Alexa Kyla's Pov
Isang buwan na pala.. isang buwan na siyang hindi nagpapakita saakin, ni text or tawag man lang wala akong natanggap sakanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sa araw araw na wala siya sa tabi ko para akong namamatay. Mas okay pa sana yung natuluyan ako sa hospital ehh kesa ngayon na unti unti akong nasasaktan dahil sakanya.. ano bang ginawa ko para saktan niya ako ng ganito? .. sabi niya mahal na mahal niya ako, sabi niya hinding hindi niya akong sasaktan eh anong ginagawa niya ngayon?! Ayoko na! Napapagod na ako sakanya!! Ngayon nandito kami sa playground kong saan ko siya sinagot.. inaalala ang lahat.. Hindi ko namalayan na umiiyak nanaman pala ako dahil sakanya..
"Kyla, tahan na.. ayokong nakikita kang umiiyak dahil kay Neil, siguro kong ako yung pinili mo noon hindi ka umiiyak ng ganyan ngayon" ani Justin habang pinupunasan niya ang luhang pumapatak sa mga mata ko.
Araw araw na akong umiiyak dahil hindi ko alam kong okay ba siya o kung buhay pa ba siya? Gabi-gabi ko rin siyang napapanaginipan na binubogbog siya.. Minsan nga naisipan ko nang magpakamatay para mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko ehh.. Sana naman magpakita na siya..
Habang tumutulo ang mga luha ko ay hindi ko namalayan na may sumuntok na pala kay Justin.. Dahan dahan akong napatingin sa taong sumuntok sakanya, Nagulat ako ng si..
"Neil.." naiiyak na sabi ko.
Lumapit ako sakanya para yakapin siya. Namiss ko siya sobra.. Saan ba siya nagpunta? Bakit ngayon lang siya nagpakita? Nagulat nalang ako ng tinulak niya ako..
"Gago ka dude! Araw araw umiiyak si Kyla dahil sayo! Tapos yan ang gagawin mo sakanya?!?!" Sigaw ni Justin.
Sinuntok ni Justin si Neil, napaupo siya sa lakas ng suntok ni Justin sakanya, lalapitan ko sana siya pero hinawakan ni Justin ang kamay ko atsaka niya ako itinago sa likod niya.
"Ano bang nangyayari sayo Neil!?!?" Galit na tanong ni Justin habang nasa likod niya ako.
Imbis na sagutin niya ang tanong ni Justin ay tumakbo siya palayo saamin.
"Neil!! San ka pupunta?!?!" Sigaw ko. Pero parang wala siyang narinig. Hindi man lang siya tumingin saakin.
Kaya sinundan ko siya, tumakbo ako papunta sakanya.. alam kong sumunod saakin si Justin pero wala akong paki ang point ko rito ay kong bakit nagkakaganyan ang baby love ko ngayon?! Agad ko siyang nasundan dahil naglalakad lang siya papunta sa kong saan.. niyakap ko siya mula sa likod pero tinulak niya lang ulit ako.. Nakita niyang unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko.. heto nanaman ako umiiyak nanaman.. dahil sakanya.. hindi ba ako napapagod sa kakaiyak sakanya?
"Kyla!! Wag mo akong iyakan pwede ba?!? Hindi ako patay para iyakan mo ako ng ganyan!?!" Sigaw niya.
"Bakit ka ba nagkakaganyan baby love ko ahh?!" Mangiyak ngiyak na tanong ko.
"Stop calling me baby love!!! Dahil una sa lahat hindi kita minahal at kahit kailan hinding hindi kita mamahalin.. panakip butas lang kita naiintindihan mo yun!?!?, kaya pwede ba lubayan mo na ako?!?!" Sigaw ulit niya..
"Hindi totoo yan! Alam kong minahal mo ako! Alam kong mahal na mahal mo ako! Sinasabi mo lang yan kasi---" pinutol niya ang sasabihin ko.
"C'mon Kyla! Naniwala ka naman na minahal kita?!" Sigaw ulit niya.
Ang sakit niyang magsalita! Kahit anong sabihin niya alam ko sa sarili ko na ako ang mahal niya! At ako lang ang mahal niya!
Nagulat ako ng suntukin siya ni Justin..
"Sumosobra ka na talaga Neil! *bog* Naririnig mo ba yang sinasabi mo ha?! *bog* Nasasaktan na si Kyla!! *bog* Hindi nalang sana ikaw ang pinili niya *bog* Sana ako nalang *bog* para hindi siya nasasaktan ng ganyan!! *bog*" sigaw ni Justin atsaka niya pinagsusuntok si Neil
"Justin!!!! Tama na!!!" Sigaw ko. Nang makita kong duguan na si Neil.
"Halika na!" Sigaw niya saakin atska niya ako hinila.. habang hila hila niya ako ay nakatingin lang ako kay Neil na nakahiga na sa sahig, gusto ko siyang lapitan pero di ko magawa dahil ang higpit ng hawak saakin ni Justin.
"Justin si Neil" sabi ko habang tumutulo parin ang mga luha ko.
Pero hindi niya ako pinakinggan."Just---"
Hanggang sa nahimatay nalang ako..
Ram Justin's Pov
Dinala ko si Kyla sa bahay nila.. Nag-alala ang mga magulang niya ng makita nilang buhat buhat ko siya..
"Anong nangyari sakanya?!" nag-aalalang tanong ni Tita Kylie
Agad ko siyang pinahiga sa couch..
"Tita, hayaan niyo pong si Kyla nalang ang magsabi ng lahat" sambit ko.
Tumango naman si Tita, atsaka niya inayos ang magulong buhok ni Kyla.
"Ano bang nangyayari sa batang 'to! Alam kong nahihirapan na siya sa relasyon nila ni Neil, pero *sob* ..." paliwanag ni Tita habang tumutulo na ang mga luha. Tska na siya tuluyang umiyak.
"Hon, wag kang mag-alala matapang ang anak natin, alam kong makakaya niya lahat ng mga pagsubok na 'to!" Ani Tito Alex habang kayakap si Tita Kylie
"Alam kong mabait na bata si Neil, at kitang kita ko kong gaano niya kamahal si bunso.. baka may problema lang siya.." ani Kyle na katabi ni Khate.
"Sa problema niya bang yan solusyon ba ang hindi pagpapakita sa kapatid mo?! Na ngayon nahihirapan na dahil sakanya?!" ani Tita Kylie
Kung alam lang nila ang nangyari kanina.. may point si tita, solusyon nga ba ang pag-iwas kay Kyla sa problema niya?! Gago naman siya!! Naalala ko nalang ang nangyari kanina... nasasaktan ako na nakikita kong nasasaktan si Kyla.. Kung ako nalang sana...
Nabalik ako sa diwa ko ng nag-vibrate ang phone ko.. Tinignan ko ang phone ko at binasa ko kong sinong nagtext..
From: Harper Neil
Ingatan mo si Kyla! Alam kong hinding hindi mo siya sasaktan. Mahal na mahal ko siya. Alam mo yan! Ikaw ng bahala sakanya!
Nagawa niya pang magtext pagkatapos ng lahat? Gago talaga siya! Wag siyang magpapakita saakin kundi tutuluyan ko siya!
"Neil..mahal mo ako di ba?!" Sambit ni Kyla habang umiiyak, kaya napatingin ako sakanya nananaginip nanaman siya..
Bahagya ko siyang hinalikan sa noo niya atsaka ko siya niyakap..
"Neil!!!" Sigaw niya atsaka siya biglang bumangon.
"Baby girl? Nananaginip ka" ani Tito Alex
"Justin, tell me. Hindi nakipagbreak si Neil saakin! Diba?!" Tanong niya habang tumutulo nanaman ang mga luha niya.
Hindi ako sumagot sa tanong niya..
Sana nga panaginip mo lang yun.. sana pero hindi ehh.."Justin, tell me the truth! Hindi diba? Panaginip lang yun?!" Tanong ulit niya atska niya ako pinaghahampas sa dibdib.
"Kyla! Calm down!" Sigaw ni Tito Alex na nagpatigil sakanya.. atsaka siya humagulhol..
"Mom, Dad? Naging masama ba ako kay Neil? *sob* para gawin niya saakin ang lahat ng 'to! *sob* ang sakit sakit!*sob* sana pinatay nalang niya ako *sob* kesa pahirapan niya ako ng ganito *sob*"
"Anak, wag kang magsalita ng ganyan. Nandito pa kami oh! Marami kaming nagmamahal sayo anak" ani Tita Kylie habang yakap yakap si Kyla
"Tahan na baby girl" pagpapatahan ni Tito Alex atsaka niya rin niyakap si Kyla.
"Bunso, wag ka nang umiyak. Araw araw ka nalang umiiyak tignan mo yang mga mata mo, namumugto na" ani Kyle atsaka siya lumapit kay Kyla
Masakit talaga na nakikita siyang umiiyak at nasasaktan ng ganyan dahil kay Neil. Oo aaminin ko mahal ko parin siya hanggang ngayon!
-
AN: Hi sa lahat ng nagbabasa ng story ko, pasensya na kong papalit palit ako ng title ng story ko. Medyo hindi kasi relate yung title sa story ehh, sana maintindihan niyo. Anyways thank you for reading my story! God Bless! :)
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!