Leah Jean's Pov
Nagising ako ng maaga ng katukin ako ni Mama sa kwarto ko. Hanubayan! Ang aga aga pa eh, inaantok pa ako. Kainis naman!
"Anak, gumising ka na dyan may bisita ka sa baba!" Sambit ni Mama at inalog alog pa ako.
"Sino ba yang bwisita na yan? Ma!" Naiinis na sabi ko.
"Umayos ka nga anak! Kinakausap kita ng maayos! Bumangon ka dyan!" Sigaw ni Mama.
Agad naman akong bumangon baka kasi mag-ala dragon pa ang mudra ko mahirap na. Bugaan pa niya ako ng apoy. Baka matusta pa ako. XD
"Maligo ka na! Pagkatapos mong maligo baba agad! Wag paghintayin ang bisita! Dalii maligo ka na!!" Sigaw ni Mama at tinulak pa ako papuntang CR. Hayy si Mama talaga.. Hayy Nakuu! -____-
Pagkatapos kong naligo ay bumaba agad ako, wag daw paghintayin ang bisita e. Sino kaya 'tong bwisitang 'to! Ang aga aga e, Nakakabad trip. Nang makababa ako ay may narinig akong nag uusap at sa pagkakakilala ko ay si..
"Tita, Okay lang po ba sainyo?"
"Oo naman, okay na okay saakin! Ilang araw ba kayo dun?" Tanong ni Mama kaya sumilip ako, nagtago kasi ako sa pader e.
Hala, binabawi ko na pala yung sinabi ko, ang bad ko naman yung mga bhesty ko pala ang mga bisita ko. Si mama kasi hindi man lang sinabi saakin na sila pala ang bisita ko, Natural hindi ako nagtanong e. Hayy Ang Bad ko naman sakanila.
Agad naman akong naglakad papunta sakanila, nakaka-excite yung topic nila e. ^___^
"Pwede ba akong makisali sa usapan!" Sulpot ko.
"Oh anak, halika rito, Oh nagpaalam na ang mga kaibigan mo saakin, pumayag na ako. Kaya sana magbehave ka dun ahh! Kundi susunod ako dun!" Pagbabanta ni Mama. Agad ko naman niyakap si Mama kaya mahal na mahal ko siya e.
"Thanks Ma, Promise po magbebehave ako." Sambit ko.
Kumalas naman kami sa pagkakayakap. At tumingin ako sa mga bhesties ko at nag group hug naman kami.
Hindi ko alam kong para saan ba 'tong bakasyon na 'to, pero sana maging masaya 'to! Sana makalimutan ko muna ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Bhesty, Mag impake ka na! Ngayon na ang alis natin!" Sabat ni Jhona.
"Huh? Agad agad? Hindi ba pwedeng bukas pa?" Tanong ko.
"Gusto mo bang sumama or hindi? Aalis nalang kami." Nakasimangot na sabi ni Jewel.
"Bakit hindi niyo ako tinext or chinat man lang kagabi? Para nakapag ayos na ako ng gamit ko." sambit ko.
"E-eh biglaan e!" Nauutal na sabi ni Diane.
"Sige wait lang, mag aayos na ako ng gamit ko. Saglit lang talaga 'to!" Sigaw ko habang paakyat na ng hagdan papuntang kwarto ko.
Pagkatapos ng ilang oras ay di joke lang, 10 mins lang naman na pag aayos ay natapos rin ako. Agad akong bumaba at nagpaalam na kay Mama. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago kami umalis.
"Ingat kayo.." ani Mama
"Leah! Magbehave ka dun ahh!" Pahabol pa ni Mama.
Grabe si Mama ahh, parang hindi naman ako behave e. Hayy! Si Mama talaga. XD
Alexa Kyla's Pov
Agad kong tinext ang baby love ko para sa susunod na plano. Ang boys kasi ang may pakana nito e. Leader si Lawrence. HAHAHA kasama na rin kaming mga girls. XD
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!