Chapter 23

69 3 0
                                    

Jewel's Pov

Usapan namin ng mga kaibigan ko na magkikita kita kami ngayon sa 7-eleven, pero isang oras na ang nakalipas ay wala parin sila. Hays! Filipino time talaga sila ehh!

Habang naghihintay ako ay inilabas ko muna ang phone ko para mag-instagram muna.

"Iceee!" Sigaw nung isang babae sa tapat ko.

Ice? Baka ka-pangalan lang ni Ice ko. ^_^ Ang dami namang Ice na pangalan sa planetang Earth ehh., Tuloy tuloy ako sa pag-iscroll down nang marinig ko ang boses nung lalaking lumapit dun sa babaeng katapat ko.

"Hi Sweety!"

Kaya napalingon ako, nagulat ako ng si Ice Nolasco nga ang lalaking yun. Agad akong lumapit sakanila.

"Ice? Anong ginagawa mo rito? Atska sino siya?" Sunod sunod na tanong ko.

Hindi siya sumagot sa mga tanong ko bagkus ay umakto pa siya na parang hindi niya ako kilala.

"Who is she?" Tanong nung babaeng kasama niya

"I'm his one and only girlfriend!" Sabat ko sakanila.

"What?!" Sigaw niya

Hindi niya ba narinig ang sinabi ko or hindi niya lang naintindihan!?

"Ang sabi ko AKO ANG GIRLFRIEND ng KASAMA mo!" Pag uulit ko.

"Jewel, Wag kang gumawa ng gulo rito" aniya sabay awat saakin

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko

Agad kong kinuha ang bag ko at naglakad ako palayo sakanila, pero bago ako makalayo ay bumalik ako para bigyan siya ng malutong na sampal.

"Break na tayo!" Sigaw ko sabay sampal

"Jeweeeeellll" sigaw niya at sinundan pa talaga ako ehh.

"Please lang Ice! Tama na!" Sabi ko habang tumutulo na ang mga luha ko. Yayakapin niya sana ako kasu pinigilan ko siya.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, ang gusto ko lang naman ay makalayo sakanya. Nang mapagod ako ay umupo nalang ako sa bench malapit sa playground. Dun ako umiyak ng umiyak.

"Oh" sabi nung lalaking nasa harap ko sabay abot ng panyo.

Hindi ko sana tatanggapin yun ng umupo siya sa tabi ko.

"Wag ka ng mahiya, wag kang mag alala malinis yan!" Aniya

Kaya kinuha ko nalang ang panyong iniabot niya. Hindi naman siguro siya kidnapper or what ano?

"Sige lang iiyak mo lang yan, mawawala rin yang sakit na nararamdaman mo" aniya

Kaya umiyak ako ng umiyak, ang sakit sakit ehh, paano niya nagawa saakin yun?! Hindi pa ba ako sapat sakanya?!

Habang umiiyak ako nagkukwento ang lalaking nasa tabi ko, hindi ko namalayan na napapatawa na niya ako.

"Ohh napatawa na kita! Hahaha, Wag ka ng umiyak ah sayang ang mga luha mo" aniya

"Salamat sayo ahh, kahit hindi tayo magkakilala nagawa mo parin akong i-comfort." sabi ko sakanya

"Para maging magkakilala na tayo, magpapakilala ako sayo, Ehem! Ehem! Ako nga pala si Kirk" pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya.

Natawa naman ako sakanya, para siyang baliw! Hahaha

"Jewel" sabi ko at nakipag-shake hands ako sakanya.

At nagsimula ulit siya sa pagkukwento tungkol sa buhay niya. Hindi ko alam pero napapatawa niya talaga ako ehh. Habang nagkukwentuhan kami ay may tumawag sa maganda kong pangalan.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon