Alexa Kyla's Pov
♬♩Once my friends meet you
They tell me I’m a lucky man
Perfect chemistry, even when we’re busy
Your cute selfies melt me, girlThey say guys are all the same
That we’re only nice at first
But that’s not the case with you
Every day is like a new
beginning ♬♩Hindi ko mapigilan ang hindi sumabay sa kanta Or should I say sumayaw habang sinasabayan ang kanta..
Hindi ko namalayan na bumukas na pala ang pinto ng kwarto ko.
"Ang galing mo palang kumanta!"
Bigla akong natigilan ng may nagsalita mula sa pinto.. kaya napatingin ako sa nagsalita..
"A-eh anong ginagawa mo rito, Justin?" Awkward na tanong ko.
"Ahh, yayayain sana kita ehh" sagot niya habang pakamot kamot sa ulo niya. Natawa naman ako sakanya. May ganyan pa siyang nalalaman ha! Hahaha! Si Justin talaga! XD
"Sige, hintayin mo nalang ako sa living room" sabi ko "...panira ng concert ehh" bulong ko sa sarili ko.
"Hahaha! Narinig ko yun! Nagrereklamo pa ehh" Sabat niya habang pa-cool na humiga siya sa kama ko.
"Sige na! Labas ka na! Dun ka na maghintay sa living room!" Sigaw ko. Ayaw niyang lumabas ng kwarto ko ehh, ginawa pa niyang waiting area ang kwarto ko.. haayss! Makulit talaga 'tong lokong Justin na 'to eh!
"Sa isang kondisyon!" Aniya
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.. ano naman kondisyon yan aber!?
"Ano?!"
"Kantahan mo muna ako, ang galing mo palang kumanta ehh, ngayon ko lang nalaman"
"Hahaha! Seryoso ka kakantahan kita?!" Pasigaw na tanong ko
Tumango naman siya saakin, hayyss, si Neil nga hindi ko siya kinakantahan siya pa kaya!? Ang tagal na namin magkaibigan ngayon niya lang nalaman.. hahahaha charot! XD
"Oh ano na?! Kakantahan mo ba ako o hindi?!" Tanong niya. Exaggerated ehh.
♩♬ I hate you I love you
I hate that I love you
Don't want to, but I can't put
Nobody else above you
I hate you I love you
I hate that I want you
You want her, you need her
And I'll never be her ♩♬Nakangiti lang siyang nakikinig hanggang sa matapos ko ang kanta..
"Hugot naman yun!"
Natawa naman ako sakanya. Ehh wala akong maisip na kanta ehh, alangan naman kantahan ko siya ng korean song baka mamaya dumugo pa ilong niya ehh. xD
"Sige na! Labas ka na!" Pagtatabuyan ko sakanya. Atsaka siya lumabas ng kwarto ko.
Pagkalabas niya ng kwarto ko agad akong pumasok ng banyo para maligo.
After 30 minutes. ~ Ready to go!
Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso ako sa living room.
"Tara lets!"
Bago kami umalis ng bahay ay nagpaalam muna ako kina Kuya, Ate Khate, Mama at kay Papa.
"Sige po, alis na po kami!" Ani Justin
"Ingat kayo!"
"Syempre naman po!" Sabi ko sabay halik sa cheeks ni Mama at kay Papa.
"Uwi agad bunso ahh" paalala ni Kuya.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!