BigHead (FBstories)

525 15 0
                                    


Big Head

This happened last year also, 2015. The time bago ko maexperience yung una kong post sa Biñan City, Laguna. Nung mga time na to, nagaapply pa lang ako as a janitor sa manila. Ang pinagkakaabalahan ko noong mga time na yon, nagtutubigan (nagbubukid) ako. Sobrang hirap. Mag aani, magbabayo ka ng palay, gagapas din. Ganun ang buhay namin sa Victoria, Laguna. Then, one time, naikwento sakin ni mama, yung kapatid kong bunso na 3years old that time. Ayaw na daw pumasok sa cr namin. May nakikita daw kasi siya. Madaldal at mabibo yung bunso kong kapatid. Ayon kay mama, nagsabi daw ito na napu-poopoo pero nung sasamahan niya sa cr, ayaw daw pumasok ng kapatid ko. Tinanong ni mama kung bakit, sabi ng kapatid ko, ""Ayaw ko jan, may moomoo jan. Nagagalit e. Ayaw ko mama jan, sa labas na lang ako poopoo."" Kinilabutan ang mama ko. Tinanong niya kapatid ko kung ano nakikita, sabi ng kapatid ko, moomoo, malaki ang ulo. Sabi ko, kakapanood lang siguro ng kung ano ano sa tv at dvd kaya kung ano ano nakikita. Sabi din ni papa baka pusa lang yung nakikita ni toto. So binalewala ko yung kwento ni mama. Pero sabi niya, di daw niya talaga napapasok yung kapatid ko sa CR dahil nag iigak yung kapatid ko. Then, hinayaan ko. One time, kami ng kapatid kong bunso sa bahay, nagsabi siya na ccr daw siya, sabi ko punta na siya don. Ayaw niya. Ang ginawa ko, sinamahan ko. Close kami ng kapatid kong pinakabunso kaya sumusunod siya sakin. Nakapasok naman siya habang binabantayan ko. Tapos, tinanong ko siya kung totoo yung nakikita niya sa cr. Sabi niya, "" may moomoo jan kuya, malaki ang ulo."" so, bilang kapatid, ayoki nung ganun yung natatakot yung kapatid ko. Sabi ko, ""sige, halika, sasamah kita."" Bigla ayaw niya, umiiyak. Sabi ko, ""Di ba anak ka ni Lord? Wag ka matakot, papaalisin natin yung moomoo."" Napapayag ko siya, pero binubat ko siya para mafeel niya na secure siya. Paglapit namin sa Cr, tinanong ko siya, ""Ano, nakikita mo ba? Wag ka matakot, paalisin mo. Kasama natin si Lord."" Tapos, tumango yung kapatid. Pinaalis nya yung moomoo. Kitang kita ko yung reaksyon ng kapatid ko. Galit siya, sabi niya, ""Alis! Alis ka dito! Alis!"". Mejo kinilabutan ako habang kinakausap nung kapatid ko yung kung anuman yung nasa loob ng bahay namin. Sa iisang direksyon lang siya nakatingin. Sa tabing, bilang tagpi tagpi lang ang CR namin, nakatingin siya sa may banig na nagsilbing tabing ng cr namin. (Take note, di po maganda bahay namin. Typical house lang. Walang tiles as in simple lang). Then sabi ko, sige na, maglaro ka na ulit sa labas. Nakakunot pa din ang noo ng kapatid ko. Inalo ko na lang siya na wala na yung multo. Paglabas nung kapatid ko, something urged me na paalisin yung kung anuman yung nasa cr na yun. Binalikan ko, tumingin ako kung nasaang direksyon nakatingin yung kapatid ko. Then I started to rebuke.

Verbatim:

Me: Kung ano o kung sino ka man, umalis ka dito. Bahay namin to, at hindi ka welcome. I know na hindi ako worthy para sa Pangalan ng Panginoon, but hindi ako tumatayo sa sarili kong holiness. I know I am a sinner, pero dahil banal at makapangyarihan ang Diyos ko, Im here para paalisin ka. In Jesus' name! Wala kang karapatang takutin ang kapatid ko. Again, hindi ka welcome dito! We are a Christian family, kaya bumalik ka kung saan ka galing! Again, in Jesus' mighty name, umalis ka dahil wala kang karapatang takutin lahat ng nakatira dito!""

After those words that I've spoken, biglang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Ramdam ko, may sumalubong sakin something na force na parang lumalaban. Napaatras ako. Pumunta ako sala. Nangigilabot pa din ako. Alam ko yung spirit na yun ay nagagalit, lumalaban. I would admit na natakot ako. Gusto ko nang tumakbo palabas. Pero I know someone urged me again, na labanan. I know na si Lord yun. Binalikan ko yung cr. Para akong baliw na may kinakausap don. Ang lakas ng boses ko. But again, nasa sarili kong bahay ako, at walang karapatan yung spirit na yun para manakot sa sarili naming bahay. Muli, sinaway ko siya. Pinaalis. Ewan kung saan ako humugot ng tapang non pero sobrang creepy non ata para akong nakikipag laban sa kung anuman. Word by word, ginamitan ko ng bible verses, psalms 23, psalms 27 and marami pa. Pinagpawisan ako. Natapos yung battle namin ba in-end ko na, In Jesus mighty name, again. Umalis ka at wag ka nang babalik! We are covered by the blood of Jesus and His Angels.

Right after that. Kumalma ako. Ang ginawa ko, binuksan ko yung speaker namin at pinatugtog ko yung mga Christian Songs sa cellphone ko. From there, kumalma yung paligid. Alam kong guided ako ng Diyos nung time na yun. Kahit di ako worthy dahil makasalanan ako. Nagpasalamat ako sa Diyos dahil sobrang buti Niya. From there, di na ulit pinaramdaman yung kapatid ko ng spirit na yun. Alam ko, napaalis ko siya in Jesus' name.

I have seen and proved na makapangyarihan ang pangalan ng Panginoong Hesus. Though mga makasalanan tayo, hindu i nagbabago ang pag ibig Niya satin. As long as may faith tayo, kaya natin paglabanan lahat ng gawa ng evil spirits. Sana po maipost to kahit mahaba. In fact may part two pa po yung encounter ko sa spirit na yan. Next time ko ikukwento. Thank admin! Sana po maipost nyo po. Salamuch!

Rhon

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon