Bahay (FBstories)

523 13 2
                                    


Authors note: PLEASE BASAHIN MUNA TO !! capslock para intense hahaha :) Hello guys thank you sa patuloy na pagsuport nyo sa story na to im so happy ,Thankyou 24.8k Readers :)  580 Votes and sa mga comments sorry d ako makareply guys d ako snob ah may problema lang sa email kaya ganun anyway malapit na mareach ang story ko na to ang maximum parts dito sa wattpad kaya i will make book II ,guys share kayo ng creepy experience nyo and i will post sa book 2 just pm me here :) Thankyou :*


-


Bahay

haii readers! at spookifyers�� gusto ku lang mag share ng story hope ma post to, salamat admins�� tong story nato, ahh bali kinuwento lang sa akin ng mama ko kasi baby pa ako nang yari ito, so ganito to nag simula, sorry kung mahaba hah ag tyagaan nyo na lng thank you.

bagong mag live in partner yong mga parents ko nang nag decide sila na pumunta sa ozamiz city para dun maghanap ng swerte, kasi they live originally sa davao, one time ka co worker ng papa ko nag alok sa kanya ng libre patira sa bahay na walang upa, then convo was like.

C-worker: pre, nabagngit mo sakin kahapon na wala ka kayong bahay ng misis mo, tapos nakikitira lang kayo.

Papa: oo nga pre ehh, naawa ako sa misis ko buntis panaman yun, tas ang liit.o2 pa ng bahay, di kami halos mag ka sya,

C-worker: ahh, ganon ba, Pare matanung ko lang, naniniwala kaba kaba sa multo?

Papa: ano kaba naman, walang ganon uyy patawa ka hah, kalalaki mung tao mag tatanong ka ng ganyan, bakit naniniwala kaba? natatakot ka no!

C-worker: ahh, wag na lang natin pag usapan, ehh kasi pare yung tiyahin ko nag hahanap ng pwedi tumira sa bahay nila, libre lahat, tubig at kurente wala kang babayaran, ehh na isip ko baka gusto kaya kita sinabihan.

Papa: aba, oo naman kailang kami pwedi tumira?

Co-worker: sa susunod na linggo pwedi na,

so ganoon namin na paraan tirahan ang bahay, bali christian born again kasi kami kaya di naniniwala si papa sa ganyang bagay. Anex, Ozamiz city, dun yung location ng bahay, so yun naka tira na kami sabi ni mama sa kanyang pag ka describe sa bahay, talagang malaki ito, mala mansion daw ng dating mga 1/4 hectars ang kalaki ng bahay, dalawang palapag, maraming mga rooms, tas may malaki din itong front view at back view, malaki daw talaga yun kasi lahat daw ng kamag anak ng may are pag may mga okasyon don sine celebrate tapos don rin daw sila natutulog at nag e stay, so yun nga sabi ni mama first week ng kani lang pag tira okey naman daw pero pag karaan ng many weeks dun na nag simula, super dami raw ng nag paparamdam, Like mga bata, dwende, multo espirito, andami talagang creepy happenings na nangyari pero ito iilan lang ito, para di na gaanong humaba, ganoon so putul putulin ko ang story kasi di masyadong detalyado mag kwento si mama,

-----------

one time nong nagsasalamin si mama sa isa sa mga rooms sa bahay, malaki ang salamin na naka dikit sa ding.o2 makikita mo kabuoan ng katawan mo kong di lang basag ang gitna kumbaga, wala nang gitna na part ng mirror, tas ang meron lang salamin is sa baba na part at sa itaas, while nag susuklay si mama sa harapan ng salamin, aksedente nya na na hulog ang suklay nya nang pulutin nya ito, may nakita siyang puting mga papa sa likod din ng mga paa nya bali sabi nya 1inch below the ground yong feet so binaliwala lang ya, kasi baka namalik mata lang sya tas balik ulit sa pag susuklay, then na curios sya, sinilip nya ulit yung bandang feet nya para tingnan ulit pero sa time na yun alam na nya na di lang sya namalik mata, andon patin yung mga puting paa, don na natakoot si mama dali dali syang lumabas ng kwarto putlang putla sya tas di na nya sinabi kay papa kasi alam nyang pagtatawanan lang sya nito

--------------

isang araw nang bumili si mama sa kalapit na tindahan sa bahay, may nag tanong sa kanya,

Tindera: miss anong okasyon sa bahay nyo kagabie?

Mama: wala naman po, bakit po?

Tindera: anong wala, eeh alas otso nang gabie andaming nakaparadang sasakyan sa may gate nyo tas may nag lalabasang mga taong magagaya ang damit tas parang may party nag disco pa kayo sa loob ng bahay nyo yung replekyon ng mga tao sa labay kitang kita, ang ingay nyo kaya jan kahapon, madaling araw na nga kayo natapos ehh,

Mama: wala po talaga, na tulog lang talaga kami kahapoon tapos wala talaga kaming narinig na ingay.

----------

nung magbabanyo na sana si mama, na rinig nya na nag andar ang ang shower, akala nya si papa lang nasa loob nito kaya hinintay na nya lang lumabas na sya malapit sa pinto nag hintay nang huminto na ang shower, hinay.o2 bumukas ang pinto na parang may lumabas, pero walang tao, kitang kita ni mama kung pano nag mark ang mga basang paa, sa sahig papuntang itaas, mas lalo pa itong na klaro nang may mga marks na sa wooden stairs na parang paakyat ang mga marks.

maarami pang nakita si mama sabahay na yun like mga batang umiiyak, tumatawa, naglalaro, nagtatako at nag lalakad, tapos mga nag tatawanang dwende, yung bigla nalang paandarin ang gripo ng sabay.o2 every 3am ng umaga, umu ugang silya na walang tao, yung sabay bubukas ang mga pinto ng rooms tas i ko close na ng malakas para maka create ng padabug na sounds,

marami panang nangyari sabahay, pero next time ko nalang e story yung karanasan ng papa ko, at kung paano namin na paalis ang mga creature na yun dependi sa kung gusto nyo pa, comment lang kayo, tinatamad ako ehh, sorry 😄 thanks sa pag babasa,"

hellowkitty

Carmen,Davao del Norte

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon