Chapter 31

54 3 0
                                    

Alexa Kyla's Pov

Isang linggo na mula ng nagpaalam ang baby love ko na may urgent appointment daw sila ng A10. Pero nang tinanong ko ang mga A9 tungkol dun wala naman daw silang appointment nung araw na yun. Kaya nag-aalala na ako sa baby love ko, paano kong may nangyaring masama sakanya? Paano kong may iba na siyang baby love? Haayss.. Harper Neil Lim nasaan ka ba?

"Wag kang mag-alala Kyla, mahahanap rin natin si Neil" ani Blue na katabi ko ngayon. Nandito kasi ako sa hideout nila, kompleto na sana sila kasu wala si baby love ko.

"Hala! Hindi kaya nambabae na si Neil?" -Lance

"Ulol, hindi ugali ni Neil ang mangbabae" sabat ni Lee atsaka niya binatukan si Lance.

"Wag mo ngang sabihin yan Lance, kita mong nag-alala na si Kyla!" sabat din ni Justin.

"Habang hindi pa natin nahahanap si Neil, babantayan muna natin si Kyla. Okay ba yun sayo Kyla?" Sambit ni Terrence sabay tingin saakin.

Tumango nalang ako bilang sagot. Natatakot na rin kasi ako. Buti nalang talaga at may kaibigan si baby love ko na katulad nila.

"Kami ang magiging bodyguard mo!" Sambit nina Miggy at Louis

"Hahahaha! Salamat sainyo A9." sabi ko ng may ngiti sa labi.

"Wag kang mag-alala bumabawi lang kami sa mga kabaitan nagawa mo saamin" ani Ryan

"Oo nga naman Kyla, ang swerte nga ni Neil sayo, sana makahanap ako ng katulad mo!" Sabi naman ni Clarence

"Good Luck nalang sayo Clarence!" Sabat ni Lee

At tumawa pa sila kaya nakitawa narin ako. Hahaha! Ang saya nilang kasama. Kung nandito lang sana si baby love ko. :(

Nagulat ako ng nag-vibrate ang phone ko, may nagtext. Agad ko yun binasa..

From: Bhesty Jewel

Saan ka bhesty? Nandito kami ngayon sa house niyo. >_<

Akala ko si baby love ko na. Haayss.. agad naman akong nagreply sakanya..

To: Bhesty Jewel

Nandito ako sa hideout. Sige, papunta na ako dyan! :)

Kaya nagpaalam na ako sa A9. Nag- insist pa silang ihatid ako pero dahil makulit sila at dahil bodyguard ko daw sila kaya pumayag nalang ako.
Malapit na kami ng bahay ng may humarang saamin na isa ring van. Dahil sa init ng ulo ni Terrence ay bumaba siya ng driver's seat atska niya kinausap ang driver ng van na humarang saamin. Nakita ko na may bumabang sampung lalaki sa van na humarang saamin.

"Sh1t!" mura ni Louis

"Dito ka lang Kyla, wag kang lalabas sa van na 'to! Understand?!" Bilin ni Lee

Kaya sumunod nalang ako sa sinabi niya. Ano bang nangyayari? Sino ba yang mga yan?

Ram Justin's Pov

Agad kaming lumabas ng van ng makita naming Lycans ang humarang saamin. Ang lakas talaga ng loob nilang harangan kami ehh!

"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, mukhang may kulang?!" Pangangasar ni Jack ng nakangisi.

"Saan si Neil?" Tanong niya ng may ngising aso.

"Obvious naman na hindi namin siya kasama di ba?!" Pambabara ni Terrence.

Pinaligiran nila kaming sampu.9 vs. 10 unfair yata 'to! Puta naman oh!

"Ako ng bahala kay Jack!" Sabi ko habang nangdidilim na ang paningin ko sakanya.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon