Chapter 7

118 3 2
                                    

Harper Neil's Pov

Papunta na ako ngayon sa bahay ni Kyla para sunduin siya. Nang makarating ako sa bahay nila ay nakita ko ang mga kaibigan niya na nakikipagkwentuhan sa kuya niya. Nang makita ako ng isa sa mga kaibigan niya ay--

"Oh Harper, Good Morning"

"Good Morning rin Leah at sainyong lahat"

Nakangiti naman silang lahat saakin. Lalo na ang kuya niya.

"Upo ka muna rito Neil, habang hinihintay niyo ang kapatid ko"

Tumabi naman ako sa Kuya niya. At nakipagkwentuhan muna sakanila saglit habang hinihintay si Kyla. Hindi nagtagal ay lumabas na siya sa kwarto niya.

"Good Morning Girls! Sorry kong napaghintay ko kayo ng matagal--- Neil?"
Natigilan siya kaya napatingin silang lahat saakin.

"Good Morning Kyla"

Ngumiti lang siya saakin. At nagpaalam na siya sa Kuya niya.

"Kuya, Pasok na kami ng school"

"Ingat kayo, Neil kapatid ko ah"
Tumango lang ako sa kuya niya. Alam ko na kasi ang ibig sabihin nun. Boys talk.

Habang naglalakad kami ay nasa likod lang ako ni Kyla. Nagmamasid. Lol. Body Guard.
Syempre bilin ng Kuya niya na bantayan ko siya mahirap na baka may mga Gangsters sa paligid. Except saakin. ^_^

"Nandito na tayo!" Sigaw ni Diane

"Makasigaw bhesty ahh" Ani Jewel

Nang makapunta sa kanya kanyang classroom ay nagpaalam ang mga kaibigan ni Kyla except saamin ni Leah. Kung nagtataka kayo, Classmates na kami ngayon ni Kyla lumipat ako para lagi ko na siyang makita at makausap. Alam niyo na.

Class Hours

Discuss
Recite

Wala naman pumasok sa utak ko. Paano ba naman kasi ang bilis bilis magdiscuss hayy naku naman!

After almost 2 hours of Class Hours

Niyaya ni Lawrence si Leah na magmeryenda muna kaya walang kasabay si Kyla kundi ako. Ito ang maganda ehh masosolo ko ulit siya.

"Kyla, tara meryenda muna tayo"

"Mabuti pa nga"

Leah Jean's Pov

Magkasama kami ngayon ni Lawrence. Niyaya niya ako ehh. Kaya pumayag naman ako syempre kasama ko na nga tas may pagkain pa. ^_^
Habang kumakain kami panay ang kwento niya saakin. Ewan ko ba sa mokong na 'to lagi niya akong napapangiti kahit simpleng bagay lang.

"May gagawin ka ba mamaya?"

"Wala naman Lawrence, Bakit?"

"Yayain sana kitang magdinner mamaya, pwede ba?"

"Oo naman"

"Sunduin nalang kita sa bahay niyo mamaya"

Tumango nalang ako sakanya bilang sagot. Kenekeleg eke. Omyg. This is it pancit!

Alexa Kyla's Pov

At dahil malapit na ang bakasyon ay wala na kaming klase, bale dalawang subject lang ang may klase kanina kaya ngayon hayahay na kami.

"Lunch na tayo bhesty, remember treat ka namin di ba?" Yaya ni Jewel

"Tara na guys!"

At naisipan nalang namin na lumabas kami ng school para dun nalang kami kumain. Hindi sa mismong labas ng gate ah. Paglilinaw ko lang. Lol.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon