Harper Neil's Pov
Dahil sa takot ng baby love ko sa nangyari sakanya kahapon ay naisipan ko na sa bahay na nalang siya magpahinga kaya simula pa kagabi ay nakalabas na siya ng hospital at naisipan na rin ni Tito Alex at Tita Kylie na dito muna ako mag-stay sa bahay nila para hindi siya matakot at para maprotektahan ko rin siya.
"Hi Neil, si bhesty?" Tanong ni Leah na kakarating lang ng bahay kasama ang iba pa niyang kaibigan.
"Tulog pa ehh, saglit gisingin ko siya" paalam ko.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya agad akong pumunta ng kwarto ng baby love ko. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko pa siyang mahimbing ang tulog. Hinalikan ko siya sa noo para magising siya, kasu hindi yata effective, kaya hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi niya, pero wala parin ehh! Sa labi kaya? Baka magising na siya. Aakmang hahalikan ko na siya sa labi ng tinulak niya ako.
"Hindi mo na kailangan gawin yan baby love ko, gising na ako oh!" Aniya atsaka siya bumangon agad.
Sayang! Hahaha! Bakit kasi nagising siya agad ehh! Hayss.. Nagulat nalang ako ng hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi hanggang sa noo ko.
*tsup*
*tsup*
*tsup*
"May kulang pa, baby love ko" sambit ko sabay pout para cute.
Nagulat nalang ako ng halikan nga niya ako sa labi. Oopss Dampi lang.. Mukhang nagets niya ang ibig kong sabihin ahh.xD
*tsup*
"Isa pa baby love" pangungulit ko sabay 'please look'
*tsup*
Sa pangalawang pagkakataon ay dumampi ulit ang labi niya sa labi ko. Nakakabakla naman! Hays! xD
"Dalawa pa baby love" pangungulit ko ulit.
"Halika na nga! Baka maadik ka pa sa kiss ko!" aniya ng nakangiti sabay hila saakin, kaya nagpahila nalang ako sakanya.
Patay! Na-break ko yung rule na dapat hahalikan ko lang siya sa mismong kasal namin. Pero hindi ko na kasalanan yun siya ang humalik saakin ehh. Hahahaha!
Pagkalabas namin ng kwarto ay bumungad saamin ang mga kaibigan niya na para bang kanina pa nakikinig sa labas ng kwarto.
"H-hi b-bhesty!" Utal na sabi nilang lima ng may ngiting awkward.
"Oh bakit nandito kayo? I mean dito sa tapat ng kwarto ko?" Tanong ni baby love ko.
"A-ah e-eh" sagot nilang lima.
"Bhesty kasi pinapatawag ka ni tita" palusot ni Leah
"Ang ganda ng palusot mo bes, huli na nga tayo ehh" bulong ni Krisha sabay siko kay Leah, Sus, bumulong pa ehh rinig naman namin ni baby love ko.
"Halina nga kayo!" Yaya ni baby love ko sabay hila saakin. Kaya sumunod narin yung mga kaibigan niya.
**
"Kain muna kayo!" Ani Kyle na nasa Dining Area
Kaya dumeretso kami dun atska ko pinaghila ng upuan ang baby love ko.
"Kain lang kayo ahh" ani Tita Kylie sabay lapag ng ulam na niluto niya.
Tumango lang kami atska na nagsimulang kumain. Susubo na sana si Leah ng pinigilan siya si Jhona.
"Magdasal muna tayo bago kumain" ani Jewel
Si Diane ang lead ng dasal.. ang bait naman nila, samantalang ako hindi ko 'to ginagawa.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!