Bakasyonista (Fbstories)

506 17 3
                                    


Bakasyonista

Hello, I just want to share my experience when I was in 3rd year college. Mahilig kasi kami mag outing ng mga friends ko in college. Kahit di pa tapos ang semester hinahanapan namin ng way para makapag out of town.

3rd year college to. Sinurprise ako ng parents ko ng bagong BMW. My first car. Walang occasion, biglaan lang. Nagulat ako at nagtaka at natuwa. 4pm na din yun at pinaalam ko agad sa lahat ng friends ko, syempre natuwa lahat.. At least hindi na kami magsisiksikan sa Mitsubishi ng friend namin na nagiisang may kotse sa buong barkada. At sa sobrang tuwa namin nagkayayaan kami mag Tagaytay. Pero tatlo lang ang sumama. All boys kami. Nagdodoubt ako ituloy yung lakad kasi lahat kami di alam pano pumunta ng Tagaytay by car. By commute lang. Yung friend naming may Mitsubishi tinutulugan lang namin pag nagdadrive ng out of town. So wala talaga kami idea bukod sa alam naming dapat mag SLEX kami. Fast forward. Alam namin na 1-2hrs lang dapat nasa Tagaytay na kami. 5pm kami naka pag start ng biyahe dahil bumili pa kami ng food at alak. Kanina pa kami nakaliko dun sa SLEX. Pumasok kami sa isang road saying na papuntang Tagaytay yun. Kanina pa kami nag dadrive sa kahabaan ng road na yun. Hanggang ngdecide na kami magtanong ng tao. May pinagtanungan kaming tindero ng sari sari store. At tinuro niya yung kalsada sa tapat ng store niya. Sabi niya shortcut daw yun going to Tagaytay. Kami naman nagtiwala kasi nga taga-don siya eh. Yung kalsada na yun lubak lubak na yung semento at may malalaking puno nakapaligid at wala man lang ilaw or sign sa entrance. After 20 minutes at wala pa din akong makitang street lights at houses/buildings napag decisionan namin na lumiko na lang pero biglang may ilaw mula sa malayo na papalapit samin. Napahinto ako sa pag rereverse at lahat kami tahimik na hinihintay kung ano yun. Hanggang sa papalapit na, headlights pala! Hanggang ng malapit na siya at hindi na nakakasilaw saka lang namin nakita na bus pala yun. Mukhang may kalumaan na at ang weird part ay nakapatay lahat ng ilaw sa loob at di namin makita yung driver. Lumabas kami ng mga kasama ko at triny namin parahin to ask for directions pero mukhang wala siyang plano pumara at tuloy tuloy lang ng drive. Pumasok kami ng kotse at sinara yung pinto kasi parang sasagasaan niya talaga kami pati yung nakabukas na pinto ng kotse ko! So since may nakasalubong kami na bus nagdecide kami na mag drive forward kasi baka nga shortcut talaga yun. Hanggang after another 30 minutes andun pa din kami. Naiirita na kami at babalik na naman sana ng may nakasalubong kaming magsasaka na nakasakay sa isang kalabaw. We asked for directions at sabi niya malapit na daw yung exit sa road na yun. Gumaan loob namin at patuloy kaming nagdrive forward. After 15 more minutes, najijinggle yung friend ko na sitting in the passenger's seat. Binuksan niya yung pinto at dun na din siya umihi sa kinatatayuan niya. After nun, nag panic siya at pinapalabas niya kaming lahat sa car. Pag labas ko nakita ko nasa dulo na kami ng kalsada, at isang arangkada na lang mahuhulog na kami sa isang bangin! Nagulat kami kasi kanina may kalsada pa sa harapan namin. Dinungaw namin yung bangin puro puno sa baba at other side. Binaliktad namin lahat ng damit namin at nagdrive pabalik. Pag labas namin dun yung tindahan na pinagtanungan namin biglang nag mukhang abandonado, as in tuklap na pintura sa labas, wala ng nakasabit na paninda, etc. We drove to the way na pinanggalingan namin from SLEX and we asked for directions at nalaman namin na walang way there to go to tagaytay. Wala akong nalaman about sa mysterious tindahan pero nalaman ko na unfinished daw construction ng daan na yun dahil cinancel daw lagyan ng bridge doon dahil wala daw nakatira dun. Di na namin tinuloy mag Tagaytay kasi baka mali nanamang direction ibigay samin. Umuwi nalang kami at nagsleep over sila sa bahay. So sana may readers na hindi pasikat na mema na makakapag explain kung ano yung tindahan, yung bus at yung farmer sa road na yun? Ewan ko kung natakot kayo sa story pero creepy experience siya para sakin.

Madami pa kong ishashare na creepy experience dahil lang sa pag out of town namin magbabarkada pero next time nalang ulit!"

R

Makati

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon