Manliligaw ni mama (Fbstories)

676 16 0
                                    


"Manliligaw ni Mama.

Hello po. First time ko lang po mag share ng story dito. Pasensya nalang po kung my mali akong grammar. Medyo mahaba nga lang po.

Last month palang to nangyare mga january 1-5 ata yun. So bago ang lahat yung bahay po kase namin ee tapat ng bakanteng lupa pero ngayon ee nabili na ng lola namin yung lupa kya naman nakakadaan na kame dun. Pinayagan kame ng lola namin na gamitin yung kalahati ng lupa para pagtayuan ng bahay. (Squatter po kase kame. Yung nakatayo bahay namin sa hindi namin pag aaring lupa.) Para daw kung sakali paalisin kami dun e may lilipatan kme. Noon yung lupa na yun ay puro kawayan, damo, manggahan as in di mo matatanaw bahay namin. Nalinis nalang nung namatay yung asawa ng may-are.

Fast forward, Eto na nga nung araw na pinayagan kami ng lola na magpatayo agad agad naman ay nagpatayo sila mama at papa ng bahay dun. (P.S di naman po kami masyadong mahirap kaya naman po alam nyo na. Yung sakto lang haha) 10 days lang natapos na din yung bahay kahoy lang naman kase. First night na natulog kame doon e kami lang nila mama,papa,ako at yung kapatid ko. Tabi kami ng kapatid ko sa isang kama sina mama at papa naman sa isa pang kama. Masarap naman tulog namin non at wala namang kakaiba. Kinahapunan (Trabaho kase nila madaling araw 2am alis na sila ni papa hapon na uwi nila nun.) Ayon nagkukwento si mama na pesko daw ganyan. Kaya yinayaya nya kame lahat i mean kaming lahat na magkakapatid na matulog dun mamayng gabe. Pero ayaw na namin. Sabi nya sakin kinagabihan

Mama: ""tara tayo na lang matulog dun ayaw ni pap mo ee""

Ako: Ayaw ko ma, ako lang maiiwan kapg magtratrabho na kayo. Tsaka gusto ko may aircon. Hehe

Mama: ikaw bahala.

At nung gabing yon siya lang nga natulog nun sa bahay na bagong gawa. Tapos kame sa taas nanonood ng tv 2 nalang kaming gising ng ate ko. Around 10-11pm na yun. Si mama sinilip ko muna kung tulog na. Kita ko na tulog na sya kaya pumanik ako. Eto na yung nakakatakot dun. Kwento ni mama to, Habang nasa kalagitnaan daw ng tulog nya narinig nya daw na bumukas ang pinto parang may pumasok ang nasa isip nya daw ay si papa ko na lumipat para tabihan sya. (Tabi naman kase talaga sila matulog) ayun, nagising daw sya pero di nya minulat yung mata nya. Tapos may tumapik daw sa legs nya yung para pinapasog para tumabi. Naka side kasi syang natutulog. Umusog naman daw sya tapos ramdam nya daw na hinakbangan sya tapos yinakap sya sa likod. Yung parang nakadagan sa kanyan. Ramdam nya daw yung hininga nung yumakap sa kanyan. Pero nabigatan daw sya kaya sabi nya ""Umusad ka, nabibigatan ako."" Tapos inalis naman daw nung dumagan sa kanyan yung pagkakayakap pero di tinanggal yung paa. Kaya dumarecho daw sya ng higa paglingun nya wala naman syang katabi. Pero di na lang daw nya yun pinansin. Pero natatakot na daw sya nun nilalakasan nalang ang loob. (Di kase sya naniniwala sa mga multo multo oh ano pa man.) Pinakikiramdaman daw nya ang paligid nya. Hanggang nakatulog na sya. Ng makuha na daw nya ulit at tulog ny bigla naman namatay ang electric fan. Bago pa lang yun kaya imposibleng nasira yun kaya inisip nya ng block out. Kaya sinilip nya yung bahay namin sa taas pero nakita nya bukas yung ilaw namin. Sinilip din nya yung sa kapitbahay at nakasindi naman din kaya namn mabilis sya tumakbo papunta samin. Lakas ng katok nya kaya agad kaming lumabas. Para pagbuksan sya ng pinto. Iniwan nya nakabukas yung pinto namin sa bagong bahay. Pero yung itsura nya nung araw na yun parang tumakbo sa marathon as in pawis na pawis samantalang sampong hakbang lang naman layo ng bahay namin sa bahay na bago.

Tinatanong namin sya ano nangyre pero di sya nagkwekwento. Inutusan nya kong kuhanin arinola at ilagay daw sa kwarto. Pero na alala ko wala kmi arinola kaya kinuha ko nalang ay timba.

Kinabukasan ng kumakain kami ng lunch 1pm na ata yun. Tinanong namin sya ano nangyari kagabe. Sabi nya wag muna tayo matulog don. Pero di nya pa sinabi kung bakit. Pinipigilan kase sya ni papa na magkwento baka daw matakot kami. Makalipas siguro ang isang linggo hapon na nun kakauwi lang nila mama at papa magtrabaho tapos syempre mainit kaya dun sila ni papa nagbilang ng kiniga nila hanggang pareho nilang di mapansin na nakatulog na paa sila. Dahil sa pagod siguro. Pagkagising nila naligo si mama sa taas. Wala kasi cr yung bagong bahay. Habang naliligo sya may nakita syang mga chikinini sa bandang likod, kamay, leeg kaya napasigaw sya tinawag nya papa ko tapos pinakit nya yun. Nung una nagbibiruan pa kame sabi namin kay mama ""ma baka may lalake ka. Hahah"" tapos seryoso mukha nya kaya nag alala kami. Anyway mahilig kase si mama maligo ng bukas ang pinto. At nagkakanta. 1 linggo na nakalipas pero yung parang chikinini ni mama e di kumukupas ang kulay parang bagong kabit lang ganon.

Syempre nag aalala na din kami kase dami na din case na nililigawan ng engkanto o anuman tapos namamatay tapos kukunin sya ganon? Kaya wala muna pumapasok sa bahay na yun. The next natutulog si mama tapos sa Panaginip nya may malaking lalaki na galit na galit at sinasabi nya ginagambala daw namin ang tirahan nila. Yung pwesto daw ng kama na nasa bahay na yun ay saktong sakto naka dagan yun puno ng kawayan doon. Nagising daw si mama at naalala nya na noon nga pala ay kawayan ang naroon. Kinabukasan kinausap kami ni mama na wag daw kami matakot kase kami din daw ang may kasalanan kaya sila nagagalit. Nung araw nayung inalis namin yung kama na yun duon at linipat. Kaya simula noon di na sila nagparamdam kay mama. Nagpa albularyo din pala kami noon at sabi ng albolaryo ay parang naakit daw sya kay mama. Inisip ko nga palusot lang ng engkanto na galit sya e. Baka gusto lang mag manyak. Pero rinerespeto naman namin sila. Sana di na nga sila ulit magalit.

Sorry po kung mahaba. "

UNKNOWN Macabebe 

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon