Doppelganger (Fbstories)

626 7 1
                                    


Doppelganger

Nakasanayan na namin ng kapatid ko ang maglalock ng pinto (tatlong lock pa) kahit kami kami lang ang nasa bahay. Nasanay na rin kami na laging nakapatay yung ilaw, or kung may ilaw man, dim lights lang.

Maaga akong dinalaw ng antok kaya tinanong ko si Cher (kapatid ko) na nagtatago sa kumot nya.

A: Hoy matutulog na ako. Lalabas ka pa ba? Para mai-lock ko na yung pinto.

C: Lock mo na, matutulog na rin ako eh.

A: May pasok ka ba bukas?

C: Wala eh.

Sinigurado ko lang na wala talaga siyang pasok para walang manggigising sakin bukas.

Kinaumagahan (6:45am) wala na sa tabi ko si Cher, in-on ko yung dim light, sinilip ko yung pintuan, naka-lock pa rin! So napa-isip ako kung pano nakalabas yung kapatid ko don ng nakalock yung pinto..

Nang biglang may kumatok.

""Ate."" Sabi ni Cher

Dali dali akong bumangon para masigurado kung si Cher nga 'yon.

A: Cher?

C: Oh? Para kang nakakita ng multo jan ah? (Oo t*ngn*)

A: Dito ka ba natulog kagabe?

C: Adik? Kay Lola ako natulog kagabi kasi may pasok ako.

A: Ha? Eh sino yung katabi ko kagabe?

C: Ewan ko. Nakooo!

Dun ko lang napagtanto na may katabi akong multo or engkanto, o kung ano man yan. Kaloka. Di na ko matutulog dun. Di na rin ako magpapatay ng ilaw. Huhuhuhuhu

ElaineChiu

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon