FB 2

877 18 1
                                    


"The Girl In Black Dress"

Dito sa school ko sa Cavite maraming nagsasabing may mga multo nga o nagpaparamdam na kakaiba..

hindi ako naniniwala dun..

hanggang isang gabi nagkaroon ng ball event sa school

December 18 , 2015

tanda ko pa yung date.. isa rin kasi yan sa pinakanakakakilig na gabi / nakakakilabot...

so eto na nga,. lahat kami nun kailangan nakadress kahit anong kulay except for black ayaw kasi ng principal namen ng black...

gabi na nun mga 9:00 nagsimula na din ung slow dance...

lahat nageenjoy at kinikilig sa mga couples na nagsasayaw..

ung iba naman nakaupo lang sa tables nila na *forever alone*

isa na ko dun.. sa mga naiinggit at nakikinuod lang.. habang pinagmamasdan ko yung mga nagsasayaw may nakita sa gilid ng hagdan na isang babaeng nakaitim na dress.. hindi ko maaninag ung muka kasi madilim din nun.. nakatitig lang ako sa kanya kasi nacucurious din ako.. tapos biglang nagaya yung kaibigan na magCR medyo malayo ung cr kaya nagpapasama.. takot siguro dahil madilim nga.. ung cr na yon.. malapit dun sa building na may nakita akong babae.. hindi naman ako makatanggi sa kaibigan ko kaya sinamahan ko..

Pagdating namen sa cr.. madilim din syempre patay ung ilaw... kaya binuksan ko yung isa medyo maliwanag pero ung ibang side madilim pa din.. pag pasok namen sa cr.. walang cubicle na available lahat may tao.. ung isa nagbibihis ata kita kasi sa ilalim , ung isa nakaupo lang.. habang nagaantay kami ewan ko ba.. parang na magnet ung mata ko at napatingin sa pangalawang cubicle.. nakita ko nanaman ung paa nung babaeng nakaupo oo , babae nakaheels kasi.. nagulat ako nung nakita kong may tumutulong dugo.. dun parang nanlamig ako bigla at nagsitayuan ung mga balahibo ko..

after nun.. lumabas na ung babaeng nasa unang cubicle at sinabing " bhe? bakit di pa kayo nagccr? inantay nyo pa ako.. eh wala namang tao sa kabilang cubicle" sabay tulak dun sa pinto.. nakita kong wala ngang tao nanlamig ako lalo.. pati nanlaki ung mga mata ko .. nagkatinginan kami ng kaibigan ko sabay takbo... wala na kaming pake kung naka heels man kami.. basta tumakbo lang kami.. at naiwan ung babae sa cr..

di man namin alam kung totoo o hindi un.. kinikilabutan parin ako hanggang ngayon..

Rica,

Cavite

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon