Girlfriend-kamikazee (Fb stories)

908 20 0
                                    


Girlfriend - Kamikazee

"I don't know if this is the good way, (to send my story with you guys)

Sa bahay ko ngayon, mag-isa lang ako. Hindi ako matatakuting tao. Pero this house gave me the feeling of ""hindi ako nag-iisa"". Hindi ko ma-explain yung feeling na kahit mag-isa ako, feeling ko may mga kasama ako, pero di ko lang nakikita, so in short, MULTO. Inisip ko, feeling ko lang yun. Hindi naman ako masyadong naniniwala, pero naniniwala pa din (konti lang).

This happened last week, Friday. Thursday & Friday kasi ang rest day ko, so every Friday ako naglalaba. Mag-isa ko lang, so ang pamatay boring ko habang naglalaba eh ang soundtrip. Meron akong speaker dalawa, yung pang computer. Sinasaksak ko lang sa phone ko then rak en rol na. Sakto lang yung lakas para marinig ko sa banyo. Sa banyo kasi ako naglalaba.

Iniwan ko yung speaker at phone ko sa sala. Hindi ko na ipinasok sa banyo baka mabasa. Ayoko ng may nang-iistorbo saken kapag naglalaba kaya ayoko ng may tinetext. Nagbabanlaw na ako ng biglang tumugtog ang Girlfriend ng Kamikazee, favorite song ko yun. Chorus na, biglang namatay. As in nawala yung tugtog. Lumabas ako pero iba na pakiramdam ko! As in naalala ko bigla yung mga kwento kwento sa bahay na yun... Kaya umalis yung mga umuupa dun at binenta ng mura... Kaya meron na akong birds eye view sa kung anumang nangyayari dun pero nun ko lang talaga na-experience yung mga kinekwento nila.

So Ayun nga, lumabas ako pero kinikilabutan na talaga ako, before ako lumabas, may mga nakasampay na sa loob ng CR, take note, nakahanger na yung mga yun (tapos ko ng mabanlawan at nadownyhan ko na din grin emoticon ). Pagkalabas ko naka-pause talaga siya, tapos paglapit ko, nakita ko din, kukunin ko na yung phone ko, hindi ko pa nahahawakan, lumipat sa ibang song and then nagplay. Ah p*ta! (sorry) Pero talagang nakakatakot! Super! Pero nagkibit balikat ako, sabi ko, t*ng *na favorite song ko yun! (sa isip isip ko lang)

Pagpasok ko ng CR, tuloy lang sa pagbabanlaw, eh kinikilabutan pa din ako sa nangyari eh, tapos biglang bumagsak saken mga sinampay ko, as in! Oo! Nahulog, napa F*CK! na lang ako! frown emoticon

As in super gulat ako kasi hindi yun basta basta mahuhulog kung walang gagalaw kasi bakal yung sabitan at nakahanger na.

As in sobrang badtrip na natatakot na ako nun. Naisip ko ibubukas ko na lang bintana, kasi sinarado ko yung bintana nun eh, baka mas gusto nila ng nakabukas yung bintana. Nung binuksan ko, naginhawaan ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta I felt relieved.

Madami pa, kasi until now dito pa din ako nakatira. Habang tumitipa ako, feeling ko nakikibasa sila. smile emoticon "

ASICS~

200*

PUP



PS: lhat po ng may FB stories eh kinopy ko lang po sa horror page sa fb mga true horror po yan wala po kase nagshshar

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon