak"
Mas lalo tuloy akong naiyak at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Kyla, hindi na ako makahinga" aniya ng natatawa na.
Kaya medyo natawa ako at humiwalay sa pagkakayakap sakanya.
At hinampas ko siya sa braso. Ang galing talaga netong lokong ito kahit na umiiyak ako nagagawa niya parin akong patawanin.
"Neil, sorry ha sa mga nasabi ko"
"Gaya nga ng sabi ko sayo kanina hindi kita masisisi, wala ehh mahal kita"
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!