Harper Neil's Pov
Ito ang unang araw namin ni Kyla bilang mag bf/gf, kaya magkasama kami ngayon. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay ehh.
Nandito kami ngayon sa hideout namin, para ipakilala siya sa mga gangmates ko.
"Oh dude! Musta?" Ani Terrence
"Ayos lang naman" sagot ko ng naka-akbay kay Kyla.
"Siya ba yung sinasabi mo saamin Neil?" Tanong ni Louis
"Ahh oo dude, maganda ano? Bagay kami, ohh buti naman at kumpleto tayo ngayon" ani ko.
At dahil proud ako sa girlfriend ko ay pinakilala ko na agad siya sa kanila.
"Kyla, siya si Terrence yung nasa tabi naman niya ay si Louis, yung dalawa namang kumakain ng pizza dun ay sina Miggy at Blue yung apat naman na paniguradong naglalaro ng Clash Royale dun ay sina Lance, Ryan, Clarence at Lee." Masayang sabi ko
Sabay sabay naman silang kumaway At binati si Kyla."Hi Kyla, Ang swerte naman ni Neil sayo, maganda na mabait pa." Ani Blue ng nakangiti.
"Sus, binobola pa ang girlfriend ko ehh" pagbibiro ko.
At Nagsi-tawanan naman kaming lahat. Duma-damoves pa siya kay Kyla ko ehh. Wag ganun! Akin lang siya ehh. Akin! Kumbaga Harper Neil's Property.
Alexa Kyla's Pov
Nakakatuwang isipin na tanggap ako ng mga kaibigan slash gangmates ng boyfriend ko. Ang saya saya nga nilang kasama ehh.
"Kyla pizza oh! Nakwento kasi saamin ni Neil na favorite mo yan" ani Blue
Agad naman akong kumuha ng pizza. Alam talaga niya ang favorite ko ahh.
Habang nagkakasayahan kami ay isa sa mga gangmates niya ang kanina pa nangungulit saamin.
"Isang kiss nga dyan Kyla para kay Neil!" panunukso ni Miggy
"Mga sira ulo talaga kayo" sabi naman ni Neil
"Kahit sa pisngi lang" pangangasar ni Lance
"Kiss daw Kyla oh" bulong niya saakin ng nakangisi.
"Sa cheek lang ahh" sabi ko.
Hahalikan ko na sana siya sa pisngi ng humarap siya.
Wait..
Loading..
Processing..
Humarap siya... ?
Nagising nalang ako sa katotohanan ng sumigaw ang mga kaibigan niya.
"Yun oh!" Pangangasar ng mga tropa niya.
Sabi niya sa cheek lang. First Kiss ko yun ahh! Hayy naku! Sa harap pa talaga ng tropa niya ahh.
"Duma-damoves si Neil ehh, sa pisngi lang daw ehh" ani Clarence
Pwede bang mag walk out saglit? Nakakahiya ehh. Panigurado pulang pula na ang mukha ko ngayon. May ganun pa kasi siyang nalalaman ehh.Nakakainis naman siya, hindi ako na-orient! Binulong man lang niya sana. Charot! Pero infairness kinilig ako.
Niyakap naman niya agad ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.
Nakakarami na siya ahh. Baka ma-spoiled ako sa yakap at halik niya."Ikaw Neil ha, gumaganyan ka, tigilan mo ko, baka masanay ako" sabi ko ng may pagbabanta
"Maganda nga yun ehh, masanay ka na lalo na't magkasama tayo lagi" aniya ng nakangiti.
Kainis na 'tong lalaking to kinikilig ako sa mga salitang binibitawan niya. Siya na talaga! Siya na! Kaya mahal na mahal ko ehh.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!