Alexa Kyla's Pov
Hindi ko namalayan ang oras, it's already 12:00am, napasarap ang tulog ko. Si baby love ko kaya? Ehh yung mga bhesties ko? Hala! hindi ako nakapagpaalam sakanila. Grabe ang tagal ko palang natulog.
Lalabas na sana ako ng kwarto ko ng may nakita akong note at tray na may pagkain sa study table ko. Agad ko yun binasa, napangiti naman ako sa nabasa ko.
Baby Love,
Kainin mo yang pagkain na nakahain ha, ako nagluto niyan. Atska kong gusto mo akong makita nasa guest room lang ako ng bahay niyo. Alam ko kasing mamimiss mo ako ehh. ^__^ I love you! :-*
~Your Baby Love, Neil
At nang matapos kong basahin ang note ni baby love ko ay may narinig akong yapak galing sa labas ng kwarto ko kaya agad akong humiga ng kama ko at agad akong nagtalukbong ng kumot. Kinabahan na ako ng tuluyan ng bumukas ang pinto ng kwarto ko, kaya pumikit ako ng mariin.
"Tulog parin ang prinsesa ko!?"
Napamulat ako ng si baby love ko pala, hindi niyo ako masisisi takot ako sa multo ehh. Buti nalang talaga at si baby love ko yun kundi kanina pa ako sumisigaw rito.
"Oh bat parang takot na takot ka?" Tanong niya ng makita niya akong takot na takot.
"A-akala ko kasi may multo ehh"
"Ginawa mo naman akong multo baby love, atska wag kang matakot sa multo, matakot ka sa tao kasi ang tao pwede ka nilang patayin ang multo magpapakita lang" paliwanag niya saakin.
"Pumapatay din kaya ang multo.. papatayin ka nila sa takot" sagot ko.
Natawa naman siya sa sagot ko. Totoo naman ahh, papatayin ka ng multo sa takot. Anong nakakatawa dun?
"Alam mo baby love para kang batang takot sa multo, pero ang cute mong matakot ahh" aniya ng natatawa pa.
Babatukan ko sana siya, kasu may naisip akong maganda, Oo maganda kasing ganda ko! Charot! Tignan natin kong hindi ka matakot ha!
"Baby love! May ipis oh! Ayun oh!" sabi ko at tumayo pa talaga ako sa kama ko para kunwaring meron.
"Saan!? Saan!?" Natatakot na sabi niya sabay akyat sa kama ko at hinahanap kong saan ang ipis.
"Joke lang!" Natatawang sabi ko.
Tinignan naman niya ako ng masama, pero napalitan agad yun ng ngiti.
"Wag mo ng uulitin yun baby love ahh, kundi lagot ka saakin!" Aniya ng kunwaring galit, ehh natatawa siya habang sinasabi niya ehh.
Tinawanan ko lang siya ng bonggang bongga. Yung tawang wala ng bukas ganern!
"Sige tawanan mo pa ako"
"Ha-ha-ha-ha!" medyo sarcastic na tawa ko.
"Ha-ha ka ng ha-ha dyan! Hahalikan kita dyan ehh!"
Kaya napatigil ako sa kakatawa ko. Mahirap na baka mamaya totohanin niya. Kaming dalawa pa naman ang nandito sa loob ng kwarto ko.
Bigla nalang sumeryoso ang mukha niya at dahan dahan siyang lumapit saakin, heto naman ako naglalakad ng patalikod hanggang sa mapasandal na ako sa pader, patay! Wala na akong takas sa kanya. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
1 inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin, sh*t! Kinakabahan ako sa lalaking 'to! May isang salita lang kasi 'tong lalaki 'to eh! Pagsinabi niya gagawin niya! Nakangisi lang siyang nakatingin sa labi ko. Kaya napalunok ako ng sunod sunod.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!