Epilogue

15 3 0
                                    

Alexa Kyla's Pov

Months Later...

Ngayon ang araw ng kasal ng aking pinakamamahal na kapatid.. Ang bilis naman ng panahon dati bina-baby baby niya lang ako tapos ngayon ikakasal na siya at bubuo na siya ng sarili niyang pamilya. Mamimiss ko yung pagiging possessive kuya niya, yung mga kalokohan niya. Huhuhuhu Pero sa totoo lang napakaswerte ni Ate Khate kay Kuya, syempre the best kuya kaya yang kuya kong yan! ^_^

Napansin ko lang bakit ako yung umiiyak dito habang naglalakad sa aisle, e si kuya yung ikakasal e.. Ganito lang siguro ang feeling ng nakababatang kapatid kapag ikakasal na ang kapatid niya.

Nang makarating ako sa tabi ng mga kaibigan ko ay..

"Oh besty, napaka-emotional mo naman yata ngayon, parang ikaw yung ikakasal a." bulong saakin ni Leah

"Hindi ko lang mapigilan ang hindi maiyak, Masaya lang ako para sa kuya ko" sagot ko kay Leah

"Wag ka na ngang umiyak dyan besty, Magiging kuya mo pa naman siya e. kahit na magkaroon pa siya ng baby. Kaya wag ka ng malungkot dyan" Pagpapatahan niya saakin.

Hindi naman yun yung iniisip ko e. Si besty talaga. ^.^ Napansin kong naglalakad na sa aisle si Ate Khate. Grabe! Ang ganda niya. Napansin ko rin na gaya ko ay umiiyak rin siya. Tears of joy. Syempre ikaw ba naman ang maikasal sa taong mahal na mahal mo. Edi masaya talaga.

Naisip ko lang, Kung kami rin kaya ni baby love ko ang ikakasal. Paniguradong magiging masaya talaga. Pero syempre wag muna ngayon, kailangan muna naming makapagtapos ng pag aaral at makahanap ng trabaho, at kapag okay na ang lahat. Pwedeng pwede na.

"Uy, besty. kanina pa nasa harap ng altar yung ikakasal, ano pang itinatayo mo dyan? Umupo ka na kaya!" Puna saakin ni Krisha

Ay hala! Pasensya na. Naglakbay kasi yung utak ko sa dream world e. Agad naman akong umupo. syempre, nakakahiya kaya.

Kanina pa ako nakatingin kina Kuya Kyle at Ate Khate, ibang iba yung mga ngiti nila, halatang masayang masaya sila at punong puno ng pagmamahal ang mga mata nila.

"...I now pronounce you husband and wife, You may kiss the bride" Anunsyo ng pari

At nagpalakpakan ang lahat. Nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko.. Agad ko naman nakilala kung sino ang taong yun, syempre yung baby love ko.

"Bakit parang gulat na gulat ka baby love?" Natatawang tanong saakin ni Neil

"Ikaw kasi e, nanggugulat ka! Para kang kabute!" Kunwaring nagtatampong sabi ko.

"Gustong magpalambing ng baby love ko, Ayyiiieee! Wag kang mag alala baby love ikakasal rin tayo, magiging Mrs. Lim ka rin!" Aniya sabay kindat saakin.

Wushuu! Excited yata siya a. Baka nakakalimutan niya na hindi pa kami graduate.

"Hala siya! Hindi pa nga tayo graduate e. Excited lang?" Kunwaring pagtatampo ko na may kasamang kilig.

"Ayyiiee Kunwari ka pa dyan Baby Love a. Kinilig ka. Aminin mo!" Pangangasar niya.

"Oh, tama na yang lambingan niyo dyan! Sa reception na tayo." Puna saamin ni Mama kaya natawa ako at sabay na kaming naglakad ni baby love ko palabas ng simbahan. Tapos narin ang pictorial e. XD

***

Pagkadating namin ng reception syempre kunwari hindi pa nagugutom, Ang dami kasing pakulo ni kuya -,- Kasal na nga sila may pakanta kanta pa siyang nalalaman. Tapos alam niyo na, yung mga tradisyon kapag kasal.

"O, bakit nakasimangot ang baby love ko?"

Hindi ko nalang siya pinansin. Nagugutom na talaga ako e. Hindi na nga ako sumama sa mga tradisyon chuchuness na yan e. -,-

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon