Chapter 2

164 5 0
                                    

The Next Day

Leah Jean's Pov

Sinadya ko talagang magising ng maaga kasi nga sabay kaming papasok ng best friend ko.
At dahil ready to go na ako ay tinawagan ko ang best friend ko

Bhesty Kyla Dialing...

(The number you've dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later)

Hayy naku naman! Masundo na nga siya sa bahay nila tutal malapit lang din naman ehh, pagkarating ko sa bahay nila.

"Hi Kuya Kyle, si Kyla po?" Tanong ko sa kuya niya

"Huh? Ang aga mo naman ata Leah ahh, tara pasok ka muna" yaya niya saakin kaya agad akong dumiretso

"Hii Bhesty! Beautiful Morning!"
Bati saakin ng best friend ko
Nginitian ko naman siya

"Bhesty, bat di kita ma-contact? Tinatawagan kita kanina ehh"

"Sorry, lowbat phone ko ehh" sabi niya sabay peace sign

"Kuya, papasok na kami ni bhesty" pagpapaalam niya sa kuya niya.

"Sige ingat kayo" ani Kuya Kyle

Kung nagtataka kayo kung bakit dalawa lang sila sa bahay nila ay dahil ang parents nila ay nasa America lahat nga ng angkan nila andun na ehh sila lang ng kuya niya ang nandito, Dahilan? ayaw kasi ni bhesty ang mag aral sa ibang bansa ang gusto niya dito sa Pilipinas siya makapagtapos ng pag aaral. Oh di ba loyal siya sa bansang kinalakihan niya. Lol xD

Habang naglalakad kami ni bhesty ay naisipan namin magselfie

Selfie here
Selfie there
Selfie everywhere

Pagkatapos naming magselfie ay syempre upload agad sa facebook, instagram at sa twitter.
Sa kakaselfie namin di namin namalayan na nasa gate na pala kami.

"Mga bhesty sama nyo naman kami dyan oh" sigaw ni Jhona at agad naman silang tumakbo papunta sa saamin

"1..2..3.. say cheese" sabi ni bhesty kyla na may hawak ng phone

"Corn beef" sabay na sabi namin
Oh paano ba yan kami na ang bagong endorser ng cornbeef. Chos. XD

Bigla naman nagsalita ang school guard namin

"Tama na yan! Mag uumpisa na ang flag ceremony"

Ayy yun na ehh. Panira talaga yung guard namin LOL. kaya tumakbo kami papunta sa mga linya namin.
Pagkatapos ng flag ceremony ay pinatawag lahat ng 10nth grade students para sa Junior Ball

"Good Morning Juniors! Nais kong iparating sainyo na tuloy na tuloy na ang Junior Ball nyo next week, in-approve-an na ng ating principal"
masayang anunsyo ng guro namin

Kaya lahat kami ay nagsi hiyawan yung iba pa nga lumundag lundag pa sa sobrang saya at isa na kami dun.

"Junior boys, habang maaga pa dapat makahanap na kayo ng magiging partner nyo. Yun lang sige na balik na kayo ng classrooms nyo." Pahabol pa ng guro namin

"Sino kaya magiging partner ko?" Kinikilig na tanong ni Diane

"Ehh ako kaya? Sana si crush" sabi naman ni Jhona

"Ako sure na sure as in 100% sure ako na si Ice ang magiging partner ko" confident na sabi ni Jewel

"Buti pa kayo, panigurado wala akong magiging partner" ani Krisha

"Ikaw Krisha pinangungunahan mo na agad" sabi naman ni Kyla

"Ehh kayo pwede pang ipanglaban sa Ms. Universe. magaganda kayo ehh ako pang Ms. Library lang"

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon