Leah Jean's Pov
Sobra akong na-guilty sa inasta ko sa mga kaibigan ko lalo na kay Lawrence. Hindi sana ako nagpadalos dalos sa mga desisyon ko. Sana binigyan ko pa siya ng time para makapag-explain ng side niya. Ang sama ko, Ang sama kong kaibigan.. Ang sama kong girlfriend..
"I'm sorry, Lawrence" mahinang sambit ko habang tumutulo parin ang mga luha ko.
"Sorry" pag-uulit ko, tsaka ko siya niyakap mula sa likod.
Hindi ko alam kong mapapatawad pa ako ni Lawrence sa mga pinaggagawa ko, Kasalanan ko 'to e. Mas pinairal ko pa kasi ang pagkaselosa ko. Hindi ko man lang siya pinag-explain.
Krisha Nicole's Pov
Tuloy parin ako sa pag iyak hindi ko akalain na mag-aaway away kami, naiintindihan naman namin kung bakit siya galit saamin e. Kasalanan naman namin kasi hindi man lang namin sinabi sakanya. Pero ang gusto lang naman namin ay magkabalikan na sila e. Alam na namin ang lahat. As in Lahat lahat..
"Tahan na Krisha, Wag kang mag-alala magiging okay rin ang lahat" sambit ni Kris sabay haplos sa likod ko.
"Ssssshhh, wag na umiyak." dagdag pa niya tsaka niya ako niyakap.
"I love you Krish" bulong niya saakin.
Kaya kahit na umiiyak parin ako ay napangiti ako. ILY simpleng salita pero malalim ang ibig sabihin. Mas malalim pa sa balon. XD
"I love you too Kris" pabalik na bulong ko.
"Tama na nga yan! Masyado na kayong sweet dyan!" Saway ni bhesty Jewel kaya napalingon ako sakanya.
"Tse! Inggit ka lang. Wala ka kasing boyfriend e." Pangangasar ko.
"Sagutin mo na kasi si Kirk" pangangasar rin ni Kyla na sa kasalukuyan ay katabi ni Neil. Napakamot naman sa batok si Kirk.
"Paano ko siya sasagutin kong hindi naman niya ako tinatanong?" mahinang sambit ni Jewel sabay yuko.
"Dude oh! Narinig mo naman na siguro yung sinabi ni Jewel ano?" nakakalokong tanong ni Neil kay Kirk habang naka-akbay pa siya kay Kyla.
"Malamang may tenga ako e." Pamimilosopo ni Kirk. Kaya natawa kami. Nagawa pang mamilosopo e. Pero infairness namula si bhesty Jewel. HAHAHA.
"So paano ba yan, may pag-asa pala ako e-----" hindi na natapos pa ni Kirk ang sasabihin niya dahil bahagya siyang hinalikan ni bhesty Jewel sa labi. Pero dampi lang.
"Yun ohh!" Sigaw ng mga boys sabay tawanan. Natulala lang naman si Kirk. Halatang hindi niya in-expect.
"Nice one! Bhesty Jewel!" Sambit ni Jhona sabay hagalpak ng tawa. Parang kanina lang nag iiyakan kami dito tapos ngayon nagtatawanan na kami. HAHAHAHA XD
Alexa Kyla's Pov
Grabee! Miski na ako nagulat sa ginawa ni Bhesty Jewel, wala man lang preno. Charot! XD
"Uy, dude! Tulala ka dyan! Para ka namang babae dyan! Ano? Tutulala ka nalang ba dyan?!" Pangangasar ni Kristoffer.
"Hala! Ipa-mental na natin siya!" Sabat naman ni Ian habang tawang tawa pa.
"Mga dude, bigyan muna natin sila ng privacy" seryosong sabat ni Neil ko.
"Tama yan baby love, Good Idea. Kaya mahal na mahal kita e." Lambing ko sakanya.
"Sige, pasyal pasyal muna kami ng baby love ko." Pag-papaalam niya sakanila.
"Ingat kayo dude, Lalo ka na Kyla mag-ingat ka kay Neil ahh" pahabol pa ni Ian sabay tawa. Kaya napakunot ako ng noo. Di ko siya gets e. Pasensya na sadyang slow lang ako. XD
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!