Chapter 37

64 2 0
                                    

Alexa Kyla's Pov

Dahil next week na ang pasukan kaya napagkasunduan naming magkakaibigan na magbakasyon sa baguio, syempre kailangan ng sulit sulitin ang bakasyon, Buti nalang pumayag sina Mama at Papa.

Tatlong linggo na rin pala ng nagkabalikan kami ni baby love ko nalaman na rin nina Mama at Papa ang tungkol saamin ni Neil nung una nagalit sila pero di nagtagal naging okay narin sakanila.

"Ano wala na kayong nakalimutan?" Tanong ni Lawrence. Siya kasi ang nag-insist na maging driver naming girls ehh.

"Wala na! Gora na tayo!" Sigaw naming anim.

"Gosh! excited na ko mga bhesty!" Masayang sabi ni bhesty Krisha.

"Ehh yung mga boys kaya? Nakaalis na kaya yung mga yun?" Tanong naman ni bhesty Jhona

Nagkibit balikat lang kaming lima.. malamang sa malamang nasa daan na yung mga yun.

Nasa daan na kami papuntang baguio, Yay! Excited na ako! XD habang nasa byahe kami kanya kanya kami ng trip, si bhesty Jhona naka-earphone habang nakatulala sa bintana, si bhesty Diane naman  nanonood ng cartoon sa phone niya, ganun rin si bhesty Krisha kasu nga lang ang pinapanood niya ay mga KPOP music videos, samantalang si bhesty Jewel ayun nagtetext yata, si bhesty Leah naman yun katabi si Lawrence nag-aasaran silang dalawa, at heto naman ako kumakain lang ng pizza. ^_^

"Babe, tigil tigilan mo ako ha!" Kinikilig na sabi ni Leah, tinititigan kasi siya ni Lawrence.

Ngumisi lang naman si Lawrence. At mas lalo pa niyang tinitigan si bhesty Leah.

"Sssshhh! Wag nga kayong harutan ng harutan dyan!" Saway ni bhesty Jhona na nakasimangot. Namimiss niya lang si Dustin ehh. ^_^

"Sus, inggit ka lang kasi wala dito si Dustin mo!" Pangangasar ni bhesty Diane, kaya mas lalong napasimangot si bhesty Jhona. Hahaha.

"Girls, wag kayong maingay, natutulog na si bhesty Jewel" saway rin ni bhesty Krisha. Sabay sabay naman kaming napatingin kay bhesty Jewel, tulog nga siya at nakasandal pa talaga siya sa balikat ni bhesty Krisha ahh.

Kaya tumahimik nalang kami ay este sila lang pala. At nagsibalikan nanaman sila sa dati nilang ginagawa, kanya kanya kami ehh.
Susubo na sana ako ng pizza ng tumunog ang phone ko.  Haayss! Istorbo naman yung nagtext! Kainis naman! Panira! Grr.

Napalitan ng ngiti ang pagkainis ko ng si baby love ko pala.

From: My baby love

Saan na kayo? Malapit na ba kayo? Sabihin mo kay Lawrence pakidalian ang pagd-drive, miss na miss na kita ehh. ^_~

Kahit kailan talaga mainipin ang lalaking 'to! Sapakin ko siya ehh. XD Bigla tuloy akong napatingin sa kwintas na binigay niya saakin last week, hayss.. Miss ko na tuloy siya..  Magt-type na sana ako ng irereply kay baby love ko ng tumigil ang van na sinasakyan namin. Kaya napalingon ako kay Lawrence.

"Sh1t! Sino yang mga yan?!" iritadong sabi ni Lawrence, kaya napatingin ako sa kung saan sila nakatingin.

Namumukhaan ko sila ahh, sila yung mga lalaking humarang rin saamin dati nung kasama ko ang  A9. Nagulat kami ng kumatok ang isa sa mga lalaking bumaba galing sa van na humarang saamin. Kahit nagdadalawang isip si Lawrence ay binuksan niya parin ang bintana sa side niya.

"Labas!" Utos nung isang lalaki na may hawak ng baril.

Kahit na labag sakanya ay bumaba parin siya, aakmang susuntukin ni Lawrence yung isang lalaki ng nagsalita siya..

"Sige! Subukan mo, papatayin ko silang lahat!" Sigaw nung lalaking may hawak ng baril.

"Kunin niyo siya!" Utos nung isa pang lalaki sabay tingin saakin. Kaya mas lalo akong kinabahan. Hinigpitan ko ang kapit ko kay bhesty Jhona. Binuksan nila ang sliding door sa side ko.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon