Tips For Everyone (FBstories)

582 17 1
                                    


-"Tips for everyone"-

Hello Spookify! 1st entry ko ito. I hope mabasa ito, at mai-post. Dahil I've noticed some of the Spooooky confessions rito ay tungkol sa pag-gising ng 3 AM. I want to share this confession and these tips for everyone.

**

Call me as 'AD'. 16 years old. Malakas ang paniniwala sa Diyos.

Hindi ako naniniwala sa multo, dahil mas takot ako sa mga mamamatay-tao.

Simula bata palang ako, wala pa akong nararanasan o nakikita.

Hindi ko siya naramdaman, kundi nakikita ko sa mga panaginip ko....tuwing alas tres ng madaling-araw.

Hindi naman exact 3, 2:45, 2:55, hanggang quarter to 4. I have these strange dreams recently. Tapos bigla-bigla na lamang akong nagigising ng 2-10 minutes before 3AM. I usually wake up with no reason. Hindi naiihi, hindi nag-alarm, wala namang maingay. Basta yung tipong didilat ka nalang.

Tapos makakaramdam ka ng kakaiba. O kaya minsan naman nagigising ako dahil sa mga panaginip ko.

Sa mga panaginip ko, laging near to death, puro bloody, patayan, o kaya may nasasasaksihan akong namamatay.

But DECEMBER 13, 2015. I had my worst and creepiest dream. Alam kong common na ang ganitong panaginip, pero kakaiba siya.

Scenario:

On my way home, gabi yun. Malapit na ako sa bahay namin then may nakita akong matandang lalaki, hindi naman gusgusin, naka polo shirt na malaki at naka-pants. I saw his face clearly that time, pero hindi na malinaw ngayon sa isip ko. Normal lang, tao naman. Habang papalapit siya, nakatingin siya sa daanan, tapos tumatabi sa daan ko. (maluwag ang daanan, kaming dalawa nga lang, pero nakikisiksik) Tapos, he waved his hand downwards, ang lakas nun. So ako, iniwas ko yung sarili ko, kasi feeling ko matatamaan yung private part ko. Nalagpasan ko siya, at ang conclusion ko, parang may sakit siya. Mga halos dalawang metro ang layo ko sakanya, nilingon ko siya. Then I saw him! I saw him with the most scariest face! Parang sunog, bloody...nakatingin siya sa akin. Nagsimula akong tumakbo, yung pagtakbo ko, ramdam ko eh. Ang sakit ng paa ko, parang ang bigat nila. Napaka-bagal ko tumakbo. Umiiyak na ako, tapos ang hirap talaga tumakbo. Malapit na ako sa bahay namin, napaka-bilis niya tumakbo, then here's the strange feeling na parang kinausap ko ang sarili ko. Na parang I am now controlling my dream, sabi ko, 'AD, AD, takbo! Parang pang-runner!' so yun. Ang sarap sa feeling, na nakakatakbo ako ng mabilis, but sobrang kaba that time. Nakapasok na ako sa bahay namin at kumuha ng pamalo, lumabas uli ako tapos wala na siya. Hinahanap ko, tapos bigla ko siyang nakita sa tapat ko. May hawak siyang tungkod, tapos naka-shades, tapos may hawak siyang batang maliit. Ang bagal niya maglakad, bulag siya.

Nakakatakot dahil...alam kong ang layo niya sa akin noong tumatakbo ako, tapos ngayon, nasa tapat na sila ng bahay namin, at naglalakad.

**

Naikwento ko ito sa kaibigan ko. At ito ang mga sinabi niya.

1. Don't sleep whenever you're tired or hungry. If you feel sleepy, labanan mo, wag kang humiga.

2. Kapag nagigising ka ng 2-3 AM, without any reasons at may strange feeling, just relax. Don't think too much. It's all about Psychological Thinking, o sadyang conditioning na ng iyong utak.

3. Don't scare yourself, when it's 3AM.

4. Put your headsets on.

5. Always think that God is in your side.

6. Try controlling your dreams. It might be possible to happen.

Lastly...do not forget to pray as always. Kahit pagod, sleepy, or whatever.

Nightmares are product of stress, depression, unwanted happenings, unwanted people, unwanted things, being paranoid, too much information in brain, too much happiness, and too much sadness.

And...lack of faith.

Wag nating sanayin ang sarili natin na dapat tayong may katakutan. Lalo na kapag 3AM. Demons are around us, but if you are WEAK, physically, emotionally, mentally, and SPIRITUALLY, matatalo ka!

Kaya natuto na ako. :) At hindi na nananaginip pa ng mga ganoong nakakatakot na panaginip. Just be strong! Inside out!

Always PRAY. Subok na subok na ang Diyos. Hindi ka niya iiwan.

Ciao!

-Psych

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon