Classmate xx

599 12 0
                                    


Classmate

April 2016 naglalakad kami nang boyfriend ko sa isang mall dito sa alabang kakasahod lang kasi nun papunta kami sa isang store para bumili nang pabango nang biglang may napansin ako na pamilyar na matangkad na lalaki makapal ang kilay na singkitin ang mata nilagpasan nya lang ako at boyfriend ko.Sabay tinuro ko sya sa boyfriend ko alam mo ba meloves kaklase ko un nang 3rd year isa sa pinaka matangkad samin alam mo ba ang tahimik lang nun pag napasok kaso kadalasan lagi absent.tatawagin ko sana kaso nahiya naman ako kasi baka d na mamansin pero medyo naging happy ako kasi ibang iba na sya ngaun parang mas maayos na itsura nya d katulad nun at parang na dagdagan yung self confidence nya..

Netong buwan lang me nabasa ako sa group page nang section ko nung 3rd yr.Nagulat ako at di makapaniwala sa pinost nang isa sa kaklase kong babae na patay na daw si(insert name) nagbigti di daw alam kung bakit so nag comment ako 'totoo ba to eh kakakita ko lang sya sa mall last month' tas nag reply yung kaklase na oo last feb pa daw syang patay .nangilabot ako parang binuhusan nang malamig na tubig ang buong katawan ko tas dun ko kinausap ung bf ko na naalala nya ba yung tinuro ko sa mall na old classmate ko.sinabi ko din sa kanya na patay na daw last feb pa..kahit sya na ngilabot di makapaniwala kala namin bluff lang tsaka ko chineck sa fb na totoo patay na tlga sya..ni halos hindi ako makapag cr at toothbrush nun mag isa lagi ako nagpapasama..

Ang malaki ko lang tanong sa sarili ko bakit sya nag pakita sakin bakit saming dalawa eh d naman kami masyadong close nun kasi kadalasan tahimik lang sya..

Hindi eto ang una kong na experience sa gantong bagay siguro kasama na sa pagtanda ko minsan ayaw ko nang mag kwento at magsabi pag nakakakita ako kasi kadalasan di sila naniniwala.minsan inaasar pa ako nang mga kapatid ko na nababaliw lang daw ako.dun lang sila maniniwala na pati sila pinaramdaman na..

-taurus

-ibettertoclosemyeyes

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon