Chapter 22

73 3 2
                                    

Harper Neil's Pov

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang moving up ceremony namin. Pero lagi parin ako sa campus para mag-training ng volleyball.

Nandito ako ngayon sa volleyball court, nagpapahinga muna ako dahil napagod. Sa katunayan kasama ko ngayon ang isa sa gangmate ko na si Ram na nagt-training rin.

"Oh dude! Bakit nandito ka na? Hindi pa tapos ang training ahh." Ani Ram sabay upo sa tabi ko.

"Ehh bakit ikaw? Sumunod ka?" Pabalik na tanong ko.

"Magpapahinga malamang, nakakapagod kaya!" Pamimilosopo niya sabay inom ng tubig

Habang nagpapahinga kami ay may biglang tumabi saakin sabay hawak sa braso ko kaya tinignan ko kong sino yun..

"Miss me?" Tanong niya

Agad ko naman tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Hi Ram!" Bati niya sa tropa ko.

"Danielle? What are you doing here?!" Gulat na tanong ni Ram

"Anong klaseng tanong yan? Obviously, manonood ng training ng baby love ko" aniya at aakmang hahalikan niya na ako sa pisngi pero pinigilan ko siya.

"Pwede ba tigilan mo na ako! Atska wag na wag mo akong matawag tawag na baby love dahil hindi ikaw ang baby love ko!" Sigaw ko at naglakad palayo.

"Feeling girlfriend kasi ehh!!" Bulyaw ni Ram sabay takbo papunta saakin

"Grabe na talaga ang pagka-obsessed ni Danielle sayo!" Ani Ram habang naglalakad kami

Napa-tss nalang ako at napa-iling nalang. Alam naman na niya na kahit kailan hindi ko siya mamahalin ehh, mahirap bang intindihin yun?!

Jack's Pov

Agad akong lumapit kay Danielle dahil umiiyak nanaman siya dahil kay Harper. Hindi ba siya napapagod kakahabol kay Harper na walang ginawa kundi saktan lang siya ng paulit ulit?

Nandito naman ako na laging nagmamahal sakanya, sana balang araw matutunan niya rin akong mahalin gaya ng pagmamahal niya sa Harper na yan!

Patuloy parin siya sa pag iyak habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Tahan na Danielle"

"Mahirap ba akong mahalin, Jack?" Tanong niya habang tumutulo parin ang mga luha niya.

"Hindi ka naman talaga mahirap mahalin ehh, sa katunayan nga maraming nagmamahal sayo hindi mo lang nakikita dahil nabubulag ka na sa pagmamahal mo kay Harper" sagot ko.

"Atska kong mahal mo talaga si Harper hahayaan mo siyang sumaya sa piling ng taong mahal niya" pahabol ko.

"Yun na nga ehh! Nasasaktan ako pagnakikita ko siyang masaya sa piling ni Kyla, masakit! Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko ehh!" Sigaw niya saakin sabay lakad palayo saakin.

Ano pa ba ang pwede kong gawin para mahalin mo rin ako? Kung nasasaktan ka dahil sakanya nasasaktan rin ako dahil sayo!

At dahil ayaw na ayaw kong nasasaktan siya dahil kay Harper agad akong dumiretso sa kong saan naroroon si Harper, Habang naglalakad ako papunta sakanya ay napapatingin saakin ang mga taong nadadaanan ko, diretso lang akong naglakad wala akong pake kahit may mabunggo ako, diretso lang ang tingin ko kay Harper.

Nang makalapit ako sakanya ay agad ko siyang sinuntok pero naka-ilag siya.

Ram Justin's Pov

Nagulat kaming lahat ng biglang sinuntok ni Jack si Neil pero naka-ilag naman agad siya. Pero sa pangalawang pagkakataon ay natamaan ng kamao ni Jack si Neil.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon