WRONG (FBstories)

796 17 1
                                    


Title: Wrong

Hello, spookify!! Share ko lang yung recent creepy events na nangyari sakin. May, 24. May naganap na orientation sa school, tinatamad akong pumunta kaso hindi pwedeng umabsent. Masasabi kong malawak yung school namen kase may sampung libo ang population namin. Eto na nga, pagkatapos mag-discuss nung first speaker namin which is our principal nakaramdam ako nang kung ano sa puson/pantog ko, naiihi ako. Medyo tiniis ko pa nga yung sakit kaso nag-give up ako, tumayo ako para mag-cr nang marealize kong lahat nga pala nang tao ay nasa covered court. Nakalockdown din lahat nang buildings. Dahil ang court nga lang inasahang gagamitin. At ang cr lang sa backstage ang available kaso nakakahiya kaya lumapit ako sa adviser namin at hiniram yung susi nang room namin. Kaso di niya nahanap at susi nalang nang faculty room ang binigay niya sakin. Ihing-ihi na ako kaya kinuha ko na. Takbo ako siyempre kasi lalabas na talaga, tapos nang makarating ako sa pintuan nang faculty room ipapasok ko na sana yung susi kaso bukas na pala. Wala na akong pake kasi jusko isang timba yata to. Tuloy tuloy lang ako sa cr. May 13 tables sa loob nang kwarto. At nasa pinakadulo pa yung cr. Bago ako pumasok napansin kong may tao pala sa bandang dulo teacher yata. Nasa 50's siguro yung edad. Nag'goodmorning nalang ako at nagpaalam na iihi di naman niya ako pinansin so pumasok nalang ako. Pagupo ko may narinig akong nagsalita sa labas, "Left!!" ay yung teacher yata yun, yan yung nasa isip ko, "Right!!" ewan ko kung bakit ko sinunod yung teacher ibinaling ko naman yung ulo ko pakanan. "DOWN!!" medyo papalapit yun tunog at papalakas medyo may iba na akong naramdaman. "UP!!" Nalaglag ako sa bowl sa gulat. Ramdam kong parang kasama ko sa loob yung nagsalita. Di ko na nagawang tumingin sa taas agad akong mag-ayos nang sarili at lumabas na. Paglabas ko dumiretso nako palabas nung nasa pinto na ako tumingin ako sa table kung nasan yung teacher, andun pa rin siya kaso nakatayo na siya, nakangiti sakin bilog na bilog yung mata, parang di normal. Napalunok ako, nang marealize kong. LAHAT NGA PALA NANG TAO NAGTIPON SA COVER COURT. Isasara ko na sana yung pinto kaso biglang gumalaw yung teacher at naglakad papunta sakin nakangiti parin at animo'y pinandidilatan ako nang mata. Sa takot ko agad kong sinara ang pinto kaso may salamin pa ito kaya kita ko pa din ang nangyayari sa loob kahit nailock ko na ang pinto nakita kong bumilis yung lakad nung teacher papalapit sa pinto. Nang nakangiti pa din. Nakita kong nasa pinto na siya. Sumisigaw ng "WRONG!! WRONG!! WRONG!!" Nangininig ako sa takot, kaya tumakbo ako papalayo don naririnig kong tumatawa siya kaya tinakpan ko ang tenga ko habang tumatakbo. Nang makarating ako sa gate papuntang covered court nakasalubong ko yung ssg president tinanong niya ako kung bakit ako tumatakbo sinabi ko yung nakita ko kaso lang tinawanan lang niya ako napayuko pa siya pag-tayo niya nagulat ako nakita ko sa mukha niya yung mukha nung teacher na nakangiti at pinagdidilatan ako. Napako ako sa kinatatayuan ko habang papalapit yung mukha niya sakin habang sinasabi ang mga katagang "WRONG!! WRONG!! WRONG!!!!!!!" sa sobrang takot nahimatay ako. Pag-gising ko nakita ko yung mukha nung adviser ko at nang-iba pang teacher. Tinanong nila ako kung anong nangyare nag-iba yung mukha nila parang nag-aalala, tsaka ko lang nalaman na yun pala yung dating head teacher ng mapeh department at pinatay siya nang isang student niya dahil binagsak niya ito. At kaya daw siya ulit nagparamdam sakin dahil kapangalan ko daw yung estudyante. Magmula noon hindi ko na naisipang pumunta oh dumaan man lang dun.

--MAJ MALIK

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon