Nocturnal (FBstories)

540 20 0
                                    


Nocturnal

Sabi sa kanta ni Jireh Lim ""Dito ay umaga at dyan ay gabi, ang oras natin ay magkasalungat, aking hapunan ay iyong umagahan"" yeah tama kayo ganyan ang nararamdamaman at nararasan ko sa araw-araw na buhay ko.
Ang araw ko ay gabi at ang gabi ko ay araw, alam ko di kapanipaniwala pero totoo. Paano ba ito nagsimula, Elementary days usong uso yung Boy Scout lalo na yung mag cacamping sa mga malalayong lugar. Malikot talaga akong bata noon pa at laging pabida saan man ako mapunta, so camping nun at ang unang major activity namin ay pumunta sa falls pero bago makarating sa falls ay kailangan munang dumaan sa isang bundok, medyo nakakatakot pero dahil bata GO lang! so ang nangyare ay by patrol ang grouping dahan dahan lang ang lakad at sabay sabay pa, sa kalagitnaan ng hiking ay yung ibang patrol ay nagpapahinga pero yug patrol namin ay mga talagang palaban, may motto pa nga kami habang naglalakad ""Ang Sumuko Supot"". Sa kalagitnaan na ng bundok at ang daanan namin ay sa gilid lang ng bundok at may mga kahoy na nakaharang sa gilid upang maging hawakan habang naglalakad paakyat at pababa ng bundok. Dahil kanina pa ako patakbo takbo madali akong napagod kaya nag pasya ang patrol namin na magpahinga muna, makalipas ang limang minuto ay lakad naman ngunit ako medyo pagod pa rin nag pahinga pa ako ng halos dalawang minuto dahil sa isip ko isang ruta lang naman ang dadaanan namin kaya maaabutan ko rn sila basta mag madali lang ako. Medyo nasarapan ako mag muni muni, di ako matatakutin noong bata pa ako kaya ok lang sa akin mag isa dahil ang turing ko sa sarili ko ay batas. Nagpasya na ako na sumunod sa mga patrol ko so takbo ako ng mabilis hawak hawak sa kahoy sa gilid ng bundok at nung pababa na ako at medyo matarik ""blag"" di lang isang kalabog tatlo,apat,lima hindi ko alam nakapadami nito. nahulog ako sa isang bangin at mabato ang nalaglagan ko, ang akala ko talaga ay mamatay na ako kaya pinikit ko nalang ang mata ko.

Medyo naalimpungatan ako, nasa isang kubo ako at nakahiga at biglang may pumasok na lalaki, nilapitan nya ako at nilapat nya ang kanyan palad na aking noo, nakita ang mukha nya sa tantya ko ay isa siyang katotobo dahil sa kanyang kasuotan at ayos ng buhok, napansin nya rin ako na gising na kaya lumabas siya. Pag balik nya ay kasama na nya ang isang babae, may kaedaran(nanay) ito ngunit maganda ang kasuotan nito, naka mahabang puti at may desenyong tila mga burda ng bulaklak ang buhok nito ay kulot kulot maaamo ang kanyang mukha na kala mo ay isang diwata. BIgla itong nagsalita.

Babae: Kamusta ka na iho
Ako: Asan po ako bat andito ako? di ba may camping pa kami teka aalis na pala ako baka maiwan ako ng patrol namin
*gulong gulo ang isip ko ng mga panahon na yon dahil hindi ko kilala ang mga nasaharapan ko at iniisip ko baka mga kidnapper ito dahil sa panahon namin uso pa yon""
Babae: Teka lang iho, magpahinga ka muna at kakagagaling mo lang sa aksidente
Ako: Hah? wala naman po akong galos tignan ninyo nga po nakalagaw galaw ko pa buong katawan ko ng matino
*doon ko naalala ang nangyare, hindi gaano kalinaw basta ang alam ko na nadulas ako nag gumulong gulong ako sa matarik na pababa sa bundok*
Babae: Pero di ka pwedeng umalis
Ako: Bakit naman po, hindi ko naman po kayo kilala
Babae: Basta!
at may pumasok na isang matandang lalaki, maputi ang buhok nito nakasuot rin ng puti
Matandang Lalaki: Wag mo ng pilitin pa ang bata baka matakot lang yan, hayaan mo na siyang maka alis
Babae: Pero hindi pwede
Matandang Lalaki: Ang pag ligtas mo sa batang ito ay labag na sa ating batas at mas lalo tayong mapaparusan kung kukopkopin mo pa ang batang ito!
Babae: Alam ko naman iyan pero pwede naman
*agad sinagot ng matanda ang babae
Matandang Lalaki: LENTANG! wala ng pero pero
at tumingin ito sa akin "" ikaw bata mag handa ka na at makakaalis ka na""
Babae: Hayaan mo muna akong hagkan ang batang ito
*niyakap ako ng babae at may binulong ""anak magiingat ka, ayaw man kitang paalisin ngunit mapaparusan ako ng taasang ama, magiingat ka anak""

at bigla nalang nabalik ako sa dati kong posisyon malapit kung saan bago ako nalaglag at may narinig akong may sumisigaw sa panagalan ko ""Hirooooooooo Hirrooooo! Asan ka!!""
*Hiro di ko tunay na pangalan*
at sumigaw rin ako ""Andito ako sir! Andito lang ako!""

at nakita ko sila at sinabi nila na kanina pa nila ako hinahanap, nag palusot nalang ako na may binalikan pa ako kasi nalaglag yung flashlight ko

akala ko nakatulog lang ako at panagipin lang ang lahat

****** 4th Year Highschool
napansin ko na parang nanlalabo ang mata ko kaya nagpasukat ako ng salamin ngunit ang sabi ng doctor ay ayos naman ang vision at pinayuhan ako matulog ng maaga
at agad namang sinabi na magulang ko na ""ayan kasi anong oras na natutulog""

yup highschool ako nagsimula ng magbago ang mundo ko, noong una ay sumisikat ang araw ng mga alas siyete na, hanggang naging 7:30,7:50,8:00 at naging tuluyan na itong naging baliktad hanggang gabi. Sinabi ko ito sa magulang at lola ko ngunit tinawanan lang nila ako at nagdadahilan lang daw ako para makapagpuyat.

Mahirap dahil hindi lang ang dilim at liwanag ang nagpabago ngunit pati na rin ang pakikitungo ng katawan ko, kahit umaga sa normal na pahanon ay inaantok ako dahil gabi ang nararanasan ko.

Sinabi ko sa magulang ko na magpphase study nalang ako, nagdahilan nalang ako na nahihirapan na akong matulog at sobrang lala ng insomnia ko. Napapansin rin nila ito tuwing makikita nila akong natutulog tuwing umaga at pag gabi ay gising na gising ako, ang hindi nila alam ay salungat ang nararamdaman ko.

Di ko ito masabi ang nararamdan ko, naging tahimik ako at naging mag isa, ibinaling ko ang buhay ko bahay at tanging panonood TV sa pang araw araw ang aking ginagawa, mahigit tatlong taon rin ang nakalipas nang malaman ko ang tunay na estado ng buhay ko nang sumama ako magpagamot ang kapatid ko sa albularyo matapos itong mapiliyan, matapos hilutin ng albularyo ang kapatid ko ay nagpaiwan ako sa loob dahil may gusto akong tanungin sa albularyo, siya si ""Pare"" ang tawag sa kanya dito at inilahad ko ang lahat ng aking nararamdan sa kanya at madali niya akong naintidihan.

Umuwi na kami at gulong gulo pa rin sa akin ang sinabi ni Pare, halos di ako makapaniwala sa aking nalaman dahil sinabi niya sa akin na maswerte ako dahil pangalawa ko nang buhay to, pero mas lalo akong kinilabutan nang sinabi niya sa akin na di na ako normal na tao dahil may ibang dugo na dumadaloy sa akin.

Dugo ng engkanto, kaya raw baliktad ang gabi at araw sa akin dahil ganito raw sa mundo ng engkanto lahat ay baliktad, at bukod sa paningin ay may kulang pa raw sa akin at inilapit ninya ang ang kanyang hintuturo sa pagitan ng aking dalawang mata banda sa noo at sinabi niya na ""Ang mata"".

20 Years old, palagi pa rin akong pumapasyal kay pare upang maliwanagan pa ako, pero bago mag ako mag 20 ay bumalik ang panigin ko sa tunay na panigin, kung saan ang umaga ay umaga at ang gabi ay gabi, halos maiiyak ako dahil akala ko di na ako makakabalik pa sa dating ako, akala ko ayos na lahat, pero dito bumukas ang ikatlong mata, ang mata na pagnakabukas ay hindi lang nagpapalit ang araw at gabi ,pati na rin ang lugar, ang lugar ng kawalan ang lugar kung saan makikita mo ang mga ligaw na kaluluwa,ibat ibant elemento at mga di natural na bagay.

Tinuruan ako ni Pare kung paano ko mabubuksan at maiisara ang ikatlong mata. Ang pagkontrol sa espirito, ang espirito niya na sinasabi ay ang isang linyang kumonekta kabilang mundo at mundo ng mga tao. isa sa kumokontrol sa espirito ay ang emosyon at pisikal, pag ang isang tao ay kalmado at walang inaalala yung tipong relax lang ay kusang magsasara ang ikatlong mata, ngunit oras na bumago ang emosyon at laging pagod ang katawan maaring bumukas ulit ito.

ngayon 23 na ako at pinili kong magtrabaho ng pang gabi dahil nakasanayan ko na rin ito, kaya ko na rin kontrolin ang aking mata, kaya kung ibalik ulit ang dati kong abilidad na gawing umaga ang gabi at gawing gabi ang umaga na hindi ko nabubuksan ang kabilang mundo.natutunan ko lang ito nung nagpasya akong tumira sa india, nagaral ako ng pagkontrol ng Chakra,akala ko sa una ay hindi totoo pero nang nakita ko ang resulta ay tinuloy tuloy ko na ito.

Naging maliking tulong rin ito sa akin bilang volunteer sa isang NGO na rumeresponde sa mga sakuna, aksidente, etc etc. Minsan driver ako ng ambulance, Laging rin akong kasama sa search and rescue.higit sa lahat ngayon ay isa ako sa pinakabatang night patrol madalas akong naassign sa checkpoint kung saan marami na kaming nahuluhian ng droga, illegal na hayop, kahoy,etc etc

naenganyo akong sumulat dito kahit wala akong talent sa mga ganitong bagay, dahil rin kay EyeWonder kasi naikwento ito ng katrabaho sa night patrol na pampawala niya daw ng antok ang pagbasa sa mga story dito at naikwento nya rin ang mga story ni eyewonder kaya na curious ,ang una kong alam na nagiisa lang ako sa mundo pero marami pala kami, maraming magsasabi na hindi totoo pero kayo nang humusga. HIndi ko man ito minana ang abilidad na ito ngunit alam ko gaya sa inyong may abilidad tayo tayo lang ang nakakaintindi sa isat isa.

3y3
PL

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon