Chapter 36

52 2 0
                                    

Alexa Kyla's Pov

"I love you baby love" sambit ko tsaka ko siya niyakap ulit..

"I love you too baby love" bulong niya atsaka niya ako hinalikan sa noo.

Namiss ko talaga siya ng sobra! Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kasama ko na ulit siya..

"Tara, Hatid na kita" aniya atsaka niya hinawakan ang kamay ko habang nakangiti.

"Tss, pinabayaan ka ni Ram. Binilin ko pa naman sakanya na alagaan ka niya" aniya habang naka-pout ngumiti naman ako sakanya.

"Lagot talaga saakin yun! Buti nalang sinundan kita" patuloy niya habang magkahawak kamay kaming naglalakad. Napansin ko naman na same outfit sila ni Mysterious Guy, hindi kaya siya si Mysterious Guy?

"Neil" tawag ko sakanya, kaya napalingon siya saakin.

"Yes baby love?" Pacute na tanong niya. Hindi ko tuloy maitanong yung itatanong ko, nagpapacute pa kasi ehh. XD

"Kung nagtataka ka, baby love. Ako yung lalaking laging sumusunod sayo, hindi kasi ako matahimik hanggang hindi kita nakikita ehh" aniya. Wala pa akong tinatanong nasagot niya na agad. Mind reader ba siya? Hahaha charot!

"Ang saya saya niyo nga ni Ram ehh, akala ko tuloy hindi mo na ako mahal" pagpapatuloy niya at nagpout pa siya ahh. Pwede ba yun? Siya lang kaya ang mahal ko. Nagddrama pa ehh.

Patuloy lang akong nakikinig sakanya. Hindi parin kasi ako makapaniwala na kasama ko na siya ngayon. Paulit ulit na ba ako? Sorry na, masaya lang. XD

"Sige na, nasa tapat na tayo ng bahay niyo." Aniya. Tignan niyo yan! hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Haayss..

"Good Night baby love, I love you" Aniya atsaka niya ako niyakap.

"Sweet Dreams baby love, i love you too" bulong ko.

"Sige na, pasok ka na.. baka mag-alala na sila sayo" sambit niya sabay halik sa noo ko.

Bago ako pumasok ng gate ay hinalikan ko muna siya sa pisngi. Napangiti naman siya saakin.. Ayiie kilig siya! XD

KINABUKASAN, Nagulat ako ng makita ko si Neil sa loob ng kwarto ko, nakaupo siya sa tabi ko habang inaayos ang buhok ko.

"Good Morning baby love!" Bati niya saakin ng nakangiti.

Bigla akong napabangon sa kama ko ng makita ko siya.

"Para ka naman nakakita ng multo" aniya.

"Anong ginagawa mo rito?! Baka makita ka ni Mama at Papa" natatarantang tanong ko.

Ngumiti lang siya saakin. Anong ngini-ngiti ngiti niya dyan!? Sapakin ko siya dyan ehh, Paano kaya nakapasok ng kwarto ko 'tong lokong 'to!? Sa pagkakaalala ko pa naman kagabi ay inihatid niya lang ako tapos umalis na siya ehh..

Nagulat ako ng may kumatok sa pinto.. dahil sa pagkataranta ko ay naghanap ako ng pwedeng pagtaguan ni Neil.

"Bunso, gising ka na ba?" Tanong ni kuya habang nasa labas siya ng kwarto ko.

Hindi ako sumagot kay kuya, bagkus ay hinila ko si Neil na nagrerelax habang nakahilata sa kama ko, nakuha pang magrelax ehh, hinila ko siya papuntang CR para dun siya magtago. Kasu ang loko ay hinila naman ako kaya ako yung napahiga sa kama. Haayss! Gusto niya bang mahuli kami ni Kuya? Hindi pa naman nila alam na kami na ulit ni Neil.

"Dito ka lang! Namiss kita ng sobra ehh" aniya habang kayakap niya ako.

"Ano ka ba Neil?! Gusto mo bang mahuli nila tayo!?" Sigaw ko.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon