Katabi (FBstories)

487 11 1
                                    


KATABI

Nagbakasyon po kami sa Surigao nun sa Probinsya po ng Mama ko. Year of 2009 Kasi Golden Anniv. Ng Lola at Lolo ko. Syempre after nun bonding bonding with my Cousins Then hindi naman kalakihan yung Bahay ng Lola ko kaya dun kami sa bahay ng tita ko pinatulog 5 Lang kasi kaming Magpipinsan na Halos magkakasing edad at kami lang yung bata. Eto na Bahay kasi ng Tita ko is Malapit sa Sementeryo. Diretsuhin mo lang yung daan sa Kanila sementeryo na.

Natakot ako nun pero nabawasan yun kasi sabi ng pinsan kong medyo nakakatanda sakin Magtatabi daw kami. Pero before that Tinanong nya muna ako Sabi nya ""Malikot ka ba Matulog?"" Sabi ko naman ""Opo kuya bakit?"" sabi nya ""Wala wala. Dun ka na lang sa Bandang sulok"" Nagtaka ako kung bakit eh Matanong ako. Kaya tinanong ko pinsan ko ""Bakit kuya?"" sanabi naman nya ""Wag kang matatakot ah. kasi Sa kwarto na'to Halos tuwing Alas Tres ng Gabi may Binatang Nagpapakita dito at madalas Humihiga Kaya natatakot ako baka Matamaan mo.At baka Magalit at Gambalain ka."" Sobrang Natakot ako sa sinabi ng pinsan ko BTW yung iba ko pong pinsan dun po sila sa ibang kwarto Ako lang po sinamahan ng Pinsan ko kaSi kwarto nya to kaya kasama ko sya.

Eto na nakatulog naman ako sa Awa ng diyos pero Nagulat ako kasi pag gising ko katabi ko na yung Isa kong pinsan at nasa kabilang kwarto na ako Actually umaga na din nun mga around 6. Tapos pagbangon ko lumabas ako ng kwarto tapos nakita ko Pinsan ko na Nakatabi ko kagabi. Nilapitan ko. Tapos tinanong ko ""Kuya! Bakit nandun na ako sa ibang kwarto at Hindi na kita katabi?"" Tapos tinignan nya ako ng seryoso Tapos sinagot nya ako ""Kylangan nyo ng umalis dito Natatakot ako para sa inyo"" Btw. My Third Eye kasi si kuya ""Kwento mo sakin kuya bakit?"" pangungulit ko sa kanya then sinabi din nya ""kasi daw nung galing akong Cr (umihi) Pagbalik nya daw sa kwarto Nakita nya daw yung Binata na Duguan, Sira sira yung Damit. At puro sugat na Madalas Nandun sa Kwarto nya. Nakita nya daw na Nakatabi sakin yun. Tapos

nakatitig daw sa akin. Kaya Kinuha ng pinsan ko yung atensyon nun. Ginawa nya nagsalita sya ""Ang himbing ng tulog ng Pinsan kong Cute na Cute. Sarap kurutin"" at Nilapitan nya daw ako habang papalapit daw sya sakin nakatitig sa kanya yung binata. Kunyari daw Walang Nakikita yung pinsan ko kahit meron. Binuhat nya daw ako Papunta sa Kabilang Kwarto katabi ng pinsan ko. pero sinusundan daw parin kami ng tingin Habang palabas kami nun nung kwarto.

Kinilabutan ako habang kinikwento yun sakin ng pinsan ko atsaka Pahabol nya pa. Hindi lang daw Isa yung Ligaw na kaluluwa sa Bahay na iyon kung marami yun lang daw yung Madalas na nandun sa kwarto nya.

Pagkatapos nung pangyayaring yun Umuwi na kami sa Bahay ng Lola namin at hindi na kylan man bumalik dun sa bahay ng tita ko na yun Btw yung pinsan ko na yun. Yun yung anak ng tita ko.. Hanggang sa umuwi kami dito sa manila Bakas pa din yung Pangyayari na yun. sabi nga ng pinsan ko buti na lang daw hindi ko nakita kung hindi Sobrang Takot na daw talaga ako.

Jackie

Caloocan

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon