Chapter 18

74 2 0
                                    

Alexa Kyla's Pov

Ngayon na nalaman na ng mga bhesty ko na sa America muna ako ay naisipan nilang magbonding kami. Syempre mamimiss ko rin sila. Lalo na si baby love ko.

Ang bilis nga ng araw ehh. Tatlong araw nalang aalis na ako. Huhuhu.

"Bhesty, mamimiss ka namin" sabay sabay na sabi nilang lima at niyakap nila ako.

Kompleto na kami ngayon! Nakakalungkot na kong kailan kompleto na kami tska ako aalis. Huehuehue.

"Kayo naman, may tatlong araw pa ako rito, drama na tayo agad? Pinapaiyak nyo ko ehh" sabi ko ng mangiyak ngiyak na.

"Ehh kasi naman yang death threat na yan ehh, siya ang dahilan kong bakit ka aalis" sabi naman ni Leah

"Wag kayong mag alala 3 months lang yun mga bhesty" sabi ko.

"bhesty size ng paa ko 36 ahh" pahabol ni Krisha

Binatukan naman siya ni Jewel.
Itong mga 'to talaga, hindi pa nga ako umaalis ehh. Paano na kaya pag nasa airport na kami.

"Kita mong nagd-drama tayo dito" ani Jewel

"Basta chocolates bhesty ahh" ani Jhona

"Isa ka pa ehh!" Ani Jewel

"Pinapatawa ko lang kayo" ani Krisha

At nagsi-tawanan naman kami.
Mamimiss ko 'tong bonding namin.
Nang matapos ang pag-eemote namin ay--

"Tara na bhesty! May pupuntahan tayo dali!" Sigaw nila at hinila nila ako papunta sa kong saan.

Parang kanina lang ay nasa mall kami pero ngayon hindi ko na alam kong nasaan na ba ako. Paano ba naman kasi tinakpan nila ang mata ko gamit ang panyo. Surprise yata 'to eh!

Leah Jean's Pov

Kasama na namin si bhesty ngayon, actually nasa daan na kami papuntang school dun kasi ang venue ng surprise namin ehh. Tahimik lang kaming nakasakay sa van pero dahil napapanis na ang laway ko ay binasag ko ang katahimikan.

"Mga bhesty, bakit ang tahimik niyo?" Tanong ko

"Bakit masama ba?" Tanong ni Krisha

"Nagtatanong lang ehh" sabi ko ng naka pout.

Tumahimik ulit ako. Nakakahiya naman sakanila ehh. Oo na ako ng madaldal. Aminado naman ako dun ehh.

"Mga bhesty, malapit na ba tayo sa pupuntahan natin?" Tanong ni bhesty Kyla

"Actually nandito na tayo!" Ani Jewel

Pagkababa namin ng van ay inalalayan namin si bhesty Kyla, mahirap na baka mamaya madapa siya pagalitan pa kami ni Harper!

"Diretso lang bhesty ahh" ani Diane at hawak hawak ang kamay ni Kyla

"Malapit na tayo" anunsyo naman ni Jhona

Nang makarating kami sa gym ay iniwan namin si Bhesty Kyla ng walang paalam. Baka isipin niyong masama kami ahh, nandyan na kasi yung prinsipe niya ehh.

Harper Neil's Pov

Nandito na ang prinsesa ng buhay ko. Sa katunayan nasa likod niya ako. Wag kayong mag alala hindi parin niya inalis ang panyong nakatakip sa mga mata niya. Dahan dahan ko yun inaalis at nagulat siya ng makita niya ako.

"Baby love? Sabi na ehh, ikaw ang may pakana nito ehh" aniya

"Syempre ako pa ba! Mahal kita ehh"

Agad ko siyang dinala sa mismong venue ng surprise namin. Atska ko siya iniwan sa mga kaibigan niya.

"Kayo munang bahala sa prinsesa ko ahh" bulong ko saknila

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon