Harper Neil's Pov
Sabay kaming pumasok ng campus ni Kyla ko. Kahit wala masyadong ginagawa ay naisipan parin namin pumasok. Ganyan kami kasipag!
Habang naglalakad kami ay may mga babaeng bumabati saakin. Pero syempre dedma lang, Loyal kaya ako sa girlfriend ko.
Girl1: Hi Harper!
Girl2: Harper ang gwapo gwapo mo talaga.
Girl3: Akin ka lang Harper.
Sigaw ng mga babaeng nakakasalubong namin sa daan. Hindi ba nila nakikita na kasama ko ang prinsesa ng buhay ko?.
"Sorry girls, may girlfriend na ako atska mahal na mahal ko itong prinsesa ko, hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino" sabi ko sakanila ng nakatingin kay Kyla habang naka-akbay.
At nagsimula na ulit kaming maglakad. Kitang kita ko ang mga ngiti niya sa labi. Kinikilig ang Kyla ko. Hahaha. Namumula pa siya.
"Neil" aniya ng nakatingin saakin
"Hmm?"
"Alam mo para kang apoy?" Aniya napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.
"Huh? Bakit?" naguguluhang tanong ko.
"Kasi sa sobrang hot mo ang daming babaeng nagkakandarapa sayo, ang dami ko tuloy kaagaw" ani Kyla ng naka-pout pa, Ang cute tuloy niyang tignan.
"Hahaha,Wag kang mag alala, sayo lang ako" sabi ko sa kanya.
Bigla kaming natigilan ng may nagsalita galing sa likod namin..
"Ang sweet niyo naman! Wag muna kayong magpakasaya ngayon, lalo ka na Kyla baka bukas umiyak ka dahil ako na ang mahal ni Harper" pagtataray ni Danielle
"Oo nga naman, Wala pa namang Forever!" Singit ni Halley ang kaibigan ni Danielle
Nagtago naman sa likod ko si Kyla, hindi siya sanay sa mga ganito.
" Wtf! Danielle Are you out of your mind?! Bakit hindi mo nalang tanggapin na kahit kailan hinding hindi kita mamahalin. Mahirap bang intindihin yun? HINDI KITA MAHAL!" Sigaw ko
At naglakad kami ni Kyla palayo sakanila, imbis na sa room kami pumunta ay sa rooftop nalang.
Nang makarating kami sa rooftop.
"Neil, Paano kong nagawa niyang sirain ang relationship natin?" Nag aalalang tanong ni Kyla
"Hindi ko hahayaang mangyari yun Kyla" sabi ko sakanya at niyakap ko siya
Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyong ito pero hindi ako susuko. Hindi ko kayang mawala siya saakin. Lahat gagawin ko para protektahan siya sa kahit na sino, Kahit buhay ko pa ang kapalit.
Leah Jean's Pov
Kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon except lang kay Kyla at Diane. Hindi pa kasi umuuwi si Diane napasarap yata ang bakasyon nila sa Japan.
Nandito kami ngayon sa Canteen, wala lang trip lang namin tumambay.
"Himala yata bhesty hindi pa nagpaparamdam si Lawrence mo"
Ani KrishaNapaisip tuloy ako. Oo nga noh? Bakit kaya? Baka naman may sakit siya pero wag naman sana! Kawawa ang Lawrence ko walang mag aalaga sakanya.
"Bhesty!" Sigaw ni Jhona
Katabi ko na nga sinigawan pa ako.
"Bhesty, di ba si Lawrence yun?" Tanong ni Jewel sabay turo kaya tinignan ko kong siya nga yun.
Siya nga! At may kasama pa siyang babae ahh. Sino naman yang babaeng yan!? Kaya pala hindi na siya nagpaparamdam ehh.
Susugurin ko na sana sila ng nagsalita ang mga kaibigan ko.
"Oh susugurin mo? Bakit may kayo ba?" Prangkang tanong ni Krisha
"Nagseselos si Bhesty!" Pangangasar ni Jewel
"Umupo ka nga rito bhesty" ani Jhona at tinuro ang upuan na malapit sakanya.
"Bakit kasi bhesty hindi mo na siya sagutin? Mahal mo naman di ba?" Sunod sunod na tanong ni Krisha
Tumango lang ako sakanila. Yun naman ang totoo ehh.
"Kung ganun, sagutin mo na siya bago ka pa maunahan ng iba" payo ni Jewel
"Atska napatunayan naman na niya na mahal ka niya talaga" singit naman ni Jhona
Paano ko siya sasagutin kong sumuko na siya? Ang saya saya pa nga ni Lawrence kanina habang kasama yung babaeng yun ehh. Hayy! Sana hindi ko nalang pinatagal edi sana ako yung kasama niya kanina. :(
Naputol ang pag-eemote ko ng may babaeng sumulpot sa harap namin.
"Hi! pwedeng maki-share ng sit, there's no space na kasi ehh." Sabi nung isang babae.
"Danielle bakit dito pa?! Wala na bang ibang choice?!" Tanong naman nung isang babae.
Napalingon kami sa nagsalita.
"Ikaw!?" Sigaw naming apat.
"Kayo nanaman?!" Sigaw rin nung babaeng impakta na nabunggo ng cart namin noon.
"OmyGod! What is the meaning of this?" Mataray na tanong nung isang babae
"Sila yung sinasabi ko sayo na mga walang hiyang sumira ng araw ko noon!" Sigaw ni impakta 1
"Wtf! Kami pa talaga ang sumira ng araw mo?! Naririnig mo ba yang sinasabi mo ha!?!" Sigaw ko sakanilang dalawa.
"Sisihin mo yang sarili mo kasalanan ba namin na tanga ka!?!" Sigaw rin Krisha
"What A F*cking Bullsh*t! Ako tanga? Baka kayo!? " sigaw ulit ni Impakta 1
Sasampalin na sana ako ni impakta 1 ng bigla naman sumulpot si Lawrence at hinawakan ang kamay ni Impakta 1.
"Wag na wag mo siyang sasaktan kundi ako ang makakalaban mo!" Ani Lawrence.
At naglakad naman palayo yung dalawang impakta. Mga duwag pala sila. Kaya ko naman makipagsabunutan sa kanila ehh, sumingit ka pa. Nakakabw*s*t!
At nag-walk out ako. Akala niya ba hindi ko siya nakita kanina na may kasamang ibang babae? Alam kong wala akong karapatan para magselos pero kasi hindi ko maiwasan ehh."Leah!" Tawag saakin ni Lawrence.
Sinundan pa talaga niya ako ahh."Ano!?" Sigaw ko sakanya
"May problema ba?" Tanong niya
"Oo meron!"
"Bakit mo ba ako sinisigawan? Hindi naman ako bingi ehh, Hindi ka naman ganyan dati ahh."
"Yun na nga ehh hindi ako ganito dati. Nakakainis ka kasi!"
"Ano bang ginagawa ko sayo para mainis ka ng ganyan?"
"Nakita kita kanina may kasama kang babae, ang saya saya niyo nga ehh"
"Nagseselos ka ba?"
"Obvious ba? Oo nagseselos ako kahit wala akong karapatan!" Sigaw ko.
o_O sinabi ko ba yun? Wtf naman!
Natatawa naman siya sa sinabi ko. Bakit? Anong nakakatawa dun? Napa-amin na nga niya ako ehh.Agad naman niya akong niyakap at binulong ang mga katagang...
"Wag ka ng magselos, Pinsan ko lang yun. Atsaka kahit na sino mang babae ang makasama ko hinding hindi mawawala yung pagmamahal ko sayo"
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pinsan lang pala niya yun, Kainis naman!
"Mahal na mahal kita Leah" aniya
"Mas mahal kita Lawrence"
"Wag ka ng magseselos ah, tandaan mo IKAW LANG ANG BABAENG MAHAL NA MAHAL KO" aniya at hinalikan ang noo ko sabay yakap
-
AN: Sila na rin sa wakas! Nga pala mga readers ko magsaya muna kayo kasi malapit nang makita ang gangster side ni Harper Neil. ^__^ Vote, Read and Support! Thankers!
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!