Chapter 39

87 2 2
                                    

Harper Neil's Pov

Pasukan na namin ngayon pero hindi ako pumasok. Wala pa naman kasing gagawin e tsaka kailangan kong alagaan ang baby love ko, kakalabas niya lang ng hospital kahapon e. Although okay na siya, gusto ko parin siyang alagaan. Bakit ba!? Gusto ko e. XD

"baby love, gising na." sabi ko sabay alog sakanya.

"Mamaya nga, inaantok pa ako e." Aniya tsaka siya nagtalukbong ng kumot.

Alam kong nagtataka kayo kong bakit ako nandito sa bahay nila. Eh dito na ako nakatira e. Di joke lang. XD Dito daw muna ako mag-i-stay sabi nina Tito at Tita. HAHAHA. Wag kayong mag-alala Good Boy ako. Oh walang kokontra. Ang kokontra pangit! XD

"baby love, magbibilang ako hanggang sampu. Pag hindi ka pa bumangon dyan may parusa ka!" Pagbabanta ko sakanya. Wag kayong mag-alala kiss lang naman ang parusa niya e.

"Isa.." panimula kong pagbibilang.

"Dalawa.." pagpapatuloy niya. Sinabayan pa talaga ako sa pagbibilang e.

"Tatlo..Babangon ka dyan o hindi?"

Tumingin siya saakin ng may kahulugan. Wag nga siyang ganyan baka hindi ako makapagpigil dito.

"Apat.. Lima.. Anim.. Pito.. Walo.. Siyam.. Sampu!" Pagtatapos niya. Pilosopo talaga 'tong baby love ko.

"Oh anong parusa?" Tanong niya saakin habang may malambing na ngiti sakanyang labi.

Dahan dahan siyang lumapit saakin habang nakangiti. Nang-aakit ba siya? Kasi pag ako hindi talaga nakapagpigil dito. Hays. Mahirap na. Baka mamaya palayasin nila ako. Nakakabading naman ang ganitong feeling.

"Halika na nga" bulong niya saakin.

Pakshet! Umasa akong hahalikan niya ako e. Hays. Agad naman na siyang lumabas ng kwarto, Iniwan niya naman akong tulala. Pero hindi nagtagal ay bumukas ulit ang pinto. Ano? Na-realize na ba niya na kulang ang araw niya hanggat hindi niya ako nahahalikan? Hahaha. xD

"Halika na! Kakain na daw tayo!" Yaya niya saakin sabay hila.

"Anong sabi mo baby love? Gusto mong halikan kita?" Tanong ko. Kunwari hindi ko narinig. HAHAHA. Namula naman siya sa sinabi ko. Ayyyiiieee Kinilig siya.

"Ang sabi ko, HA-LI-KA NA! hindi HALIKAN KITA!" aniya. Kaya napangisi ako.

"Parehas lang yun." Sagot ko habang may ngiting nakakaloko.

"Anong parehas dun? Magkaiba kaya yun!" Mabilis na sambit niya sabay irap saakin. Nagsusungit siya oh! Baka red days. Pero ang cute niyang magsungit. Ang sarap niyang asarin. HAHAHA.

Lalabas nanaman sana siya ng kwarto ng bigla ko siyang hinila tsaka ko siya hinalikan sa labi. Nakita ko naman na nagulat siya. Bigla niya akong tinulak.

"Bakit mo ako tinulak?" Nakangising tanong ko.

Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko ay lumabas na siya ng tuluyan sa kwarto niya. Huh? Anong nangyari dun? Parang hindi na siya nasanay ahh. Minsan nga siya humahalik saakin e. Hays. Magsosorry na nga lang ako mamaya. Agad naman akong lumabas ng kwarto at sinundan ko siya papuntang Dining Area.

"Kyla, Saan si Neil?" Narinig kong tanong ni Kyle.Pero hindi siya sumagot.

Hala! Nagtatampo ba siya dahil sa halik? Hays. Naupo nalang ako sa tabi niya. Palingon lingon ako sakanya pero siya hindi man lang tumitingin saakin. Nang matapos kaming kumain ay..

"Ma, Pa, Kuya.. Papasok na po ako ngayon. Okay naman na po ako e. Ayaw ko naman pong mamiss ang first day." Pagpapaalam niya. Kaya napatingin silang lahat sakanya maski na ako. Napag usapan nanamin 'to ah hindi pa siya papasok. Next week pa dapat siya pumasok dahil kailangan niya pang magpahinga. Ang tigas talaga ng ulo e.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon