Chapter 34

57 2 0
                                    

Gabriella Jewel's Pov

Malapit ng magpasukan, kasama ko ngayon sina bhesty Krisha at Diane para pumunta sa school na papasukan namin this pasukan. At dahil makulit yung tatlo na sina bhesty Jhona, Kyla at Leah kaya sinama na rin namin sila, para raw makapasyal sila sa school na lilipatan namin. Sus, para raw makapasyal or para maghanap ng gwapo. Haayyss.. Di bale hindi naman tumitibok ang mata.. hahaha! loyal yang mga yan ehh!! Well except kay bhesty Kyla, wala siyang lovelife ehh pero loyal yan! Pumunta lang naman kami rito para sa interview .. alam niyo na para sa mga transferees..  XD

"Mga bhesty! May gwapo ayon oh!" sigaw ni Leah sabay turo, magkakatabi na nga lang kami sumisigaw pa. ^…^

"Bhesty naman ehh, nakatalikod siya! , gwapo agad? Hindi mo pa nga nakikita yung mukha!" Pambabara ni Jhona

"Humarap kaya siya bhesty, kaya alam kong gwapo siya!" Sigaw ni Leah

Sabi na ehh, gwapo ang hinahanap nila.. 'to mga 'to talaga! XD

Bigla naman natahimik si bhesty Kyla habang nakatulala sa lalaking tinuro ni bhesty Leah kaya napatingin ako sakanya.

"May problema ba bhesty? Bakit parang natahimik ka yata dyan?" Tanong ko.

"P-Parang familiar kasi yung lalaking yun!" Nauutal na sabi niya
habang nakatingin sa lalaking tinuro ni bhesty Leah. Tumingin naman ako sa kung saan ang lalaking tinutukoy nila pero wala na siya dun.

"Nawala tuloy siya! Sayang ang gwapo pa naman ni kuya!" Nanghihinayang na sabi ni bhesty Leah habang naka-pout

"Anong pinagsasabi niyong gwapo dyan?! Kami ba?"

Napalingon kami ng may isang pamilyar na boses kaming narinig.

"Hi Babe!" Bati ni Lawrence kay Bhesty Leah sabay halik sa pisngi ni bhesty

"Bakit nandito kayo?!" Gulat na tanong ni bhesty Krisha

"Bakit masama bang samahan ang girlfriend ko?" Pabalik na tanong ni Kris ng nakangiti..  anong nakain niya? Nakalunok ba siya ng buto? Hahaha!

Napangiti naman si Krisha sabay kurot sa pisngi ni Kris.

"Congrats! Naka-graduate ka na sa pagiging masungit mo saakin!" Aniya at nagtatatalon pa.

"Pinakain namin siya ng maraming asukal kaya sweet na siya ngayon!" Sabat ni Dustin na katabi ni Jhona

"Isang truck nga ehh! Buti naman at effective. Ayos yung ginawa natin dude!" Sambit ni Ian at nakipag-apir pa kay Dustin

"Sira ulo talaga kayong dalawa ano?" Sabay na sabi nina Jhona at Diane atska nila binatukan yung dalawa

"Mamaya na yan! Sa ngayon pumunta na muna tayo sa office ni Ms. Ocampo!" Sambit ko. Kaya sumunod sila saamin ni bhesty Kyla. Medyo na-OP na kami ehh.

Pumasok na kaming tatlo sa office ni Ms. Ocampo para sa interview namin, samantalang ang iba naman naming kaibigan ay nagpaalam na pumasyal muna sa loob ng  campus.

Leah Jean's Pov

Habang hinihintay namin sina Bhesty Krisha, Jewel at Diane ay naisipan muna naming maglibot sa school na papasukan nila.

"Ang ganda dito mga bhesty! Kung pinayagan lang sana tayo ng mga parents natin, edi sana magkakasama parin tayong lahat"
-Jhona habang naglalakad lalakad kami.

"Buti nga yun ehh, para makasama niyo pa kami" sabat ni Dustin atsaka siya umakbay kay Bhesty.

"Ayaw niyo na ba kaming makasama?" Tanong ni Lawrence saamin.

"Hindi naman sa ganun" sagot ko.

Nagiging seryoso tuloy yung usapan namin. Haayss..

"Bhesty!!!" Tawag saakin ni Bhesty Jhona kaya napalingon ako sakanya.

"Sumunod ba si bhesty Kyla?!" Natatarantang tanong ulit niya.

Kaya napaisip ako kung sumunod nga si bhesty Kyla. At sa pagkakaalala ko ay kasama namin siya. Hala! Baka mawala siya. Malawak pa naman 'tong campus. Dahil sa pagkakataranta namin ay tinawagan namin sina bhesty Krisha at sakto naman na kakatapos lang ng interview nila kaya sabay sabay naming hinanap si bhesty Kyla.

Nilibot namin ang buong campus pero hindi parin namin siya mahanap.

"Iisa nalang ang hindi natin napupuntahan sa Sports Dome" ani Krisha

Agad kaming tumakbo papuntang Sports Dome, napawi ang pag-aalala namin ng makita nga namin siya dun. Nakaupo lang siya sa bleachers. Nag-iisa lang siya habang ang lawak ng iniisip niya. Lalapitan sana namin siya ng may lalaking nakatayo malapit sakanya.

"Bhesty, di ba siya yung sinasabi mong gwapo kanina?!" Tanong ni Jhona

Oo siya yun! Hala! Baka naman kong anong gawin niya kay bhesty ahh. Lagot siya saamin. Maglalakad na sana ako papunta sakanya ng pigilan ako ni Diane.

"Parang may kakaiba sa lalaking yan!" Aniya

"Napansin ko nga rin ehh!" Sabat naman ni Ian

Bahagya naman napalingon si bhesty Kyla dun sa lalaking malapit lang sa kinauupuan niya pero agad naman tumakbo yung mysterious guy na yun. Hindi namin siya nakilala dahil naka-hood at naka-shades siya. aakmang susundan ni bhesty Kyla si Mysterious Guy pero tinawag namin siya..

"Bhesty Kyla!!!!"

Napalingon siya saamin at tumakbo siya papunta saamin.

"Bhesty, anong ginagawa mo rito?" Bungad na tanong ko.

"Nawala kasi ako ehh! Sinubukan kong tawagan ako kasu lowbat na phone ko" sagot niya.

"Haays, nag-alala kami sayo! Akala namin na-kidnap ka na!" Sigaw ni Jewel

"Tama na yan! Ang importante nahanap natin siya!" Sabat rin ni Lawrence ko

"Halina nga kayo! Alis na tayo rito!" Sabat naman ni Krisha

Kaya naglakad na kami palayo. Parang may kakaiba talaga sa lalaking yun ehh. Siguro kong hindi namin siya nahanap agad baka kong ano ng nangyari sakanya. Ayy wag naman sana! Broken hearted pa naman si bhesty Kyla ngayon..

Alexa Kyla's Pov

Bakit ganun? Nung nakita ko yung lalaking yun, bigla nalang bumilis ang tumibok ng puso ko. Hindi ko parin maiwasan ang hindi magtaka kong bakit siya tumakbo agad.. Parang may kakaiba ehh, hindi ko ma-explain..

"Bhesty, kilala mo ba yung lalaking lalapit sana sayo?" Tanong ni Leah habang naglalakad kami palabas ng campus.

"Siguro, Pwede, Ewan! Pero sa tingin ko kilalang kilala ko siya!!" Sagot ko.

Napangiwi naman sila sa sagot ko.

"Seryoso ka bhesty? Nakilala mo siya? Hindi nga namin nakita yung mukha niya ehh, artistahin kasi ang peg niya ehh" sabat ni Diane

"Gutom lang yan bhesty! Tara kain muna tayo sa 7eleven!" Yaya ni Jhona kaya naglakad na kami papunta dun, malapit lang namin ehh, actually tapat lang ng school na lilipatan nila bhesty Krisha.

Pero hindi parin talaga mawala sa isip ko kong bakit siya tumakbo agad.. hayy! Bahala na! Sa ngayon dapat muna akong magfocus sa nalalapit na pasukan. Hindi ko dapat iniisip yung lalaking yun.. Baka nagkataon lang yun..

-
AN: Hieers! Sa mga may pasok na ngayon! Hahaha! Curious ba kayo kong sino yung Mysterious Guy na yun? Malalaman niyo rin yan! Soon! Hahahahaha! Thankers sa mga nagbabasa at nagttyaga parin sa story ko. Lovelots. :)

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon