ExGrilfriend (FBstories)

753 18 0
                                    

Ex Girlfriend

Hello! Sembreak na pala. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. 4th year Educ nga pala ako. Halos lahat ng mga interns ginabi sa school nung araw na yun ng sabado kasi kailangang tapusin namin yung Bulletin board dahil checking na kinabukasan. Habang gumagawa kami may narinig kaming nagpatugtog sa kabilang room ng kantang ""Heaven"" ni Bryan Adams. ""Oh - thinkin' about all our younger years ..."" Napakanta pa nga kaming apat na nasa room pagtugtog ng intro.

Naalala kita sa kanta kasi madalas, kinakantahan mo ko nyan habang naggigitara ka.

Ihing-ihi na ako nun. Magpapasama dapat ako sa iba pero dahil busy sila sa kanya-kanyang ginagawa, ako na lang mag isa ang lumabas ng room. Nakabukas pa yung ilaw sa Grade 8 and Grade 10 so naisip ko nandun pa yung ibang interns at gumagawa ng Bulletin nila, nagpatugtog pa nga sila dba.

Dahil sarado na ang cr sa floor namin, kinailangan kong bumaba. Sa may hagdan papuntang canteen ako bumaba kasi alam ko bukas pa yung cr dun dahil wala naman lock yun.

Habang naglalakad ako.. may narining akong parang mga nag uusap sa Grade 5. Nakabukas pa ang room nila so sabi ko nandun pa din sila. May naamoy pa nga akong pabango. Langya naman nung kaklase ko kaamoy mo pa yung pabango. Naalala kita at napangiti ako. Pagkababa ko sa canteen napansin ko andaming kalat sa isang lamesa. May isang styro na may laman pang shawarma at mga tapon tapon na gulaman at vcut pa.

Antamad naman yata ng janitor hindi pa nilinis lahat. Teka favorite mo nga pala yung shawarma at vcut tapos huling kain natin magkasama eh nag gulaman pa tayo. Ansaya pa natin yun.

Hindi kaya ikaw yung kumain dun. Napakatamad mo talaga.

Naalala na naman kita. Pagkatapos kong umihi, bumalik na ko sa room namin. Mag 8:30 pm na nung natapos kami. Lalabas na kami ng room lahat nang biglang malaglag yung number 9 sa word na ""Grade 9"" na nakadikit sa Bulletin so binalikan namin at idinikit mabuti.

Napa-""sh*t"" ako ng bigla kita maalala. 9 nga pala ang date ngayon. Naalala kita kasi anniversary dapat natin ngayon. Bakit ko ba nakalimutan. Nakalimutan ko din na wala ka na nga pala. Namatay ka isang taon na ang nakakalipas.

Namutla ako. Sa sobrang pagkabusy ng katawan at utak ko nawala sa isip ko na wala ka na nga pala. Iniwan mo na ako. Tinanong nila ko bakit namutla akong bigla. Sabi ko bilisan natin bumaba. Pagdaan namin sa Grade 8 at 10 nakapatay na ang mga ilaw. Umuwi na siguro sila. Pagkababa namin sa canteen, malinis na yung lamesa.

Kinabukasan nakwento ko yung nangyari. Nagulat ako kasi maaga palang umuwi yung mga interns sa kabilang room. 5pm pa lang daw umuwi na sila.

Sabi nila kapag mahal mo yung tao.. kahit pagitan ng buhay at kamatayan kaya mong tawirin makasama mo lang yun taong minamahal mo. Dinalaw kita sa sementeryo nung araw na yun pagkatapos ng klase.

Mr.Gray

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon