Higanti para sa Hustisya (FBstories)

669 12 0
                                    


"Higanti, Para sa Hustisya"

Taong 2010 nangyari ang pangyayaring ito. Ang aking ama ay nag tratrabaho bilang isang Security guard sa isang Mall sa Maynila. Piloto talaga si Tatay ngunit hindi pa naaayos ang Kanyang Papeles dahil nga sa kakulangan sa Pera kayat napag isip isip nya na mamasukan nalang ng Security guard para may pantawid pang araw-araw na kami. Hating gabi habang naka Duty si tatay sa kanyang pinapasukan nag babantay sya. Napag isip isip ni Tatay na mag ronda muna sa Parking Area ng Mall para masigurong wala ng tao dito. Pag balik ni tatay sa Harapan ng Mall Bigla syang napa tigil may nakita siyang Lalaki na naka itim at Takip ng itim na Tela ang kanyang muka nilapitan ito ni Tatay upang Masigurado kung ano ang ginagawa nung lalake. Pag tingin ni tatay nakita nya na Tinitiyagang buksan ng lalaki ang Kandado ng mall. Biglang nakita nung lalaki si Tatay at itoy tinutukan ng baril. Sumenyas yung lalaki kay tatay na buksan niya yung Lock, Si tatay naman ay nag matigas hindi nya iyon sinunod Kaya't Naitutok sa ulo ni Tatay ang Baril pero si Tatay dina rin naka imik sa takot Kaya sinunod nalang niya yung sinasabi nung Magnanakaw. Habang unti-unting binubuksan ni tatay ang Lock nag karoon ito ng Lakas ng loob na manglaban sa Magnanakaw kaya nakipag agawan ng baril si tatay upang ma protektahan ang kanyang sarili Habang nakikipag agawan si tatay ng baril may isang matandang Babae na nag daan sa Harap ng Mall at sa Hindi sinasadyang Pangyayari biglang nakalabit ni tatay yung Baril at tsempong Pag daan ng matanda kaya yung Matanda ay nabaril. at Biglang nanakbo papalayo yung magnanakaw at si tatay naman ay hindi alam ang gagawin sa Matandang babae. kaya't Minabuti nalang ni tatay na ilagay sa Parking area yung matanda dahil balisa na nga si Tatay dahil siya ang naka baril sa matanda. Pag kalipas ng dalwang linggo Nangamoy na ang bangkay ng Matanda at Si tatay namay ay nanatiling tikom sa mga Pangyayari. Pinalabas sa TV, Ginawan ng Artikel sa Dyaryo at Pinananawagan sa Radyo. Na isa lang naman ang Hinihingi ng pamilya ng Biktima ang makamit ang HUSTISYA! Pero nanaig parin ang Takot ni Tatay dahil sya lang ang Bumubuhay sa Pamilya namin kaya't Tikom sya sa Lahat ng Pangyayari para Hindi siya makulong. 40 days ng naka raan ng mabaril ang Matanda Nanaginip si tatay ng Di maganda Napanaginipan nyang masasaksak si Kuya Jude Pero di ito pinansin ni tatay Dahil wala naman sa kanya ang mga Ito. At bigla nalang may tumawag sa aming telepono na Si kuya Jude daw ay Puno ng Saksak at itoy ay Nakita sa isang Eskinita at Ito'y dinala sa Ospital ay nag hihingalo na. Pag Dating namin sa Hospital hinanap nila ang Kaanak ni Kuya Jude, Pero huli na ang Lahat binawiaan na rin ng Buhay si Kuya Jude. Ikalawang Araw ng Burol ni Kuya Jude si tatay ay natulog na sa May paanan ng Kabaong ni Kuya Jude sa pag babantay niya. Maya maya Alas Dyes ng gabi, nakita ko si Tatay parang Binabangungot kaya't Ginising ko siya hapong-Hapo ang Itsura ni tatay nung ginising ko. Napanaginipan nya na Nirarape si Ate kaya't Sinabi nya sa akin na itext ko daw si Ate Ericka at sabihin dito na siya'y mag iingat. At ito namay ay aking ginawa, Alas Dose ng gabi may nag Text sa akin si Ate Eicka, Pumunta daw kami sa Hospital. Pero tinanong ko sya kung bakit Pero di na siya nag Reply sa aking text. Maya maya pa Tumatakbong nag punta sa Bahay namin si Manang Petch. Pinapapunta niya kami sa hospital dahil si Ate Ericka daw ay nasa Hospital. Pag punta namin sa Hospital may tumawag kay Tatay at tinanong kung siya daw ba yung tatay nung babaeng na rape. Pero Hindi ang sagot ni tatay dahil di pa nya alam kung anong nangyayari. Pag punta namin sa Hospital Kinausap kami nung Doctor Sabi nya Patay na raw si Ate. sa sobrang daming saksak sa Buong Katawan kaya't iyon ang kanyang kinamatay. Iyak ng iyak si tatay dahil dipa nga Naililibing si Kuya ay si Ate naman ang Kinuha sa amin. Naging Sukob ang Pagka matay nina Ate at Kuya Sabay silang naka burol sa aming bahay. Di na rin nakita kung sino ang ng Rape kay Ate. Ilang Araw ang lumipas nailibig na si Ate at Kuya ng Sabay, Pag katapos ng libing di pa ring mapakali si tatay, Diko alam kung anong nangyayari sa kanya Balisang Balisa sya na parang sinisisi pa nya sa sarili nya ang mga pangyayaring iyon. Diko na sya maintindihan. Maya maya pa ay hinimatay na si Tatay, nag sisigaw ako, humingi ako ng tulong sa mga kapit bahay pero ni isa walang tumulong sa amin. Pinispisan ko ang Likod ni tatay at naihiga siya sa kama at Pinaypayan ko sya para mahimasmasan. Pag ka ilang minuto nagising si tatay, umiiyak si tatay ng pag gising nya bigla nya akong niyapos at sinabi nya sa akin "Anak, Di pwedeng ikaw ang isunod niya. Mas mabuti pang mag salita na ako para matigil na ang lahat ng ito." Diko naintindihan kung anong sinasabi ni Tatay naguguluhan ako. Sinabi nya lahat lahat sa akin yung mga pangyayari simula nung sa pag baril nya doon sa matandang Napa balita. Pero di ako makapaniwala at di naman daw iyong sinasadya. Kaya't Para matigil na ang Lahat minabuti nalang niyang Sumuko sa mga Pulis at si tatay ay nakulong na. Mag isa na lang ako sa bahay, Lagi kong hinahatran ng Pagkain si tatay sa kulungan. Masaya si tatay pag nakikita nya akong dumadalaw sa kanya kayat lagi ko syang pinupuntahan para mapawi ang Kanyang Lungkot. Isang araw habang kumakain ako biglang may kumatok sa Pintuan. Si Tatay!? Niyakap ko sya ng mahigpit at tinanong ko kung paano sya naka laya pero ang sabi nya dina daw mahalaga kung pano nangyari yon ang mahalaga daw ay Magtapos ako ng pag aaral at alagaang mabuti ang sarili at Humihingi sya ng pasensya sa mga nangyari. Biglang umalis si tatay at ako naman ay nag taka, Pero ang sabi nya sa akin ay babalik din sya sandali lamang. Nai Lock ko na ang Pinto. Sabay namang may biglang kumatok pag bukas ko 3 Pulis, nag taka ako kung bakit naroon sila ang sabi ko sa kanila umalis lang po si tatay anong kailangan nyo po wala sya dito eh pero babalik din daw po mamaya. Pinangunahan ko na sila. Pero yung muka ng isang pulis nag tataka nyang tanong sakin, Ano raw ba ang pinag sasasabi ko? Sinabi ko naman sa kanila na sila ang diko maintindihan ano bang ibig nilang sabihin. Sabi naman nung isang Pulis wala na raw si tatay Patay na. Di ako maka paniwala dahil ka aalis lang ni tatay. Namatay daw si tatay sa Loob ng Kulungan ang Ikina matay daw nito'y bangungot. Ilang beses ko silang tinanong kung Totoo kaya't Pinasama nalang nila ako sa Hospital para makita ang labi ni tatay. Oo, tama si tatay nga iyon di ako nag kakamali. Bakas ang Kahirapan sa Muka ni tatay ng siya ay pumanaw iyak ako ng iyak diko na alam ang aking gagawin. Agad na pina libing si tatay dahil wala ng mag aasikaso dito. Inimbitahan naman ako ng mga Pulis na Sumama sa kanila sa Presinto. Pag dating ko sa Presinto may nakita akong Tatlong Folder na nasa table kina usap ako ng isang Pulis Marami syang sinabi sakin at nalaman ko din na Marami na rin palang Kaso si Tatay na diko nalalaman. Yung pag patay sa Matandang babae Yun daw ay sinadya ni tatay dahil yung matandang Babae ay humihingi ng Tulong kay tatay pero nainis si tatay sa sobrang inis nya binaril nalang niya yung babae at ang kaso pa nya ay yung sa Isang Driver ng taxi na kanyang Pinagsasaksak at iniwan lang yung bangkay nito sa eskinita at ang pang huli si tatay din pala ay ng Rape ng Isang babae. Mali pala yung sinabi sa akin ni tatay pinaniwala nya ako sa kasinungalingan. Pero di ako maka paniwala, Ibig sabihin alam na ni Tatay ang mangyayari kina ate at kuya Dahil bago Mamatay sina ate at kuya ay nananaginip sya Tungkol dito. Lahat ng ginawa ni tatay ay Bumalik kay Ate at kuya Kaparehas na Kaparehas ng mga pangyayaring ginawa ni tatay sa kanyang mga Pinatay. Ano nag hihiganti ba sila? Para saan? Para sa ano? Para makamit ang Hustisya? Tanong ko sa sarili ko ng mga Oras na iyon. At may biglang nai abot sa akin yung Pulis. Isang Sulat, na ang naka lagay ay "Anak, Pasensya kana kung diko nasabi sayo ang Lahat ha. Oo, Sinadya kong Patayin yung matanda. at yung Taxi driver din Dahil Sinisingil nya ako ng Mahal e yung perang Dala dala ko ay Pangkain nalang natin Kaya pinag sasaksak ko nalang sya dahil ayaw nya akong pababain hanggat di nag babayad. At Yung babae. Anak, Diko talaga sinasadya lasing ako nung mga oras na yon kaya ko yon nagawa sa kanya.Anak pasensya narin kung nadamay pa ang ate at kuya mo ah. Anak pag pasensyahan mo ng ang Tatay ha. Sana mapatawad mo pa ako." Lumuluha ako habang binabasa ang Sulat ni tatay. Diko na alam ang gagawin ko. Pumunta ako sa Puntod ni Tatay at doon ako nag iiniyak at sinisisi ko siya kung bakit nya nagawa iyon. naging mabuti naman siyang ama samin kahit matagal ng wala si nanay. Pero bakit nya iyon nagawa sa ibang walang kalaban laban? Namatay si Ate Ericka at si Kuya Jude dahil sa HIGANTI, PARA SA HUSTISYA.

Sana nagustuhan nyo kahit di naman masyadong nakakatakot. :) HAHAHAHA Any Comment or Suggestion? HAHAHA

~EPAREYENSIIHEL

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon