Chapter 4

124 4 0
                                    

Alexa Kyla's Pov

Preparation ngayon ng aming Junior Ball kaya walang klase. Inaayos na nga namin ang gym namin para bukas. Yung iba naman nagpapractice na ng special number nila at kung ano ano pa. At dahil napagod ako ay niyaya kong magmeryenda muna kami ng mga kaibigan ko. 

"Kain muna tayo" yaya ko sakanila

"Tara, gutom na gutom na rin ako ehh" sambit ni Diane sabay hawak sa tyan niyang nagugutom na nga.

"Mabuti pa nga" Pagsasang ayon nang apat ko pang kaibigan

Kaya agad kaming pumunta ng Canteen, sino pa namang di mapapagod? Di ba?

"Hayy Grabe! Nakakapagod naman!" Pagrereklamo ni Jewel

"Wag kayong mag alala malapit na tayong matapos" sabi ko naman

"Pagkatapos natin dito, pwede na rin tayong magrelax relax" pahabol ko

"Picnic tayo pagkatapos natin dito ahh"  masayang sabi ni Diane

"Libre mo?" Tanong naman ni Jhona

"Bat ako agad?" Pabalik na tanong ni Diane

"Syempre naman, sino bang nagsabi  na magpipicnic tayo? Di ba ikaw? Kaya ikaw maglilibre!" Makulit na sabi ni Jhona

***

After 21021021 years. Choss.
Natapos na namin ang gawain namin. Kaya it's time to relax! Tutal wala na kaming gagawin kaya nagtambay na kami sa garden para hintayin sina Diane, Jewel at Krisha na bumibili ng pagkain namin sa mall malapit lang naman dito actually tapat lang ng school namin.

"Anong kulay ng gown nyo?" Tanong ni Jhona

"Black na may konting white" sagot ni Leah

"Wow! Black!" Sambit naman ni Jhona

"Ikaw Kyla?" Tanong ni Leah

"Blue and Red" sagot ko naman

"Wooh! Ang gaganda naman ng combination ng mga gown nyo." Ani Jhona

"Ikaw ba Jhona anong color ng gown mo?" Pabalik na tanong namin sa kanya

"Yellow ehh" sagot naman niya

Kaya napa 'ahh okay' nalang kami ni Leah.

"Ang tagal naman nila"  pagrereklamo ni Leah

"Ang dami ata nilang binibili ehh" ani Jhona

Dahil nabobored na ako kakahintay ay nilibas ko ang phone ko para magbasa muna ng wattpad. Habang nagbabasa ako ay biglang nagvibrate ang phone ko.

From: Harper Neil

Tumawa ka naman dyan, sige ka papangit ka! ^_~

Kaya agad naman akong nagreply sa kanya

To: Harper Neil

Baka pagtumawa ako mapagkamalan akong baliw. Kagaya mo! >_<

Nagulat nalang ako ng nagsalita ang kaibigan ko.

"Bhesty? Bat parang abot langit ang ngiti mo dyan? Nasasapian ka ba?" Tanong ni Leah

"Grabe naman yung nasasapian bhesty, baka naman katext niya si Sharpener" pangangasar ni Jhona

Di ko sila pinansin dahil nagvibrate ulit ang phone ko

From: Harper Neil

Ganyan nga, ngiti ka lang! Para mas lalo kang gumanda. ^_^

Tumingin ako saglit sa paligid ko para hanapin si Harper. Agad ko naman siyang nakita.

"Aiyyeeee! Sabi na eh si Sharpener nanaman!" Pangangasar nina Leah at Jhona

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon