Chapter 24

69 3 0
                                    

Leah Jean's Pov

Nagkayayaan ang barkada na mag-bonding kaya heto kami ngayon nasa mall hindi para magshopping para tumambay charr! Ohh wag niyong ipagkaila na hindi niyo rin yan ginawa! Hahaha! XD

Girl's bonding sana 'to ehh kasu nga lang makulit 'tong si Kirk kaya sinama na rin namin siya. Wag siyang magalit kung ma-OP siya, hindi na namin yan kasalanan nagpumilit siya ehh! Hahahaha!
Baka nagtataka kayo kong bakit hindi namin kasama ang mga boyfie namin, may inaasikaso daw ehh! Make sure lang nilang hindi pambababae yang inaasikaso kuno nila ha! Kundi lagot sila saamin!

Nandito kami ngayon sa food court syempre para kumain, swerte nga namin treat ni Kirk ehh ^_^

"I-order niyo lang kung anong gusto niyo, sagot ko naman ehh" aniya

Oh See? Sabi nya yan ahh, baka magsisi siya hahahaha! Matakaw pa naman kami este kami lang pala ni bhesty Kyla ang matakaw sa squad. Hahahaha! Speaking of her, 1 week na namin siyang hindi nakakausap.
Baka siguro ini-enjoy na niya ang America together with her grandparents malapit na siyang umuwi ehh.

"Si Bhesty Kyla kaya? Musta na kaya yung babaeng yun?" Nag aalalang tanong ni Krisha

"1 month nalang uuwi na siya!" Ani Diane

"Sino si Kyla?" Sabat ni Kirk

"Ahh, siya 'to oh! Yung katabi ni Neil, nasa America kasi siya ngayon dahil sa death threat" paliwanag ni Jewel na katabi ni Kirk

"Neil? Si Harper Neil Lim ba yang katabi niya?" Tanong niya

"Kilala mo siya?" Tanong naming apat

"Ahh oo, isa siya sa mga tropa ko" sagot ni Kirk

Napa-'ahh ok' nalang kami.. maliit lang talaga ang mundo biruin niyo yung lalaking naging kaibigan namin ay tropa pala ni Neil. Hays! Hahaha!

Ngayon lang din namin nalaman na magtropa din pala ang A10 at Black Thunder na kilalang gang ng P.A. (Prettiernity Academy). Ang dami pa pala naming hindi alam sa A10 ahh. Hahahaha!

Nang matapos kaming kumain ay naglibot libot kami. Para ma-burn yung kinain namin, mahirap tumaba ehh! ^__^

Jewel's Pov

Siguro kong hindi kami nagbreak ni Ice masaya kami ngayon, lalo na't monthsary namin ngayon. 7th monthsary sana, kasu nagawa niyang ipagpalit ako, well hindi sa pagmamayabang ha pero mas maganda ako sa pinalit siya saakin. Para hindi kayo magtaka here is the..

Flashback~

Nakilala ko si Ice dahil kay Lawrence tropa kasi sila, dun nagsimula ang lahat, lagi kaming magkasama hanggang sa nanligaw siya saakin, mga limang buwan siyang nanligaw at dahil minahal ko na siya nun ay sinagot ko siya.

Naalala ko ang araw na yun, yun ang pinakamasayang araw ng buhay ko dahil hindi lang ako swerte sa kanya kundi pinagpala talaga ako at nakilala ko siya.

Simula ng sinagot ko siya walang oras na hindi kami magkatext, magkasama like other couples do.
Dun ko siya mas lalong minahal ng maipakilala niya ako sa family niya.

After ng mga 4 months nagiging cold na siya saakin, Ewan ko kong bakit, Ni hindi nga alam ng mga kaibigan ko na nagkakaganyan na siya saakin. Siguro nagsawa siya saakin or what? Pero hindi ako nag isip ng kong ano ano dahil may tiwala ako kay Ice.

Isang araw nalang may nakita akong kahalikan ni Ice sa tapat mismo ng bahay pa nila. Kinausap ko siya tungkol dun pero ang sabi niya saakin ay pinsan niya lang daw yun, may magpinsan ba na naghahalikan? Pinalagpas ko nalang yun. Kahit na nahihirapan na ako sakanya ay tiniis ko kasi mahal ko siya.

After 2 months yun nanaman, nakita ko siya sa 7eleven, dun na ako nakipag-break. Kahit gaano ko siya kamahal kailangan ko na siyang palayain dahil sa pagmamahal ko sakanya mas lalo akong nasasaktan.

End of Flashback!~

Siguro kaya dumating si Ice sa buhay ko para saktan ako at para makilala ko si Kirk na ngayon ay pinapasaya ako. Salamat sakanya kundi dahil sakanya baka nagpapakatanga parin ako ngayon sa yelong yun.

"Bhesty, Okay ka lang? Kanina ka pa walang imik dyan" ani Diane

"Okay lang ako, may naalala lang" sagot ko.

"Si yelo nanaman ba?!" Ani Krisha

"Wag kang mag alala may dahilan ang lahat, siguro dumating siya sa buhay mo para maging masaya ka saglit, malay mo yang katabi mo na pala ang forever mo" ani Leah sabay sundot sa tagiliran ko.

Siguro nga ano? Hahaha! Kung siya na nga ang itinadhana saakin wag niya sana akong saktan na katulad ng ginawa ni Ice saakin. Buti nalang at nandyan ang mga kaibigan ko para pasayahin ako at para damayan ako. Lalo na at nalaman na nila lahat ang tungkol saamin ni Ice noon.

"Salamat sainyo mga bhesty ahh! Sa kabila ng mga nangyari saamin ni Ice nandyan parin kayo" sabi ko.

"Syempre naman. Best Friends tayo ehh, wag ka ng magtago ng sekreto saamin ahh lalo na pag usapang love life" ani Jhona

Tumango nalang ako bilang sagot sakanila at nag group hug kami.

"OP ako!" Ani Kirk at naglakad palayo.

Kaya sinundan namin siya. Nagpumilit na sumama tapos mag-ccomplain. Hahaha! Buti nga sayo! XD

Harper Neil's Pov

Dalawang buwan na ang nakalipas, malapit ng umuwi ang baby love ko. Miss ko na siya although lagi kaming magka-chat syempre iba parin pagkasama ko siya.

Sa katunayan ka-video call ko siya ngayon. Almost 2 hours na nga kaming nag uusap. Oh di ba? Hahaha.

"Baby love, pag uwi mo pasalubong ko ha" sabi ko

"Anong klaseng pasalubong yan baby love? Shoes or what?" Tanong niya

"Kiss" mabilis na sabi ko ng nakanguso.

"Yun lang ba?"

"Tapos dagdagan mo na rin ng mahigpit ng yakap"

Natawa naman siya sabay sabing "Sige yung mahigpit na mahigpit yung hindi ka na makakahinga" aniya nang natatawa pa

"Wag mo naman akong patayin ng maaga baby love, ikakasal pa tayo di ba?" Malambing na sabi ko.

"Hindi naman kita papatayin ehh, OA ka naman ehh, Sa tingin mo kaya kong gawin yun? Malamang hindi mahal na mahal kaya kita!" Aniya

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kinikilig din naman kaming lalaki akala niyo kayong mga babae lang ahh. XD

Bumabanat na rin ang girlfriend ko ngayon ahh. Mas mahal ko siya, alam naman niya yun ehh.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon