Bahay (FBstories)

782 16 0
                                    


Bahay

Sana po mapost~^^

Ako lang siguro yung kinakatakutan ang sarili kong bahay. Noong nasa grade 5 ako, nagppractice kami ng sayaw non sa salas namin, tas bigla akong nakakita ng babaeng nakaputi sa harapan ko, katapat ng kwarto ng lola ko. Pinagtawanan lang ako ng mga kaklase ko, bakit daw kasi ako natumba at napaupo sa sahig? Eh, nakakagulat nga naman. Noong unang beses ko namang tulog sa kwarto ko, nagising nalang ako bigla ng may narinig akong katok sa pintuan, tinignan ko muna ang oras at nakita kong 12am na. Nagtagal ito ng halos isang oras at ako'y umiiyak na sa takot. Malaki ang bahay namin. May nagmimistulang hallway muna sa salas hanggang sa dining room. Katabi lang ng salas ang kwarto ng lola ko, na super creepy talaga kapag tinignan mo, kaya akong si duwag, tuwing dadaan sa hall, nananakbo. Meron ding time na nakakakita ulit ako ng mga white lady sa gilid ng mga mata ko sa garahe. Yung bigla nalang may makikita kang kulay puting sobrang bilis gumalaw.. May oras din nung kinuha ko ung gamit ko sa ate ko, dahil bukas yung pintuan ng kwarto niya, may nakita akong maliit na batang nakapalin ang tingin sa hagdanan. Nung nanonood din kami ng nanay ko ng balita, nakita kong nakaawang yung pintuan tas may parang anino, since malabo yung mata ko, nagsalamin ako tas may nakita akong parang ulong nakatingin sakin, parang maliit siyang bata, sa sobrang takot at paranoid ko nung time na yon, hindi ko na natuloy yung plano kong magsasayaw. Recently naman, since loner ako dito sa bahay namin,lagi lang akong nasa kwarto at nakalock ang pinto, may kumatok sa pintuan, pero nung binuksan ko, wala namang tao.. Sabi din ng lola ko, yung tita ko noon dati, nagkasakit, nilagnat siya. Hinanap ng tita ko yung lola ko sa bakuran namin (na parang maliit na gubat ang itsura), tinanong daw ng tita ko kung sino yung lalaking nasa bakuran namin, malapit dun sa may puno na mahaba ang balbas na umaabot hanggang paa.. Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong matakot dahil alam kong nandito lang sila sa paligid ko. Sabi naman ng lola ko, wag daw ako matakot, dahil mga kamag-anak lang namin sila. Matakot daw ako sa buhay. Mostly, sa 2nd floor talaga palagi nararamdman yung mga ganito samin, since kahoy lang iyon.. May maririnig kang parang nag-uusap pero kapag tinignan mo, wala naman. Luma na itong bahay namin, panahon pa siguro ng mga kastila dahil sa design ng 2nd floor. Pero mas nakakatakot talaga yung napaginipan kong aswang na may hawak na baril.. kekekeke~

-KalandianNiJungkook

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon