Chapter 21

81 2 0
                                    

Alexa Kyla's Pov

Nandito na ako ngayon sa America. Sa katunayan nagpapahinga muna ako dahil pagod sa byahe.

At dahil 2 hours na akong nakapagpahinga ay naisipan kong mag online, Para batiin ang mga kaibigan ko, hindi pa ako nakakapag-type ng sasabihin ko ay may nag-video call saakin. Agad ko naman pinindot yun at sinagot.

"Hi Bhesty!!" Bati saakin ng mga kaibigan ko.

Sayang hindi ko naabutan ang moving up ceremony namin siguro kong wala lang yun death threat na yun baka kasama ko sila ngayon na nagg-groufie habang hawak ang certificate namin.

Dibale pag uwi ko mahahawakan ko rin yang certificate ko. ^.^

"Oh bhesty, tulala ka na dyan? Hindi ka ba masaya para saamin?" Tanong ni Leah

"Masaya ako para sainyo, nakakalungkot lang kasi hindi ako kasama sa moving up ceremony natin"

"Bhesty naman oh! Pinapaiyak mo kami." Ani Krisha

"Sorry na, Hahaha nga pala Congrats sainyo mga bhesty!" Bati ko

"Congrats din sayo bhesty, kahit na wala ka rito" ani Jewel

"Bhesty, Uwi ka na rito, miss ka na namin!" Sabat ni Diane

"Kakarating nga lang niya sa America uwi agad!?" Sabat din Jhona

Ang kukulit talaga ng mga 'to. Yan ang namiss ko ehh. ^__^

"Tumigil nga kayo dyan! Kita niyong kausap natin si bhesty" saway ni Jewel

Nag-peace sign naman sina Jhona at Diane.

"Si baby love ko ba yan?" Tanong ni Neil, alam kong siya yun kahit hindi ko pa siya nakikita sa screen. Kilalang kilala ko na boses niya ehh.

"Hi Baby Love!  Tignan mo oh! Grade 10 completers na tayo! I miss you my baby love" aniya

"Congrats, baby love ko. I miss you too"

"Mamaya na kayo maglambingan okay? Best Friends talk kaya 'to!" Sabat ni Leah saamin ni Neil

Ngumisi lang si Neil at sinolo ang video call. Ang sama talaga niya eh!

"Wag mo silang pansinin baby love, hahahaha" aniya at tumawa pa.

"Neil, nakalimutan mo bang phone ko ang hawak mo? Sayang postpaid ko!" Sigaw ni Leah

Itong mga 'to talaga! Hayys. Nakakamiss ang kakulitan nila lalo na si baby love ko.

"Sige baby love ko chat nalang tayo mamaya, yung best friend mo kasi para na siyang tigre baka mamaya kainin niya ako mawawalan ka pa ng gwapong boyfriend baka umiyak ka pa, ayaw ko pa namang umiiyak ka" pabulong na sabi niya

"Sira ka talaga! Hahaha Sige na baby love" paalam ko.

"Akin na nga yan! Nagnanakaw ng phone ehh!" Ani Leah sabay hablot ng phone niya kay Neil.

"Wait lang, May nakalimutan akong sabihin kay baby love ko" pahabol ni Neil

Atska siya humarap sa screen ng phone ni Leah.

"I love you baby love ko, I miss you! Kiss ko?" Malambing na sabi niya at nakanguso pa siya.

"I love you too baby love, I miss you too! Mwah!" Sabi ko sabay flying kiss sakanya

Kunwari rin niyang sinalo ang flying kiss ko. Sira ulo talaga siya ehh. Hahahaha ^.^

"Bhesty, nasisiraan na ng bait yan boyfriend mo" ani Leah habang face to face kami sa screen

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon