Chapter 17

72 2 0
                                    

Harper Neil's Pov

KINABUKASAN, Maaga akong gumising. Pagkamulat ng mga mata ko ay nakita ko ang prinsesa ng buhay ko na mahimbing parin ang tulog habang nakayakap saakin, Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto niya. 

Nagulat nalang ako ng yung dalawa ay nasa tapat ng pinto na para bang kanina pa ako hinihintay na lumabas.

"Good Morning Neil" bati saakin nung dalawang lovers na si Kyle at Khate

"Good Morning lovers!" Bati ko sakanila

"Bat parang puyat ka? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Tanong ni Kyle saakin

"Hala, baka gumawa kayo ng milagro ahh!" sigaw ni Khate sabay takip sa bibig niya

Lumaki naman ang mata ko sa sinabi ni Khate. Ganyan ba ang tingin nila saakin? Syempre may respeto parin ako sa girlfriend ko, kasal muna bago yan.

"Sa tingin ko babe, walang nangyaring ganun sakanila, kilala ko yan Neil ehh" ani Kyle kay Khate

"Very Good kong ganun!" Sabi naman ni Khate

Habang kumakain kami ng almusal ay nagkukwentuhan rin kami.

"Makulit bang katabi si Kyla?" Tanong ni Khate

"Okay lang naman, buong gabi ko nga siya niyakap sa sobrang takot niya" sagot ko.

"Pero naisipan niyo pa bang matulog? Kasi yang kapatid ko yan pag natatakot hindi siya matutulog hihintayin niyang tumilaok ang manok" ani Kyle na natatawa pa.

Ganun pala siya pagnatatakot. Pero nagawa ko siyang patulugin. At ako lang ang nakagawa nun. Ang galing ko naman!.

Habang nagkukwentuhan kami ay bigla nalang tumakbo papunta saamin si Kyla.

"Si baby love ----" natigil ang sasabihin niya at tumakbo papunta saakin.

"Akala ko iniwan mo na ako!" Aniya at niyakap niya ako.

Takot parin ba siya dun death threat kahapon? Or takot siyang mawala ako sa tabi niya?

"Wag kang mag alala hindi ako mawawala" sabi ko sakanya

"Upo ka rito sa tabi ko, kain ka na" sabi ko habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya.

Umupo naman siya sa tabi ko at nagsimula ng kumain.

"Kain ka ng marami bunso ahh, pumapayat ka na oh" ani Kyle

Pagkatapos naming kumain ay nanood kami ng movie. Syempre yung love story ayaw kasi ng girlfriend ko ang horror ehh.

Bzzzzz bzzz bbbzzz~

"Ako ng magbubukas" sabi ko.

Agad naman akong tumakbo papuntang pinto para buksan kong sino man ang nag-doorbell.

"Oh Dude! Dito ka natulog?" Tanong ni Lawrence

"Oo, ayaw akong pauwiin ng girlfriend ko ehh" sabi ko.

Agad naman pumasok ng bahay sina Lawrence, Leah at ang buong kaibigan ni Kyla ko.

"Oh bhesty, musta ka na?" Tanong ni Krisha

"Sino ba yung nagpadala ng death threat na yun at nang makatikim siya ng flying kick saakin!" Ani Leah na nangigigil

"Subukan niya talaga tayo at makikita niya ang bagsik natin, roar!" Ani Jhona at kunwaring nangangalmot pa.

"Mga bhesty, wag kayong mag alala, hayaan nating si Neil ang gumawa ng mga yan para kay bhesty, basta tayo dapat lagi tayong nasa tabi ni bhesty Kyla" ani Jewel

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon