Harper Neil's Pov
At dahil weekend ngayon ay wala kaming training. Rest day ika nga nila. At dahil walang magawa sa bahay ay naisipan kong magpunta ng hideout para tumambay sana.
Nang buksan ko na sana ang pinto ay nagulat ako ng nakita ko ang mga kaibigan ni baby love ko kasama ang mga boyfriend nila.
"Oh, himala may bis---" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay kinaladkad nila ako.
"Saan niyo ako dadalhin?" Tanong ko sakanila kaya napahinto sila.
"Basta!" Sabay sabay na sabi nila.
At kinaladkad ulit nila ako. Ano ba naman itong mga 'to. Baka mamaya kong saan nila ako dadalhin ahh.
"Kakasuhan ko kayo ng kidnapping ha! Hindi porket kaibigan kayo ng baby love ko" tuloy tuloy na sabi ko sa mga kaibigan ni Kyla ko.
"Tumahimik ka nga dude! Para kang babae!" Ani Lawrence
Tinakpan nila ang mga mata ko pati na rin ang bibig ko gamit ang panyo. Hindi pa sila nakuntento nilagyan pa nila ng handcuff ang mga kamay ko.
Ilang oras na kaming bumabyahe, pero wala ni isa sakanila ang nagsasalita. Masyadong tahimik, kung hindi lang sana tinakpan ang bibig ko magtatanong ako ng magtatanong sa mga 'to!
"Nandito na tayo!" Sigaw ng isa kanila, nasa pagkakakilala ko sa boses ay si Dustin ang boyfriend ni Jhona.
Inalalayan nila ako, Aba! Dapat lang! pag-ako nadapa dito sayang ang face ko mababawasan ang gwapo sa mundo, Or should I say mababawasan ang kagwapuhan ko. Ako lang kaya ang gwapo sa mundo. Ohh wag kayong kokontra! Ang kokontra Pangit!
Inalalayan nila ako hanggang sa makarating kami sa kong saan ako dinala ng mga 'to. Ginawa pa talaga nila akong babae ehh! Nakakabawas ng pagkalalaki yun ahh. Hahaha! Totoo naman eh!
Ano ba kasing trip 'to! Nakakaputa na sila!Tinanggal nila ang panyo sa bibig ko. Sa wakas! Makakapagsalita na ako!
"Saan niyo ba ako dinala ha!?" Iritado kong tanong.
"Sssshhh, maraming chicks dito, mag enjoy ka Neil ha!" Sagot nang isa sa mga kaibigan ni Kyla ko na base sa boses ay si Diane.
Chicks? Kailan pa ako nangbabae? Alam naman nilang loyal ako sa Kyla ko ehh. Baka naman ang tinutukoy nilang chics ay sisiw. Hahahaha!
Wala pang ilang minuto ay may humalik sa pisngi ko. Atska niya tinanggal ang panyo na nakatakip sa mata ko pati na rin ang handcuff sa mga kamay ko. At nang mapatingin ako sa babaeng humalik saakin kanina ay..
"Hi baby love!" Bungad niya
Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Namiss ko siya sobra!
"Bakit hindi mo sinabi saakin na uuwi ka na pala?" Tanong ko sakanya.
"Edi hindi na surprise!" Aniya at nagpout pa.
Agad ko naman siyang hinalikan sa magkabilang pisngi niya hanggang sa noo niya. Ohh? Nagtaka kayo walang kiss sa lips di ba? Syempre reserve yan sa kasal namin! Atska ko ulit siya niyakap, ehh sa namiss ko ang Kyla ko ehh.
"Ehem! Ehem!"
Bigla nalang kaming napabitaw sa pagkakayakap. Mga istorbo sila! Hindi man lang kami pagbigyan ngayon nga lang ulit kami nagsama ehh.
"Pwede ba!? Wag kayong istorbo! Iwan niyo nga muna kami!" Iritado kong sabi sakanila.
At dahil masunurin sila ay umalis nga sila. Ganyan nga! Mga masunuring bata! Hahaha
"Happy 10nth Monthsary baby love" bulong niya saakin.
Oo nga pala monthsary namin ngayon. Hay! Bat di ko naisip yun!?
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya."Ayy, nakalimutan niyang monthsary namin ngayon, kainis naman! Umuwi pa naman ako sa saktong monthsary namin tapos nakalimutan niya" aniya ng nakasimangot pa, yung totoong simangot, halatang nagtatampo na ang baby love ko.
Niyakap ko naman siya mula sa likod.
"Joke lang baby love, ikaw talaga hindi ka mabiro." bulong ko sakanya sabay pisil sa pisngi niya.
"Tse! Wag ka nga dyan! Nakakairita!" Aniya at maglalakad na sana siya palayo. Pero bago pa siya makalayo saakin ay hinila ko siya agad pero hindi sa paraan na masasaktan siya, atska ko siya niyakap ng mahigpit
"Sorry na baby love, I love you! And Happy 10nth Monthsary saatin baby love ko" bulong ko sakanya habang kayakap ko siya naramdaman ko na rin ang pagyakap niya saakin.
"Alam mo baby love kong ano yung hinding hindi ko makakalimutan? Yun yung dumating ka sa buhay ko"
Buong puso kong sabi sakanya, dahil yun ang totoo.Alexa Kyla's Pov
"Alam mo baby love kong ano yung hinding hindi ko makakalimutan? Yun yung dumating ka sa buhay ko" bulong ni Neil saakin
Sus, bumabawi lang siya ehh! Pero sa totoo lang nakalimutan niya talaga! Palusot siya dyan ha!
Pero sa tingin ko totoo talaga yung sinabi niya ramdam ko ehh, ang gulo ko no? Wala ehh mahal ko talaga 'tong loko lokong gangster na baby love ko.
"I love you too baby love" bulong ko sakanya.
"Tara na nga! Kanina pa nila tayo hinihintay dun" sabi ko sabay hila sakanya papuntang Dining Area
At Dining Area
"Ang tagal niyo ahh!" Reklamo ni Diane
"Kanina pa kami nagugutom" reklamo rin Leah
Natawa naman kami ni baby love ko saknila, At agad naman kaming umupo sa tabi nina mama at papa.
Tahimik lang kaming kumain at nang natapos kaming kumain ay pumunta kami ng Garden Area dito sa bahay namin."Musta ang America bhesty?" Tanong ni Krisha
"Ayos naman, Masaya nga dun ehh, kaso syempre mas masaya pagkasama ko kayo" sagot ko.
"Grabe bhesty, tumaba ka" pangangasar ni Jhona
Tinignan ko siya ng masama, ako tumaba? Huh! Hindi kaya! Ang Sexy ko nga ehh!
"Ohh wag mo akong tignan ng ganyan" pahabol pa niya
Natawa naman sila. Magkakasama kaming magkakaibigan with our boyfriend syempre. Sina Mom and Dad naman nagpapahinga sa kwarto syempre napagod sa byahe, samantalang ako parang hindi galing ng byahe. ^_^
"Anong oras ka dumating baby love?" Tanong ni Neil ko habang magkahawak kamay kami.
"Mga 2 hours ago, sinundo nga nila kami ehh" sagot ko sabay turo sa mga bhesties ko.
"So ibig sabihin wala ka pang pahinga? Halika, matulog ka na muna, ihahatid kita sa kwarto mo" aniya at aakmang hihilain na niya ako pero pinigilan ko siya.
"Okay lang baby love, tignan mo oh! Okay na okay ako!" Sabi ko sabay tayo ko at naglulundag lundag pa na parang bata.
"Baby love naman ehh, wag matigas ang ulo, you need to take a rest, okay?!" aniya, at hinila na niya ako papuntang kwarto ko. Wala ehh siya nang nagsabi. Baka mamaya pagnagpumilit pa ako magalit siya.
Nang makarating kami sa kwarto ko ay nagkunwari akong matutulog na at hinintay ko siyang umalis ng kwarto ko, pero wala yata siyang balak na umalis ng kwarto ko.
"Baby Love, anong sabi ko sayo?!" Aniya, Hala galit na siya!
"Matutulog" sagot ko.
"Sige na matulog ka na, Pag ako bumalik rito at hindi ka pa tulog lagot ka saakin!" Banta niya saakin.
At hinalikan niya ako sa noo atska siya lumabas ng kwarto ko.Matutulog na nga ako, baka magalit yung baby love ko. Lagot ako! Masamang magalit pa naman yun.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!