The preach (Fbstories)

687 9 0
                                    


"The Preach"

Isa akong Katoliko, pero inaamin ko hindi ako pala-simba at hindi pala-basa ng bible. Nagdadasal naman ako araw-araw pero yung tipong once a month lang ako makadaan ng simbahan, minsan nga hindi pa sa loob ng isang bwan. Hanggang sa may nakilala ako, naging katrabaho ko sya at naging kaibigan, nagka-kwentuhan at nalaman kong wala syang relihiyon. Wala daw syang Diyos pero naniniwala sya kay God at totoo daw na may Heaven and Hell. So nagtaka ako, sabe ko " E bakit wala kang Diyos pero naniniwala ka sa Heaven and hell? " . Ang sabe nya, naging Born Again Christian daw sya dati. Nagtuturo ng word of God and nabasa nya ang bible which is totoo daw talaga ang nasa bible. Hindi pwede sambahin mo si God at the same time eh gagawa ka ng mga bagay na ayaw ni God kaya pinili nya yung maka mundong kasiyahan kesa kay God. Na-curios ako sa kanya, nanghinayang, ganun. So sabe ko ikwento nya pa saken yung nasa bible. Sabe nya makinig nalang ako ng preaching sa internet , binigyan nya ako ng link kase nga ayaw na nya magkwento. So ayun na.

Nagtatrabaho ako sa isang Ospital at naka assign sa Emergency Room, 1am nun, dalawa kaming nurse na naka-duty at dalawang orderly. Yung kasama kong nurse at dalawang orderly hinatid yung pasyente sa ICU. So ako nalang natira sa ER dahil yung doctor namen eh nasa ICU at OR. Ok lang saken maiwan kase wala ng pasyente nun at alam ko mabilis din naman makakabalik yung mga kasama ko . Ako habang nasa harap ng computer at nag nagttype ng inventory e naalala ko bigla yung link na binigay ng kaibigan ko. So search ako sa youtube ng Christian Preaching and play. Habang nag ttype ako e naka background lang yung preaching. Wala pa din yung mga kasama ko, mejo nilakasan ko yung volume ng speaker kase ako lang naman ang tao, siguro mga 10mins na yung preaching e may narinig ako sa likuran ko. Yung footstool gumalaw mag isa na tipong may humiga sa kama. Meron kaming limang kama sa ER. Laging nakaayos yung mga gamit namen kaya naman alam kong sa unang kama yung nagalaw kase dun yung footstool na nakatagilid. Kinwnto ko yun sa mga kasama ko and marami nang nangyayare na paramdam sa ibat ibang paraan . Nagulat lang ako kase madaming beses na akong naiiwan mag isa sa ER pero sakto nung sa preaching sya nagparamdam. Madalas nilang makita ay batang babae na naglalaro, may buntis at baby.

Alam kong nasa paligid lang sila at hinding hindi nawawalan sa mga Ospital. Nagdasal ako at hininto na muna ang pakikinig ng preaching. Pinagpatuloy ko nalang sa bahay.

Mahaba yung kwento pero as in natakot talaga ako nun.

Nrse1715
Cavite

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon